CHAPTER 28

1K 40 0
                                    

-Candy

"Hello Aries!?" Pasigaw kong sagot nang makalabas ako ng classroom.

Ang ingay kasi ng paligid parang nakalunok ng speaker ang mga students dito grabe! College na kami at hindi highschool o elementary! Bakit ba ang iingay nila?! Sakit na sa tenga e!

(Candy, can't fetch you now. May emergency dito sa bahay. Sumabay ka na lang kina Aem at Mich.)

"Ha!? Okay ka lang ba d'yan?" Takang tanong ko.

(I'm fine. Just don't do crazy things. Papasundo kita sa driver ninyo after class, okay?)

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Yeah, ingats"




(Take care Candy.) Then he hang-up.


Ano naman kaya emergency sa kanila? Bakit parang biglaan naman yata?


Nang makita ko si Aem at Mich ay agad ko silang tinawag.



"Oh! Wala si Fafa Aries?" Tanong ni Aem.





"Oo raw e. May emergency daw sakanila. Sainyo nalang muna ako sasabay." Sabi ko sakanila.



"Baka naman may ibang gurl na kadate Ouch!" Banat ni Mich.

E kung banatan ko kaya siya! Ano naman kung may kadate si Aries diba? Mga loko talaga itong mga 'to.

"Pakialam ko ba? Isa pa ayos lang naman saakin kasi kaibigan ko nga lang 'yon! Paulit-ulit na lang tayo dito a! Tsaka nasa kanila nga kasi may emergency!"sigaw ko sakanilang dalawa.


Taas kamay naman silang dalawa dahil sa pagsuko.

"Okay fine gurl. High blood ka e! Tara na sa cafeteria! Baka maabutan pa natin si Fafa transfer doon!"

~~~

Nagbrobrowse lang ulit ako sa facebook habang kagat-kagat ko iyong siomai na inorder ni Aem.




May chat na naman si Kuyang Black profile. Siguro type ako nito. Charot.



Burn Clein: where are you now?



Candy Salazar: hehehee school po? Kayo po? ilang taon na po ba kayo?

Burn Clein: 24


Candy Salazar: ako po ay 23 hhihh! Skl lang ho!

Burn Clein: skl???

Gosh! Si kuyang Black profile skl lang hindi pa alam kailan ba ito ipinanganak sa mundo!?


Candy Salazar: ah 'yon po ay, sher ko lang HAHAHAHA!

Burn Clein: We'll meet soon woman..

Pansin n'yo ang gulo niya kachat? Magtatype na sana ulit ako ng reply nang hampasin ako ni Aem.


"Ano ba?" Yamot na sabi ko sakaniya.


Pero nakangiti lang siya at impit ang ginagawang pagtawa maging si Mich ay ga'nun din.


"Problema niyo!?" Inis na sabi ko sakanila.


Itinuro naman nila 'yong likuran ko.

Ano bang problema nitong dalawang-------pagharap ko ito 'yong guy na nawawala bigla. What was his name again? Clouse? No! It's Claude!


Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now