CHAPTER 40

977 42 0
                                    

-Third Person's POv

"You are not a normal human." Biglang sabi ni Burn kay Yce.



Saglit naman natahimik ang dalaga bago muling umimik.





"Tsk! So you're telling me that I'm abnormal? Ga'nun ba?" Sagot naman nito.






"Be serious, I'm not kidding you here." Sabi naman ni Burn. Kaya natigilan din ang dalaga.






Ano bang ibig niyang sabihin? isip-isip pa ni Yce.





"Hindi ko naman sinabi na nagjojoke ka, ang akin lang. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Kung hindi ako normal. Edi abnormal nga ako. 'Di ba dalawa lang naman 'yon?" Naguguluhang sabi ni Yce.




"That's not what I mean. I know you are confused but you need to believe me Cassandra. You're one of an nature element fairies. You have the element of Ice."





"Ano bang sinasabi mo!?" Sigaw na ni Yce pakiramdam niya hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi ni Burn sapagkat napakahirap noong paniwalaan.





"You are the Queen Ice daughter.. you are a princess.. binigay ka ng nanay mo sa kaibigan niya at siya ang nagpalaki sa'yo bilang isang normal. Malayo sa mundo namin, dahil natatakot ang reyna na malagay sa panganib ang buhay mo. Pero.. hindi habambuhay maiitago ang katauhan mo. Dahil kahit baliktarin man ang lahat katulad ka pa rin namin. Lalo na nang malaman pa namin na may nagtatangka pa rin pala sa'yo kahit nasa normal na mundo ka na. Kaya naisipan ng kinilala mong ina na dalhin ka sa mundo namin. Dahil naniniwala siya na mababantayan namin ang kaligtasan mo.. Ikaw.... ang kapareha ko.. kaya pagtungtong mo pa lang sa lugar  namin ay nagwala na ang sistema ko... sinabi na iyon saakin matagal na ng iyong tunay na ina.. pero dahil rin may itim na sumpa ako. Hindi pa rin tayo maaring magsama... kaya kahit gusto kong makasama ka ay hindi maari... hanggang sa.. nalaman ko na kaya ka pala gustong mapatay ng kalaban ay dahil nasa dugo mo rin ang Dugong Crystal na siyang makakaalis ng sumpa saakin... pero wala paring kasiguraduhan na maalis mo ang sumpa saakin... dahil maaring isa saating dalawa ang mawala... ngunit ng malaman mo ang katauhan mo Cassandra.. hindi mo inisip ang sarili mo.. pinili mong i-sakripisyo ang buhay mo para maalis ang sumpa saakin..." paliwanag ni Burn.







Hindi maalaman ni Yce kung anong gagawin niya sunod-sunod na nagtutuluan ang mga luha niya.






"Naalis mo ang sumpa saakin.... kapalit ng buhay mo.....hindi ko alam kung anong gagawin ko noon Cassandra.. parang gusto ko na lang din maglaho.... pero naisip ko, ginawa mo ito saakin para mabuhay ako.... kaya hindi ko magawang tapusin ang buhay ko...tutal noong mga araw na 'yon para rin naman akong patay... hindi ko matanggap na ginawa mo 'yon... kung kailang mahina ako Cassandra.. doon mo ginawa ang ritual... hindi mo sinabi saakin... hindi... at.. noong araw ng libing mo... biglang nawala ang katawan mo... si Aries ang humarang saamin para hindi ka namin mabawi... mahina kaming lahat noon... maging ang naging nanay-nanayan natin na si Madam Cynthia ay namatay ng mga panahong 'yon para mailigtas ka.. pero wala. Huli na kami wala ka na.... nalaman na lang namin na binuhay ka ni Veronica kapalit ng ala-ala mo... dinala ka nila dito at namuhay ka ng normal kasama ni Aries, kasama ng mga kasinungalingan na ipinamulat nila saiyo...5 taon... binantayan ka namin... lagi lang kaming nakamasid sa'yo... dahil hindi namin alam ang maaring gawin ni Veronica sakaling lumapit kami sa'yo.. pero ngayon hindi na ako natatakot... ipaglalaban kita even if it can cost my life..but promise me that you'll be strong kahit anong mangyari." hinawakan ni Burn ang mga kamay ni Yce.







