CHAPTER 1

13K 151 0
                                    

-Yce

"Kapag madiskarte ka. Kikita ka." Iyan ang sabi ng matandang pinagbilihan ko ng ice cream.

Napangiti naman ako bago ko sakaniya ini-abot ang aking bayad.

"Kagaya ninyo Manong, kahit matanda na kayo sige pa rin kayo sa kaka-trabaho, dapat nasa bahay nalang kayo at nagpapahinga. Wala ba kayong anak?" Sabi ko naman sakaniya.

"Wala na sila e. May mga pamilya na, kapos palad lang din naman sila kaya hindi ko na lamang ginagambala, ay teka! Wala ka ba Ineng barya lamang? Ang laki kasi ng pera mo wala pa akong panukli dito."

"Ah, keep the change nalang po heheh, sige po una na'ko, sarap ng ice cream n'yo!" Nakangiti ko namang tanggi sakaniya.

Kahit pa-paano naman matutulungan ko siya diba?
Tatalikod na sana ako pero tinawag niya akong muli.

"Ineng! Anong bang pangalan mo!?" Tanong niya pa.

"Ako po si Yce!"

"Maraming salamat Yce! Napakabuti mong bata!"

"Welcome po!"

Tumakbo na'ko palayo sakaniya at hinanap ang aking kotse kung saan ito malapit na nakaparada. Nang marating ko ito, agad akong sumakay at tinahak ang daan papunta sa bahay.

Kakauwi ko lamang dito sa Pilipinas kahapon.
3 years old palang ako noong huling pumunta ako dito kasama si Mommy. Pero marunong pa din naman ako non magtagalog. Hindi naman ako nahihirapan. Sa France kasi kami nakatira, pero dahil sa Business ni Mommy dito sa Pilipinas. Mas pinili nalang naming
umuwi, may bahay naman kami dito. At dito na rin muna ako mag-aaral pansamantala.

Ayoko ngang maiwan doon! Mga maids lang kasama ko doon e!

"Where's Mom?" Tanong ko sa nakasalubong kong katulong pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Ah eh. Ma'am may pinuntahan po. Ang sabi niya lang ay bukas na daw siya ng hapon makaka-uwi." Sagot naman nito.

"Okay" tanging sabi ko at nilagpasan na siya.

Sanay na ako. Kelan ba siya nagkaroon ng time saakin? E lagi lang naman niyang inu-una 'yong business niya!? Baka nga kapag pinapili siya kung trabaho o ako eh, mas piliin pa niya ang lintek na trabaho niya. Kesyo, para saakin din naman daw iyong ginagawa niya! Future! Future! 'Yun iyong alam niya! Ano bang bago!? Napakarami na naming pera! Aahin ko ba 'yon? shete! Kahit man lang sana ilang araw tigilan na niya muna iyon! Siguro naman hindi kami ga'nun kabilis na maghihirap!

**

"Yce."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Teka! Nasaan ako!? Bakit wala ako sa kwarto ko!?
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Ano 'to? Bakit ganito? Parang Digmaan? Bakit nandito ako? Maraming nakahandusay na katawan, sugatan sila at iyong iba naman ay mukhang mga binawian na nang buhay.

Bumangon ako pero naramdaman kong may kumirot sa parte ng aking katawan. Sugatan din ako tulad nang iba? Anong nangyayari? Nasaan ako? Bakit parang may mga-----.

Napakurap ako ng ilang beses. Ano 'tong nakikita ko?! May mga powers sila!? Apoy, tubig, bato, yelo, at maging hangin! Ano 'to!?

All nature elements!?

"Yce!" May isang lalaking tumakbo papalapit saakin. Hindi ko maaninag ang mukha niya malabo.

At nagdilim nalang muli ang lahat.

****

"Ma'am Yce!"

Nagising ako sa sigaw ng maid. Panaginip lang pala. Hanep. Anong klaseng panaginip iyon?

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now