CHAPTER 23

1.3K 42 0
                                    

-Yce-

"Cassandra, please sit down." Maawtoridad na sabi ni Madam Cynthia.

2 hours,

Dalawang oras, para sa  pinakahihintay ko. Parang sinisilihan ang buong katawan ko at hindi ako mapakali, hindi pa rin ako sigurado kung magiging maayos ang lahat kapag nagtagumpay akong maalis ang sumpa kay Burn. Anong mangyayari pagkatapos nito? Isa ba saamin ang mawawala?

Napailing na lang ako sa sarili kong naisip. Hindi ko na rin naalala na nasabi ko nga pala kay Madam Cynthia ang pagkakaroon ko ng Dugong Crystal accidentally.. aksidente lang naman kasi talaga dahil galit lang ako ng mga oras na 'yon.. wala naman talaga ako balak sabihin sa kahit sino sakanila dahil baka makadagdag lang sila sa problema ko, ganoon kasi ang ugali ko once na magalit ako nadadala ako ng emosyon kaya pati mga hindi ko na naman dapat sabihin ay nasasabi ko pa.

Madaming nasayang na luha saakin kanina... pagkatapos nang naging usapan namin ni Burn ay umalis na rin ako sa lugar na 'yon.. sinabi ko sakaniya na gusto ko munang magpahinga at para na rin mapaghandaan ko nga ang mangyayari maya-maya na lang.. hindi ko sinabi sakaniya ang isaktong plano ko. Dahil alam ko naman na hindi siya papayag... pero dahil nakapag-desiyon na ako gagawin ko na ito kahit wala pa ang approval niya, kaso hindi pa umiinit ang katawan ko sa hinihigaan kong kama ay may kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko ay si Madam Cynthia 'yon at inanyayahan niya ako sa kaniyang opisina kaya kahit ayoko pa naman siya makausap sa ngayon ay wala na akong nagawa.

Tumikhim muna siya ng makaupo ako bago siya muling magsalita.

"Yce, I know you are planning something.." panimula niya.

Wala na'kong panahon para makipagtalo ngayon. Wala na'kong papakinggan na kahit anong opinyon mula sakanila. Gusto ko nang tapusin ang lahat ng ito. Kung kailangan ko magsakripisyo gagawin ko. Wala na rin namang mawawala. Ga'non at ga'non na rin naman ang mangyayari.. siguro nga ay itinakda na ang lahat ng ito sa una pa lang. Napunta saakin ang kapangyarihan na ito para sugpuin ang isang sumpa.

"Madam.. this time, can you please leave it to me? Gusto ko lang naman ay matapos na ang lahat ng ito." malumanay na sabi ko sakaniya. Pinipigilan kong hindi magalit sakaniya dahil baka kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig ko.





"Ayoko maging hadlang sa plano mo, pero masyadong delikado ang iniisip mo. Hindi tayo sigurado kung magtatagumpay kang maalis sakaniya iyong sumpa! It can cost your life Cassandra! Hear me out please!? Marami pang paraan! Huwag na itong maaring mapahamak kayong dalawa." Halos hindi mapakaling sabi niya saakin.

Napayuko na lang ako. May ibang paraan pa nga ba?



"Wala akong pakialam, kung babawian ako ng buhay dahil sa gagawin ko wala na akong pakialam. Hindi n'yo ba naisip na baka ito naman talaga ang kapalaran ko sa mundo niyo? Hindi niyo ba naisip na baka sadyang dito na lang ako hahantong? Ako ang biniyayaan non.. dahil baka sa simula pa lang ito na talaga ang nakatakda para saakin.. maaring oo, mawala ako pagkatapos nito. Pero ang mahalaga natulungan ko siya 'yon lang ang gusto ko ang matulungan siya..." muling pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kita ko naman ang pagbagsak ng balikat ni Madam bago napahinga ng malalim.

Tumingala ako sakaniya bago nagpakawala ng isang pekeng ngiti.