Tulala lang naman ang dalaga hindi niya alam kong paano niya ipro-proseso ang mga sinabi ni Burn. Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin.





I need to remember what happened...






"T-then.... paano ko malalaman kung may kapangyarihan nga ako?" 'Yon na lamang ang unang lumabas sa bibig ng dalaga.







"As of now, kontrolado ka ni Veronica... at hindi ko alam kung anong maaring niyang gawin sa'yo. May kakayahan siyang kontrolin ang utak at katawan mo. Kaya kailangang bago pa malaman ni Veronica ang lahat ng ito...kailangan mo ng maka-alala..."









Tinitigan siya nito. "At paano kung hindi ako makaalala? Anong mangyayari saakin?"






"She will controll you to kill us."







"Ano?!"









"You heard me right?"





Napatulala si Cassandra at bahagyang napaawang ang kaniyang mga bibig.






Anong gagawin ko? Kailangan kong makaalala... hindi maari 'to... hindi ko kaya makapatay ng ibang tao...lalo na 'yong mahahalaga saakin...hindi maari...pero anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? Ga'yung kahit anong gawin ko wala akong maalala saaking nakaraan..? Kapag hindi ako nakaalala makokontrol niya ako... makokontrol niya ang utak ko para patayin ang mga mahal ko sa buhay... bakit umabot ako sa ganitong sitwasyon? Bakit....? Akala ko sila ang totoo kong pamilya... akala ko totoo sila saakin... akala ko lang pala.... dahil katulad nga ng sinabi ni Burn pero kasinungalingan ang mga tumatak sa utak ko ngayon.






"But what should I do? Hindi ako makaalala. Kahit anong pilit ko...wala.. wala akong maalala." Halos mailing pa siya.


"Hush... it's okay..." alo naman sakaniya ng binata.

-Yce

Will it be okay? How? Could you guys tell me, how?




I cry, hindi ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.. no, I did not expected this.




Anong sabi niya? I am a fairy? Kanina parang gusto ko na lang matawa na ewan...pero ng makita ko na wala man lang bahid ng kahit anong biro sa salita niya natigilan ako bigla. Sobrang daming emosyon na nabuo sa dibdib ko, kasabay non ang pagdami ng katanungan ng utak ko, hindi ko alam kung paano magsasalita....kung paano sasagot... All this time I was blinded with a lies... lies.... argh!





Naramdaman ko na lang ang yakap niya at ang  paghinila niya sa batok ko para isubsob ako sakaniyang dibdib.






"I told you to stop crying."






"I-it's j-just.... you...know.... I'm scared what will happen next, Burn..... will I kill you all someday?"







"No, I know you won't do that to us. Stop crying."







"What if I couldn't bring back my memory? Will she control my mind to kill all of you? W-what i-if.. B-burn... I-i a-am s-scared..."







"You will be safe with me. Just trust me. All you need to do is to be strong."

Tumango na lang ako.





Kahit hindi ko na alam kong anong dapat kong gawin...hindi ba dapat lumayo na lang ako? 'Yong malayo sakanilang lahat para wala akong masaktan kahit isa man sakanila? Diba 'yon ang mas tama kong gawin? Kung ano man ang ginawa ko dati, kung ano man ang isinakripisyo ko noon. Alam ko na para sa ikakabuti naman niya 'yon...at kahit wala ang mga ala-alang 'yon...alam ko ang dapat kong gawin para sakanila..







Sorry Burn, but this time I need to leave you again. Ayokong saktan kita.. para hindi niya kayo saktan sa paraan na ako mismo ang gagawa... kailangan ko ng lumayo... malayo sainyo...at malayo kay Veronica....iyon ang tamang gawin...







Kailangan ko lang makaalala ng sa gayon ay hindi niya ako makontrol... kailangan ko lang makaalala.




Siguro naman ay makakabalik na ako sakaniya kapag nangyari ang bagay na 'yon.kailangan ko lamang ng panahon..kaya kailangan kong lumayo.

At kung gagawin ko man ang bagay na iyon, sana... mapatawad niya pa rin ako.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now