CHAPTER 14

2K 65 8
                                    

-Yce

"I don't want you to be hurt.. Cassandra, Remember that."


Feeling ko naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay lumabas biglaan ang lakas ng kapangyarihan ko. Dahil ramdam ko ang panlalamig ng aking buong katawan..


"Dahil, kami ang malalagot kay Madam kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo."



Oo. Tama nga naman... kailangan niya lang pala akong protektahan dahil nga tungkulin niya 'yon. What's new Burn? Ayts! Bakit ba kasi napaka-assuming ko!? May payakap-yakap pa siyang nalalaman!



Aaminin ko. Medyo masakit marinig na kaya lang siya nand'yan saakin parati ay dahil sa tungkulin niya... 'yon lang. Hanggang doon na lang iyon... nakakalungkot isipin. Pero 'di ba dapat tanggapin ko na lang?


Kaya ko pa bang alisin ang pagkagusto ko sakaniya? Kaya ko bang makita na wala na talaga siyang pakialam saakin? Na wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko?


Noong bata pa ako. Mahilig akong manood ng mga romantic movie kahit hindi ko pa naman naiintindihan ang mga ga'nung bagay.. pero lahat kasi ng napapanood kong ga'nun ay nagpapatunay na kapag umibig ka sa isang tao ay hindi ito basta na lamang maglalaho kapag sinabi mo...


Inalis ko ang pagkakayakap niya saakin at bahagyang huminga bago siya hinarap.


Dahan-dahan kong ibinuka ang aking kamay at naglabas ng isang bolang yelo.



Ngumit ulit ako sakaniya nang pilit.



"See? I have my power. I have my strength.. I can protect myself without your help. Kaya huwag mong pilitin na protektahan ako. Dahil kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko.." 


Mabilis naman niyang iniiwas ang tingin niya saakin.


"Sige. Salamat ulit. Pero hindi mo na kailangan gawin 'yon sa susunod. Kaya ko ang sarili ko."


Tumalikod na ako sakaniya at dumiretso na ako sa paglalakad...


Peste! Walang katapusan na luha na naman ito!

***

*tok* tok* tok*

Napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Kaya kahit tinatamad, bumangon ako para mabuksan ito.


Bumungad saakin ang seryosong mukha ni Keziel.



"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakaniya.

Hindi naman siya sumagot. Dire-diretso lang siyang pumasok sa kwarto ko at siyang na ring nag-lock ng pinto.


"Hey! Magpapahinga pa ako Keziel. So please... leave" sabi ko sakaniya.


"Why you suddenly changed Yce?" Seryosong tanong niya.


Napatigil tuloy ako sa pagtataboy niya.


"I know it's hard for you to accept the situation.. I know you already love him.. I know how hard it is... but Yce, Pwedi ka naman maglabas nang sama ng loob saamin. Kahit hindi mo sabihin, masama ang loob mo sa ginawa namin. Pero ilang ulit ba namin sasabihin na para sainyo 'yon! Bakit parang pinaparusahan mo kami Yce!?"


Wala akong mahanap na pweding isagot sakaniya..


Bumigat lalo ang nararamdaman ko.


Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now