CHAPTER 3

3.1K 70 1
                                    

-Yce

Nakahinga ako nang maluwag nang maayos akong nakalabas ng cafeteria. Malayo-layo din dito sa cafeteria iyong dorm namin ni Cindy kaya todo bilis ako sa paglalakad. Abay malay mo pala sinundan niya ako. Huwag naman sana. Mas lalo tuloy makapanindig balahibo dito. Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating sa Dorm. Feeling ko kasi may nakasunod saakin----

"Do not try to escape."

Napatigil at nanigas ako saaking kinatatayuan nang marinig kong muli ang boses niya.

Tama nga si Cindy, nakakatakot nga siya! Gusto kong tumakbo. Pero hindi ako makagalaw. Lumapit siya saakin. Kada hakbang niya palapit. Siya namang hakbang ko paatras. Hanggang sa wala na akong maatrasan!

Lagi nalang!

Kaya mas lalo siyang nakalapit saakin!

Kahit takot na takot na talaga ako sakaniya ay naglakas-loob pa rin akong tingnan siya.

"Ah-eh? Hi?"

Parang tanga ako! 'Yan lumabas sa bibig ko! Hanepsss! Tama ba sinabi ko!?

Nakatitig lang siya saakin eh! Ano bang dapat kong gawin!? Hindi naman siya nagsasalita ay! Natatakot na talaga ako, promise! Bibigay na iyong tuhod ko anytime!

Mas ginulantang pa niya ang pagkatao ko nang mas lalo niyang inilapit ang mukha niya saakin na kaunting maling galaw ko lang ay mahahalikan niya na'ko!

"You're so beautiful Yce."

~~~~

"Yce!? Yce!? Oh my god! Yce!? Wake-up! Hey!"

Napamulat ako sa sigaw ni Cindy.

"God! Finally you're awake! What happened ba ha!? Naabutan nalang kita na nakahiga d'yan sa sahig! Okay ka lang ba? Baka nasobrahan ka doon sa burger! Sabi ko naman kasi dahan-dahan lang eh! Hoy ano ba!?"

Alam ninyo iyong OA??? Ito 'yon oh.

Ano bang nangyari saakin? Ang natatandaan ko ay naglakad ako tapos, sinundan ako ni Burn! Tapos.. luh! Wala na akong maalala! Sinong nagdala saakin dito!?

Siya kaya?

"Nakatulog ako kakahintay sa'yo kaya 'yon." pagdadahilan ko.

Sana effective.

"Huh? D'yan sa sahig? Eh! Dapat hindi mo na ako hinintay! Akala ko naman kong na-paano kana!" Sabi niya naman.

"Hayst! Okay lang ako. Tara na tulog na tayo hahah!" Tumayo na ako at pabagsak na humiga sa kama.

Hindi na naman siya nagtanong imbis ay humiga nalang din siya.

Gwapo talaga sana si Burn eh! Kaso nakakatakot talaga siya! Muntik na'kong atakihin sa puso eh!

Kahit wala naman akong sakit doon!

"Good night Yce," sabi ni Cindy. Nilingon ko naman siya.

"Good night."

Tapos 'yon maya-maya narinig kong humihilik na siya, yeah! Parang di babae eh! Nahirapan na akong makatulog kasi naputol na kanina. Kainis kasing Burn 'yon! Bakit ba nakakatakot siya!?

Hayst kakayanin ko kayang magtagal dito?

******

"Yce, tatagan mo ang loob mo. You can do it, I'm always here beside you."

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now