CHAPTER 10

2.4K 59 3
                                    

-Yce

"Class, Ayon saating kataas-taasang Dean ay magkakaroon tayo ng Acquintance party. Ang lahat ay kailangang dumalo. Hindi ba't matagal n'yo nang nire-request ito?" masayang anunsyo ng aming guro.

Biglang umingay ang paligid sari-saring reaction ang ginawa ng mga classmate ko. Maging ako ay napangiti saaking narinig.

Uwah! Maging sa ganitong mundo pala ay may ganito ring kasiyahan! Well good to know kasi matagal na rin akong hindi nakaka-attend sa Acquintance!


"Napagkasunduan rin na kailangan mag-suot ng bawat studyante ng maskara. Formal attire ang susuotin n'yo rito. Ayokong makita na masyadong revealing ang inyong kasuotan."dagdag pa niya.

Kung ang ibang guro ay makakapagpadugo ng ilong dahil sa galing nila mag-english e dito sa guro namin ngayon! Duduguin kami dahil sa galing at lalim niya magtagalog. Ugh! Sa pagkakaalam ko minsan ko lang siya marinig na nagsalita ng english words. Although gumagamit din naman siya ng english words na pang-halo sa matatalinhaga niyang tagalog na wika.

Tss! Pati tuloy ako ay nadadamay sa sobra niyang pagtatagalog!

Sa lahat yata ng classmates ko ay ako lang ang walang kaimik-imik e kanino nga ba naman ako makikipagusap!? Wala naman akong ibang kakilala dito. Nag-iisa na nga lang si Cindy na nakakausap ko dito dati ay nagalit pa saakin.

Pinagmasdan ko siya mula dito saaking upuan. Masaya siyang nakikipagkwentuhan kay Trisha at sa dalawa pa nitong kasama.


I think she's happy with her new friends

..

Ipinaliwanag lang ng guro namin ang agenda doon sa gaganaping Acquintance. Hindi ko rin alam kong bakit biglang na-cancel ang pasok ngayong araw. Sinabi rin nang aming guro na magsibalik na raw muna kami saaming mga dorm dahil wala na raw pasok tanging sabi niya lang naman ay may pagpupulong daw ang lahat ng mga guro.

Wala namang umangal dahil gusto rin ng ibang estudyante na magpahinga. Sabi kasi ng ni Sir ay biglaan daw ang Acquintance na gaganapin na agad bukas ng gabi. Siguro kaya sila nagcancel ng klase bukod sa may pagpupulong e para makapaghanda na kami at makapamili ng gagamitin at kasuotan bukas.

Parang tinatamad ako dumalo sa party na 'yon. Oo at marami akong pweding mai-suot dahil si Mommy mahilig siya dating bumili ng dress para saakin. Buti nalang talaga at dinala ko iyon dito. Atleast kapag sinipag pa ako pumunta ay wala na akong problema.

Ayoko pang pumunta sa mansion dahil maaga pa naman. Naglakad-lakad na lang muna ako hallway papunta sa dorm ni Cindy..kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan ayokong masayang at tuluyan na siyang magtanim nang sama ng loob saakin, gusto ko siyang maliwanagan. Alam ko hindi pa rin naman nagbabago ang nakilala kong Cindy. Siya ang unang tumanggap saakin nang mapasok ko ang mundong ito kaya hindi ko hahayaan na maputol na lang ang maikli naming pagkakaibigan.

"Ahhhhhhhh!!!!" Agad akong nabalik sa reyalidad nang makarinig ako ng tili.

What the!? Anong nangyayari?!

Mabilis akong nagtungo kong saan nanggaling ang pagsigaw pero agad akong nanlumo nang malaman kong sa room ni Cindy nangagaling ang pagsigaw ng isang babae.

Bukas ang pintuan at nakaturo ang babae sa loob ng silid niya na napapatakip sa bibig at hindi makapaniwala. Malayo pa ng kaunti ang agwat ko sakanila pero masama ang kutob ko sa nangyayari....Hindi ko alam pero napapaluha na ako....sana mali ang hinala ko..

Parang biglang nawala ang pandinig ng tenga ko. Para akong nabibingi. Tumahimik ang paligid na tanging hakbang ko na lamang ang naririnig ko. Kita ko ang pagdami ng tao sa tapat ng silid ni Cindy pero. Parang naging blanko ang aking pandinig.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now