CHAPTER 46

895 39 0
                                    

Uwaaaaahhhh! Malapit na ang finale!

-Third Person's Pov

"They will help us." Sabi ni Claude matapos niyang ibaba ang kaniyang telepono..


Tumango lang naman sakaniya si Burn.



"How's Yce? Is she awake now?" Tanong pa niya.



Nakakuyom-kamao naman si Burn sa naging tanong ni Claude. "That bitch can't bring back her memory."






"Ano?" Naguguluhang sambit ni Claude saktong namang lumabas si Georga.






"He's right. Sorry hindi ko talaga kaya. Kailangan itali natin-----" hindi na naituloy ni Georga 'yung sasabihin niya dahil agad na nahila siya ni Burn at nahawakan ang kaniyang panga.






"Anong sabi mo?" Galit na tanong nito.






Lumapit naman si Claude sakanila at pilit inalis ang kamay ni Burn na nakahawak sa panga ng dalaga.







"Let her explain first." Halata sa boses niya na nagpipigil lamang siya ng galit.







Isip-isip niya kasi ay mas gugulo lang ang sitwasyon kong sasabay pa siya ng init ng ulo. Tahimik naman na kumalma si Burn pero hindi pa rin maalis na sadyang masama talaga ang tingin nito sa dalaga.



"Kapag nagkamalay siya.. magwawala siya." Panimula ng dalaga.









"Kontrolado na siya ngayon ni Veronica. At hindi ko alam kong anong kaya niyang gawin oras na magising siya... kailangan hindi siya maalis sa lugar na ito. Dahil delikado talaga siya ngayon.. at sinasabi ko talaga sainyo hindi ko alam kung gaano siya kalakas  kung ano ang kaya niyang gawin. Nasabi saakin noon ni Keziel na siyang ang babaeng may Dugong Crystal sa henerasyon na ito. Kaya malamang ngayon ay nasa kanya na ulit ang kapangyarihan niya... pero huwag kayong mag-alala sinisigurado ko na hindi siya makakaalis basta sa ginawa kong spell sakaniya 'yon nga lang ay hindi niyo muna siya mahahawakan mo malalapitan masyado at sorry din Burn, pero itinali ko talaga siya ngayon sa hinihigaan niya alam ko rin naman na ito din ang gustong mangyari ni Yce... ayaw niyang masaktan ang kahit na sino sainyo lalo na kung siya ang dahilan.." sabi pa niya bago binuksan nito ang pinto kung saan nandoon si Yce.











Kung titingnan mo sa unang tingin para lamang siyang natutulog ng mahimbing sa isang malaking kama.  Well parang ga'nun na nga.. ang kaibahan nga lang ay nababalutan siya ng pulang kapangyarihan ni  Georga. 'Yon ang nagsisilbing parang kulungan ng dalaga para kung magkamalay man siya at wala sa sariling katinuan, hindi siya basta makakapanakit. At isama mo na rin ang maraming lubid na nakabalot sa buong katawan niya.








"Kailangan ba talaga nakatali siya?" Tanong ni Claude maging siya kasi ay parang nahihirapan sa kalagayan ngayon ni Yce.






Napabuntong-hininga lang naman si Georga. "Believe me Claude, oras na magising siya walang kahirap-hirap na maalis niya 'yan..."






Sinulyapan nilang dalawa ang tahimik lang na si Burn.. Nakatitig lamang ito kay Yce.




Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.. gustuhin man niyang yakapin ngayon ang dalaga ay alam niyang hindi maari. Alam niyang para sa kanila ding lahat iyon.






Nakakainis mang aminin pero wala siyang sapat na lakas para labanan ang kalaban nila ngayon. Kaya hindi niya alam kong anong gagawin niyang plano. Lalo't pati si Keziel at Aries ay hawak ng mga ito. Pero hindi siya dapat sumuko.. dahil si Yce ang nakataya sa laro na ito. At kailangan siya ang manalo hindi si Veronica.



Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now