CHAPTER 43

957 45 0
                                    

-Yce

Paglabas ng kwarto naabutan ko si Burn sa may sala na may kausap nakatalikod 'yung lalaki kaya hindi ko makilala kung sino ba siya.

"Si Keziel? You supposed to be with her." Rinig kong sabi ni Burn.







At doon nakilala kung sino ang kausap niya nang sumagot na ito sakaniya.



"Iyon na nga, hindi naman niya sinabi kong kelan niya ginawa 'yung plano e! Nalaman ko nalang na tinulungan pala siya nung witch na kaibigan niya. You know Georga." Sagot naman ni Claude.








"And then you should ask that witch." Sabi naman ni Burn.





Nagtaka tuloy ako, don't tell yung tinutukoy talaga nilang witch ay totoong witch? God!




"Ginawa ko na. Nag-stay pa ako sa bahay niya para kulitin siya para sabihin na niya kong saan nagpunta si Keziel matapos niyang makuha si Aries-----" hindi ko na mapigilang hindi sumabat sa pinag-uusapan nila.









"Anong sabi mo? Si Keziel ang kumuha kay Aries?" tanong ko.






Ibig sabihin kaya nawawala si Aries ay dahil sakanila?






"Stop overthinking again Cassandra, mali ang iniisip mo." Mabilis na depensa ni Burn kaya siya ang binaligan ko.





"Kindly explain it to me." Seryosong sabi ko.

Pareho naman silang tumango.

~~~~~~

Nakaupo kaming tatlo couch. Hinihintay kong magsalita si Burn o si Claude pero wala yata silang balak magsalita hanggang hindi ko ulit bubuksan 'yung topic.




"Explain." Maikling sabi ko para namang natauhan 'yung dalawa at tuwid na napaupo.







"Tama ka ng dinig kanina Yce, plano namin talaga na kidnapin si Aries. Pero hindi dahil may masama kaming intensyon sakaniya... ahm, ganito kasi 'yan si Aries kasama rin namin siyang lumaki noon.. close sila ni Keziel dati. Si Burn lang talaga ang hindi niya nakasundo noon. Tapos si Atasha." Paunang sabi ni Claude.






Atasha? 'Yun ba iyong sinasabi ni Tita Anastasia na napatay ko noon?





"Atasha? Uh, may itatanong muna pala ako bago ang lahat." Kinakabahang sabi ko sakanila.









"Sige, ano ba 'yon?" Si Claude ulit ang sumagot si Burn kasi ay tamang nakatitig lang saakin.








"Talaga bang nakapatay ako noon? I-i mean kasi, narinig ko kay Tita Anastasia na napatay ko raw si Atasha kaya galit na galit sila saakin..." nakayuko kong sabi. Feeling ko tuloy naiiyak na naman ako.








Saglit namang natahimik si Claude pero tipid lang siyang ngumiti bago ako sagutin.






"Ahm, Yce. Iniligtas mo ako noon kaya mo nagawang mapatay si Atasha... kasalanan din naman niya kung bakit siya namatay eh. Kaya wag mo nalang isipin huh." 











Gusto kong maiyak na mainis kay Claude paano niya nasasabi ang lahat ng iyon na parang napakasimple lang? Tao 'yun e! Buhay iyon!




"P-pero napatay k-ko pa rin siya." Nagsimula na naman akong umiyak.




Such a baby cry. Napakaiyakin ko talaga. Toink.




Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now