CHAPTER 13

2.4K 61 13
                                    

-Yce-

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas. Pakiramdam ko ay nagbalik na sa normal ang lahat.


Napahinga na lang ulit ako nang malalim.




Normal na nga ba talaga para saakin?


Pagkatapos nang nangyari.. Naging tahimik na ang buong mansion. Bukod sa malamig ang pakikitungo ko kina Claude at Keziel. Si Burn ay tinotoo na ang kaniyang paglayo sa buhay ko.


Hindi naman ako galit sa dalawa. Sadyang ayaw ko lang makipag-usap sakanila.



Kinakusap ko na din si Madam Cynthia. Ipinaliwanag na niya saakin ang lahat. Ngayon ay nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.



Sumpa pala ang pagkakaroon ni Burn nang ga'nung klaseng kapangyarihan. At walang sinuman ang ang pweding kumalaban dito maliban sa taong may Dugong Crystal. At kapag naputol ang sumpang iyon. Hindi pa rin magiging ligtas ang kalagayan ni Burn. Maari pa rin niyang ikamatay ang bagay na ito. Kumbaga, Ang kaniyang taglay na kapangyarihan ang siyang nagbibigay sakaniya ng lakas. At kapag nawala ito sakaniya. Maari siyang manghina.




Hindi pa gaanong malinaw saakin ang lahat. Pero ang alam ko lang ngayon ay mabuti na din ang ginagawa kong desisyon na paglayo sakaniya.


Isa pa, Wala akong natatandaan na isa akong Dugong Crystal. Ang pagkakaalam ko lang ay isa akong anak ng reyna ng mga nyebe.


Pero hindi pa din pweding mapalapit pa'ko kay Burn masyadong delikado para saaming dalawa.



Nanghingi din ako ng pabor kay Madam Cynthia na kung pwedi ay sa dorm na lang ulit ako manuluyan pagkatapos ng klase ko. Pero mabilis ang ginawa niyang pagtutol dahil ayaw niyang pati daw ako ay magaya sa anak niya.




Hindi na naman ako nagpumilit pa. Mahirap makipagtalo kay Madam Cynthia lalo na sa kalagayan niya ngayon.



Napangiti ako nang matanaw ko si Mommy. Mabilis akong tumakbo para kaagad na mayakap siya!


I miss her so much! Kaya nang sinabi ni Madam na bibisita daw si Mommy ay na-excite talaga ako. Pero alam ko namang saglit lang siya. Okay lang naman saakin 'yon. Atleast nakadalaw siya at naalala niya ako.


"Akala ko nakalimutan mo na'ko!" Maiyak-iyak na sabi ko.


Napataas naman ang kilay ng kinilala kong ina.


"I will never forget you Cassandra. I'm so busy these past few days. That's why ngayon lang ako nakabisita sa'yo. Kamusta naman ang stay mo dito?" Tanong niya saakin.


Pilit naman akong ngumiti sakaniya.


"It's fine Mom.."


"Always take care huh,? Just follow the order of Madam Cynthia all the time ang gusto lang nito ay ang maging ligtas ka parati." Seryosong sabi niya ulit.


Tumango na lang naman ako.



"Syempre naman."


Muling siyang yumakap saakin at hinalikan ang aking ulo.


"I need to go. Bye. Take care."



"I will Mom. Ikaw din." Sabi ko na lang at kumaway sakaniya habang lumalakad na siya palayo.



Sumaglit lang talaga siya para makita ang kalagayan ko. Hayst, I wish I can spent more time with her.. I miss my Mommy damn much.




Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now