CHAPTER 4

2.7K 58 1
                                    

-Yce

"Bakit ang tagal niya magising? Buhay pa ba siya? Ang tagal na niyang nakaratay d'yan e!" rinig ko ang maingay na boses ni Claude.

"Shut up. Kahit kailan ang ingay mo." Sabi naman ni Atasha.

Gustuhin ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa, parang may kung anong bagay na nakadag-an dito. Gusto ko mang imimik at sabihin sakanilang okay lang ako pero ayaw bumuka ng aking bibig. Wala akong maramdaman na kahit ano.

Pakiramdam ko, namanhid ang aking buong katawan. Patuloy ko na lamang pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"E! Bakit ba sa gusto ko mag-ingay! Lumayas ka kung ayaw mo akong marinig!" Si Claude ulit.

Napakaingay nga niya.

Narinig ko naman ang pabalyang pagsara nang pinto, mukhang napikon na nang tuluyan si Atasha sa kaingayan niya.

Sandaling katahimikan ang namayani pero muling nagsalita si Claude.

"Nasaan si Burn?" Rinig kong sabi niya.

"Who knows? Hindi ko pa siya nakikita. If I know noong isang araw pa siya huling dumalaw dito."sabi naman ni Keziel.

Ano daw!? Teka nga!? Ilang araw na ba ako dito!?

"Wala pa din bang balita sa sitwasyon ni Yce? Isang buwan na siyang walang malay ah?"

Isang buwan!? Agad-agad!? Akala ko ay nakatulog lang ako nang mahimbing! Paanong isang buwan na agad? Feeling ko kahapon lamang nangyari na sinalo ko ang pangahas na apoy na sana'y si Cindy ang tatamaan.

"Ano sabi ng doktor. Ngayon siya magkakamalay. The hell Claude?! Magkasama tayo noong sinabi ng Doktor 'yan!" Sigaw naman sakaniya ni Keziel.

Minsan talaga loko 'to si Claude.

I try to open my eyes again..... at ngayon gumaan na ito. At dahan-dahan na rin akong nakamulat.

Bumungad saakin ang puting kisame, tiningnan ko ang paligid.

Parehong nakatayo sa magkabilang tabi ko sina Claude at Keziel. Hindi nila ako napapansin dahil abala pa rin sila sa pagtatalo.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Na-nasaan ako?" Tanong ko na kaagad nakaagaw pansin sakanilang dalawa.

Mabilis na nakalapit si Claude.

"You're awake! May masakit ba sa'yo?" Agad na tanong niya saakin.

Bagay sila ni Cindy. Masyadong OA.

"Nasa bahay ka naming apat. Are you okay? Do I need to call the Doctor?" Si Keziel.

Hindi ko muna sila sinagot. Napatingin ako saaking dibdib at talagang sinilip ko pa ito sa loob ng aking damit.

Wala man lang itong bakas nang pagkasunog o kahit peklat.

"Okay lang ako. Hindi n'yo na kailangang tumawag nun." Sabi ko naman sakanila.

"Labas muna ako. Alam kong gutom ka na. Kukuhanan lang kita ng pagkain. Claude stay here, don't leave her alone." Sabi ni Keziel at lumabas.

Kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito.

"Yce sa susunod naman mag-ingat ka."seryosong sabi ni Claude na nakapagpayuko saakin

"Ligaw na apoy ang tumama saakin. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon." Sagot ko naman.

"Hindi 'yon ligaw. It was all planned! Maraming may gustong mapatay ka!"

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now