"Uh, wanna tell you something.. Madam why you didn't even tell me the truth behind my Mom's death? Bakit hindi mo sinabi ang totoong nangyari? Bakit hinayaan mong mangyari ito saakin? Wala ba akong karapatan malaman? Bakit pinagtakpan mo ang lahat? Ano pa bang itinatago mo?"

Doon ay natigilan siya. Lintek, dito palang alam ko nang marami siyang tinatago.

"Who told you that?" Tila 'di makapaniwala niyang tanong.


"Don't act like a fool again, Burn told me everything. Alam n'yo? Isa lang naman ang hindi ko matanggap e. bakit kailangan n'yo itago? Pwedi n'yo naman sabihin saakin kung ano 'yong totoo e? Maiintidihan ko naman kung magpapaliwanag kayo. I will understand everything! Pero ano? Humantong pa tayong lahat dito!"

Hindi siya makasagot matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon. Oo na, tanggap ko na. Si Burn ang pumatay sa nanay ko.. pero wala siya sa katinuan non. Pero hindi ba pweding masaktan ako kasi... iyong taong minamahal ko at pinagkakatiwalaan ko sa lahat ang gagawa non.? Bakit hindi na lang 'yong iba? Bakit siya pa? 


Wala naman akong natatandaan na naging masama akong tao. Wala naman akong hiniling na magkaroon ako nang ganitong klase ng pamumuhay.  Matagal akong namuhay ng normal na ang tanging iniisp ko lamang ay kung paano ko makukuha ang atensyong ng kinilala ko ina. Iyon lang. Pero hindi ko inaasahan na hahantong sa lahat ng ganitong problema ang buhay ko.

Siguro nga, kahit hindi ka masamang tao kapag ganto ang kapalaran mo. Iyon na talaga.


Doon ay nakita ko ang pagpatak ng luha niya.



"Yce, I'm sorry. Hindi ko masabi sa'yo ang lahat.. dahil hindi mo basta-basta maiintindihan ang nangyari. Hindi namin alam kong anong mararamdaman mo kapag nalaman mo 'yon... nakikiusap ako sa'yo, walang alam si Burn ng gawin niya ang bagay na 'yon mahalaga sakaniya ang nanay mo kaya napakaimposible na magawa niya iyong patayin."

Who would understand that easily anyway? Pero uso rin mag-try hindi ko man kaagad maiintindihan pero kung nalaman ko nang mas maaga at naging malinaw saakin. Kahit masakit 'di ba kailangan kug tanggapin ga'non naman iyon hindi ba?

Pero sabagay rin, ano pa nga bang mapapala ng sakit na nararamdaman ko ngayon 'di ba? Wala na rin naman ang Nanay ko. Hindi na naman niya 'yon maibabalik kahit anong gawin niyang subok.


Kaya kung hindi man ako magtatagumpay na mailigtas siya. Ayos lang gusto ko na magpahinga.  Feeling ko sobra na ako napapagod sa lahat. Wala na rin naman akong babalikan kung sakali... lahat ng nakapalibot saakin ay puno na lang sikreto na hindi mo malalaman kung hindi ikaw mismo ang aalam. Sometimes naiisip ko, kahit ba ang kinilala kong ina ay may itinatago saakin? Kasama ba siya sa lahat ng ito?

May balak din ba siyang itago na lang ang lahat saakin? Yeah baka nga wala na'kong kailangang balikan kung sakaling hindi man ako magtagumpay. I just need to save my man's life first for him to have a normal life again iyong wala nang takot sakaniya... iyong magiging malaya na siya sa lahat. 'Yon lang ang hiling ko. At kung mawawala man ako.



Alam ko kakayanin niya malakas siya at nagtitiwala ako parati na kaya niya at ako? Siguro kailangan ko na lang tanggapin na, baka oo, pareho kami nang nararamdaman sa isa't isa. Pero iyong katotohanan na maging masaya kami ay mali. Dahil... hindi kami pinagtagpo dahil kami ay itinadhana kundi... pinagtagpo kami para magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now