Bela
Busy ako sa pagtatype ng e-mail para sa aking business partner sa Canada ng maya-maya ay may kumatok sa pintuan.
"The door is open. You may come in," mahinhin kong sabi rito.
"Excuse me po. Dito po ba ang office ni Madame Bela?"
"Yes," ngiti ko.
"May sulat pong pinadala para sa inyo. Hindi ko nga lang po alam kung para sa inyo talaga 'to. Wala po kasing nakalagay na address. Tanging pangalan niyo lang at kung sino ang nagpadala."
Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito. Hindi ko akalaing uso pa pala ang telegrama ngayon.
Inabot ng mailman ang envelope sa akin. Kaagad ko itong binuksan at halos sumabog ang puso ko sa aking nabasang sulat.
Pinakamamahal kong Bela,
Sampung taon na rin simula ng ilayo ka nila Ama sa akin. Kumusta? Balita ko ay dalaga na ang ating anak at lumaking napakaganda.
Nagpakalayo-layo ka na nga talaga at nalaman ko ring literal, na malayo na ang iyong narating. Salamat naman kung ganoon. Tunay ngang iba ang nagagawa ng ganda't talino. Sabi ng aking kaibigang si Napoleon ay sikat na sikat ka na.
Sikat na sikat sa puntong hindi mo man lang pinapansin ang mga sulat kong isunusuksok mo nalang sa ilalim ng cabinet mo sa loob ng limang taon.
At kung nababasa mo man ito ngayon, nagpapasalamat ako sa taong nagpadala nito sa iyo sapagkat hindi niya ako binigo.
Gusto ko sanang makita ang ating anak. Nasasabik akong mayakap at makasama siya kahit sandali lamang. Sana naman ay payagan mo ako.
Hihintayin ko ang iyong pasya. Tawagin mo lang ako sa ipinangalan mo sa akin at darating ako.
Mag-iingat ka.
Napaluhod ako matapos ko itong basahin. Is this a prank? Pero hindi e, imposible, dahil kami lang nila Lola ang nakakaalam ng totoong nangyari.
Sumikip ang dibdib ko nang maisip ko si Barbara. Hindi. Hindi niya maaaring kunin sa akin ang anak ko.
Dali-dali kong dinial ang numero ni Tita Angelina. Alam kong siya lamang ang tanging makakapagpaliwanag ng nangyayari ngayon.
"Hello, anak? Napatawag ka," sagot nito. Muntik na akong mapaluha nang marinig ko ang boses niya. Miss na miss ko na siya.
"Hello po, Tita. Kumusta po? Okay lang po ba kayo?"
"Oo naman. Andito ako ngayon sa garden at nagdidilig ng mga orchids. Okay na okay ako. Mabuti naman at napatawag ka."
"Tita, itetext po kita kung anong nangyari, okay? Saglit lamang po."
Tita, hindi ko sinasadyang mabuksan ang ipinadalang sulat sa akin ni Calisto. Sinabi nitong gusto niyang makita ang aming anak. Natatakot ako. Tatawag ako ulit ngunit hindi natin pwedeng banggitin ang kanyang pangalan sapagkat darating siya.
"Hello, Tita? Nandyan ka pa po ba?"
"Oo, anak. Hindi ako makapaniwala. Bakit mo ba kasi binuksan?"
"Wala akong ideya na siya ang sumulat, Tita. Nakalagay ito sa ordinaryong envelope at hindi rin niya sulat-kamay. Akala ko ay isang kaibigan lamang."
"Anong gusto mong gawin natin nyan? Anong balak mo? Alam na ba ito ng Mama mo?"
"Hindi pa. Ayoko na sanang malaman pa niya sapagkat sobrang lapit nila ni Barbara. Baka madulas ang dila niya."
"Ikaw ang bahala, anak. Basta lagi kang magbaon ng dinasalang asin sa bulsa mo nang hindi siya makalapit."
"Sige po. Salamat. I miss you..."
"Sige na. Mag-iingat ka palagi."
Binaba ko ang telepono saka nagmamadaling ayusin ang aking mga gamit. Hindi ako mapakali. Ayoko ng mag-isa. Feeling ko ay may nakamasid sa akin. Bakit nga ba ngayon ko lang ito naramdaman? Siguro dahil ngayon ay aware na akong nariyan lang siya sa paligid.
Patakbo akong lumabas at hindi na pinansin ang mga schedule na sinasabi sa akin ng aking secretary. Wala akong pakialam. Bigla akong nawalan ng gana bigla. Para akong mababaliw.
"Good morning, Bela."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig na 'yon, at sa pagkakataong 'yon, nanlabo bigla ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Novela JuvenilShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...