CHAPTER 20

2.1K 56 11
                                    

-Yce-

Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.



Parang ang lakas lakas ko.




Mabagal lang ang ginawa kong paghakbang.




Kailangan mag-doble ingat ako ngayon.




Magliligtas ako baka ang kalabasan ay ako pa mailigtas dito tss.




Parang may espiritu na nakasanib saakin at nawala ang takot sa dibdib ko.




Ang tumatakbo lang ngayon sa isip ko ay ang mailigtas si Claude.



Ewan ko ba, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Dapat magagalit ako sakanila dahil posible na magkakasabwat sila dito pero ano? Mas nangingibabaw ang pag-alala at pagmamahal ko sakanila.




Bwesit.


'I am here Cassandra.'



Napangiti na  lang ako nang marinig kong muli ang boses niya, atleast ngayon hindi ako nag-iisa.



Maya-maya pa rinig ko na ang mga kaluskos sa paligid.


They're here.



Pumikit ako at nang magmulat ako ay nakapaligid na silang lahat saakin.



What now?



Unang sumugod ang nasa harapan ko.


Kusang gumalaw ang kamay ko at ini-angat siya sa ere bago ihampas sa puno na malapit lang saakin.



Pagkatapos ay sabay-sabay na silang sumugod kusang ding gumalaw ang katawan ko at sinugod sila. Hindi ko maintidihan ang lakas na meron ako. Dahil kahit yata pitikin ko lang sila ay lilipad sila sa kung saan.



Bawat maibalibag ko ay nagiging yelo at nababasag n na lang.



Hanggang sa unti-unti ko na silang nauubos..




Nakayuko ako habang sunod-sunod ang ginawa kong paghinga.



That was too fast!



Hanggang sa may presensya na naman akong nararamdaman.



"Whoa, akalain mong may tinatago ka pa lang galing sa pakikipaglaban? Now, can you beat me Cassandra Yce?" Nakangisi niyang tanong saakin.




Katulad ng sinabi ko kanina hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko..



Nababaliw na ba talaga ako?




"I can always beat you Atasha.. always."



"Yeah. As always, mang-aagaw rin pati kung hindi ako nagkakamali."




"Kasalanan ko ba na ako ang gusto niya at hindi ikaw?"




"E kung hindi ka naman malandi-----" hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinakal at ini-angat sa ere.




"Wala kang karapatan... huwag mo akong punuin Atasha." malamig kong sabi sakaniya.




Kita ko sa mukha niya ang hirap sa paghinga dahil sa mahigpit kong pagkakasakal sakaniya.



Hindi ako malandi. Wala akong nilandi hindi ko kasalanan na akong ang gusto ni Burn at hindi siya.



Dahil doon, dahil lang doon nagkaka-ganiyan siya?


Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now