CHAPTER 15

2K 55 3
                                    

-Yce-

Tulala pa rin ako at hindi makapaniwala saaking nalaman.


E paano ba naman bakit ako? Kahit ilang ulit akong pumikit sakaling panaginip lang lahat ng ito pero hindi. Pagmulat ko.



'Yon pa din kaharap ko pa din si Lola. Nakaupo pa rin ako at nakanganga saaking inuupuan.


Napakalaking responsibilidad ang nakaatang saakin kapag nagkataon.


Dahil ang ibig sabihin lang ng lahat ng ito ay ako lang ang may kakayahan na alisin ang sumpa kay Burn pero katulad nga ng sinabi ni Lola kahit kung ako pa nga ang babaeng 'yon. Hindi pa rin ako sigurado kung paano ko iyon aalisin sakaniya. So, may posibilidad pa rin na ang isa saamin ay malagay sa panganib.



"Lola. Marami pa po akong gustong malaman sa mundong ginagalawan ko. Hindi ko po alam kung sino ang kalaban. Ang kakampi. Ang may pakay na pumatay saakin. At ang dahilan kung bakit gusto nila akong mapatay. Wala silang mahihita saakin. Napatay na nila ang nanay ko. Hindi pa ba sapat 'yon?"


Totoo naman eh. Napatay na nila ang Nanay ko. Ano pang mahihita kapag pati ako ay wala na? Feeling ba nila masasaktan pa nila ang Nanay ko non? 'Di ba hindi na naman? Baka nga matuwa pa 'yon kasi magkakasama na kami sa kabilang buhay.


"Sa ngayon, 'yan lang ang maitutulong ko sa'yo Hija. Sana ay natulungan kita kahit papaano."


Ngumiti nalang ako.


"Ga'nun po ba?. Maraming salamat po. Sapat na po ang nalaman ko ngayon."




"Kung hindi mo sana mamasamain. Maari ba akong magtanong?"




Nagtaka naman ako.



"Po? pwedi naman po."




"Ikaw ba'y may pagtingin sa lalaking may sumpa?"


Napaubo ako bigla sa tanong ni Lola. 


Dire-diretso pero ano ba? Hindi pa rin naman ako makakatanggi eh. Wala naman siguro ako dito kung hindi diba? Hayst.


"Ang totoo po ay oo may gusto nga ako sa lalaking 'yon. At ako ang babaeng nakatakda sakaniya. Pero dahil sa sumpa. Pinaglayo kami.... Lumayo ako para sa kaligtasan niya... at kaya ako naandito ay para alamin kung sino ang makakatulong sakaniya. Pero dahil sa nalaman ko po ngayon. Mas lalo akong nabahala. Paano ko po sisimulan ang pagtanggal sa sumpa? Paano kung hindi po ako magtagumpay? Paano kung isa saamin ay mawala? Hindi ko na alam ang gagawin ko." Napapayukong paliwanag ko.



"Kung magtitiwala ka sa kakayahan at sa sarili mo? Alam kong mapagtatagumpayan mo ang pagsubok na 'yan...basta maniwala ka lang na kaya mo."





"Alam mo niyo po? Iyon ang hindi ko maiipangako. Wala akong kaalam-alam sa mundong ito." Sabi ko at huminga ng malalim.


-Keziel

"Masama ba tayong tao dahil sa ginagawa natin?" Nakatulalang tanong ko kay Claude.


Ang gusto ko lang naman, namin ay ang mailigtas sila.


Bakit hindi nila magawang maintindihan 'yon?


"Nope. But I think---hayst. I don't know either what to do." Sabi niya rin.


"Guys. Just stop. Napaglayo niyo na kami." Sabay kaming napalingon sa nagsalita.


"Burn I'm so sorry...."



Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now