CHAPTER 6

2.5K 58 0
                                    

-Yce

Ilang linggo na rin ang nakalipas. Simula nang maglandas kami ng lalaking nakamaskara.

Naging normal na ulit ang lahat.

Ay hindi pala.

Napapansin ko kasi ang pag-iwas saakin ni Cindy.
Nang magsimula na ulit akong pumasok ay umiwas na siya saakin. Dati kasi magkatabi kami ng upuan pero pagpasok ko. Lumipat na pala siya, iba na ang katabi ko. Hindi naman siya iyong sasabihin mong parang galit kasi kapag tinatanong ko naman siya ay umiimik naman siya kahit paano. Pero hindi ko rin maiitanggi ang paraan nang pagsagot niya. Para bang napipilitan lang siya na kausapin ako. At isa pa, mabilis niya agad tinatapos ang pag-uusap namin. Nakakapanibago lang naman kasi.... hindi naman siya gan'yan eh.Minsan ay inaakit ko siyang sabay na mag-lunch pero tinatanggihan niya ako... nagtatampo ba siya isang buwang pagkawala ko?



Hayst. Cindy naman eh!


Napa-angat ang tingin ko nang lumabas na si Cindy ng classroom kaya kaagad na din akong tumayo at sinundan siya.



I want to talk to her.

Is she mad at me?



Siguro ito na ang tamang time para magkalinawan kami at tanungin na siya.






Sa locker ang punta niya.




Nang abala na siya sa paglalagay ng kaniyang gamit ay mabilis na akong tumakbo at nilapitan siya. Medyo nagulat pa siya nang makita ako. Isinara niya muna ang locker niya at tumingin saakin.





Ako na ang unang nagsalita..


"Cindy. Are you mad?"



Pero katulad nang lagi niyang ginagawa saakin ay umiwas lang ulit siya nang tingin.





"Hindi. May klase pa tayo Yce, una na ako."


See? Gan'yan ang ginagawa niya araw-araw saakin.

But not this time.

Pinapahirapan niya na ako.




Nang tatalikod na siya saakin ay hinila ko ulit siya.

"May problema ka ba? Kahit hindi mo sabihin alam kong iwas na iwas ka saakin eh! May nangyari ba na hindi ko alam?! Sabihin mo naman oh! Akala mo ba ay hindi ko pansin ang pagiwas-iwas mo? No! Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang aking sarili kung bakit ka na lang nagka-gan'yan simula noong may nangyari saakin a month ago! ano magsalita ka!?" Nagsimula na ulit magtuluan ang aking mga luha.





Fuck this tears!



"Alam mo naman pala na umiiwas ako, bakit hindi ka na lang rin umiwas? Look Yce, I have no time with this at pwedi ba? Ito na ang huling pag-uusap natin? Let's act like we didn't know each other." ngayon ay hindi ko na siya napigilan ng siya na mismo ang nag-alis ng pagkakakapit ko sakaniya.

Mabilis na siya nakatakbo palayo saakin..




Bakit siya ganiyan? Ano bang ginawa ko sakaniya?

*****

Luch time ngayon at mag-isa akong kumakain.

Araw-araw ko naman kasabay si Keziel at Claude pero mukhang wala pa sila.

Hindi ko na naman sila mahintay dahil gutom na gutom na rin ako..

Napasulyap ako kung saan tahimik ring kumakain si Cindy.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now