CHAPTER 30

1.1K 49 0
                                    

-Candy

"Oy gurl, kinakabahan na talaga ako kasi medyo malapit na ang finals. Paano kaya makakahabol si Fafa Claude gayong baguhan lang siya dito?"-Si Aem 'yan.





Lunes na naman kaya walang katapusang kaingayan na naman ni Aem at Mich ang titiisin kong pakinggan. Hindi ko na muna pinapasok si Aries kasi hindi pa naman ganoon kaganda ang pakiramdam niya ngayon. Nagpupumilit pa nga siya saakin kagabi pero dahil mas makulit ako sakaniya ay hindi na siya nakipagtalo pa.



"Duh! Mas maawa ka sa bagong transfer ngayon!" Sabi naman ni Mich.



Napataas kilay naman ako sa sinabi niya.



Transfer ulit?



"You mean, may bagong transfer na naman dito?" Hindi mapigilang tanong ko.




Sabay naman silang napatingin saakin.




"Bakit masama ba magtanong?" asik ko sakanila.


Grabe sila makatingin e.




"Wews! Ngayon ka lang kasi naging interesado, but yeah! Kyah! Meron talagang transfer ulit at ito pa ha! Mas gwapo siya doon sa kay Fafa Claude! Kyah! Padami ng padami ang transfer ngayon na gwapo ah! Hindi na talaga ako tatamarin na pumasok!" Napairap ako sa sinabi ni Mich.



Basta gwapo talaga.


May pahampas pa nga sa braso ko  si Aem. "Nalaman mo pangalan?" irit pa niya.





"Of course! Marami akong sources no! Burn Clien! Tama 'yon! At alam niyo bang may possibility na classmate natin siya wahhhh! At sa pagkakaalam ko ngayon din ang first day niya!"



Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mich.





Ano? As in si kuyang black profile?! Papasok dito at pweding kaklase ko pa? Shocks! Naalala ko iylng sinabi niya na magkikita daw kami soon! Ang bilis naman ng soon niya ha! Hindi kaya may gusto talaga saakin iyon? Tapos sinusundan niya ako? Eyieeh! Lols. Asapamore.


"Anong pangalan?" Casual na tanong ko. Buti naman at hindi nila nahalata na parang interesado ako.







"His name? I told you, It's Burn Clien. And you know ba guys na CEO siya ng isang company. As in super duper rich niya." Kinikilig pang dagdag ni Mich.





So rich ka pala Kuyang Black profile? Naeexcite tuloy ako bigla hihihi! Ano kayang itsura niya? Huli ko kasi siyang nakachat ay noong kumakain pa kami nina Mich at Aem na biglang dumating si Claude. Noong weekends naman kasi ay na kina Aries na ako. Tapos hindi naman ako basta makaonline kasi maya't-maya ang ginagawa kong pagpapalit ng bimpo sa noo ng lalaking 'yon! Ako rin ang nagluto at naglinis. Feeling ko nga naging katulong ako ng dalawang araw e!




"Baka naman taken na 'yang guy na 'yan ha?" Tanong naman ni Aem.




Natigilan naman ako.

Paano nga kung taken na?



Eh ano naman kung taken ha? *iling*iling*

Bakit ko ba 'yon naiisip!? Tsk!






"I don't know, hindi ko na inalam." Sagot naman ni Mich.




Napahawak ako saaking tiyan nang bigla 'yong sumakit.




Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now