CHAPTER 24

1.1K 43 0
                                    

-Third person's Pov

"Ahhh! Arghhhhh!" Yce shouted like she was in pain.

At totoo dahil napapaluhod siya at hindi maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'yon sakaniya.

Maaring ito na ang kaniyang hinihintay na pagbabago.

Matapos ang naging usapan nila ni Madam Cynthia ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa pinakadelikadong lugar at 'yon ay ang gubat na siyang nagdadala sakaniya parati ng kapahamakan.

Nagliwanag ang kaniyang buong katawan at humaba ang naging mala-ginto niyang buhok. Pakiramdam niya ay may mainit na bagay na nakatarak sa kaniyang dibdib ng mga oras na 'yon. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw nang sumigaw.


"So it's true?! Nasa kaniya nga!" Halos hindi makahingang sabi ni Keziel ng makita niya ang kalagayan ni Yce.



Walang alam si Yce na nasabi na ni Madam Cynthia kay Claude at Keziel ang katauhan niya. Alam rin naman nila na ngayon ang mangyayaring pagbabago nito kaya, mula pa kanina ay nakamasid na silang dalawa dito.

Hindi rin naman mapansin ni Yce ang mga presensyang nakapaligid sakaniya dahil sa sakit na nararamdaman.



Ngayon ay nakaluhod na siya at nakatukod ang dalawang kamay bilang suporta habang patuloy pa rin siyang sumisigaw.


"We need to help her Claude! Please let me help her!" Sigaw ni Keziel na pilit nagpupumiglas sa hawak sakaniya ni Claude.

Mahalaga kay Keziel ang dalaga. Kahit anong taboy nito sakaniya ay hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magalit dito.

"No! Wala kang magagawa! Nakatakda na 'yan sakaniya!" Sigaw din pabalik ni Claude.


"Ano pababayaan na lang natin siya na magkaganyan?!" Napapaiyak na tanong ni Keziel.



"Fuck! Cassandra!" Mabilis na tumakbo si Burn palapit kay Yce. Pero parang magaan lang siyang bagay na tumalsik nang tangkain niyang hawakan ito.





"Burn!" Kaagad na lumapit ang dalawa para tulungan siya.


Balak niya sana uling tumayo nang mapahawak siya sa kaniyang sentido nang bigla itong sumakit. Napahiga ulit siya sa damuhan at napapapikit na dinaramdam ang sakit na kumakawala sa kaniyang ulo.






Not now, please. I need to save her. Isip-isip pa ng binata.

Nagsimula nang maglabasan ang itim na usok sa katawan ni Burn. Kaya maging ang dalawang si Keziel at Claude hindi malaman ang gagawin.


"Shit! Anong nangyayari sakaniya!?" Natataranta na rin si Claude at hindi malaman kung sino ang uunahin.



Napalingon siya kay Yce nang tumigil na ang pagsigaw nito.


Maging si Keziel ay natigilan at mabilis na nilapitan si Yce. Nag-iba ang anyo nito. Kagaya kanina ay kumikinang ang kaniyang balat at naging ginto na rin ang kaniyang buhok, maging kaniyang mata ay iba rin ang kulay.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Keziel sakaniya.





"Anong nangyari kay Burn?" Imbis na tanong niya kay Keziel.







"Hindi ko alam pero ang sabi ng mga babaylan noon. Kapag dumating na ang magtatanggal ng kaniyang sumpa ay magsisimula na rin siyang kainin nang kaniyang itim na kapangyarihan. Pero Yce! Huwag mong gagawin kong ano 'yang pinaplano mo please lang maghanap na lang tayo ng iba paraan.."


Ngunit hindi siya pinakinggan ng dalaga tumayo ito mula sa pagkakaluhod at lumapit sa kinaroroonan ng binata.

"Yce don't do this! Hindi matutuwa si Burn sa gagawin mo! Please huwag!" Sigaw na rin sakaniya ni Claude.


Tila wala siyang naririnig hinawi lamang niya si Claude at kagaya ng nangyari kay Burn kanina ay tumalsik rin ito. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at nagsimula nang lumabas sa kaniyang bibig ang mga Latin na salita.

Isang kidlat ang kumonekta sa kaniyang palad. Napalingon siya kay Burn na wala ng malay at patuloy pa rin ang paglabas ng itim na usok sa katawan nito. Napangiti na lang siya. Muli siyang lumuhod at parang kutsilyo na inilapit niya ang kaniyang mga palad sa dibdib nito.

Sapat na nga ba ang kapangyarihan niya para maalis ang sumpa?

Ibinigay niya ang kaniyang buong lakas, unti-unting nawala ang itim na usok na kaninang naglalabasan sa katawan ni Burn, kasabay non ang panghihina niya at ang pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa.

-Yce

Sunod-sunod ang aking naging paghinga.

Napangiti na lang ulit ako.


I made it, nagawa ko, natapos ko ang ritual. Naalis ko ang itim na sumpa mula sakaniya... nakakainis lang dahil mukhang hanggang dito na lang ang itatagal ko.

But the most important is, kung mawawala man ako nang tuluyan may isang bagay akong nagawa para sakaniya at hinding-hindi ko 'yon pagsisisihan. Ang matulungan ang taong aking minamahal ang siyang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Nakakalungkot nga lang rin isipin dahil magiging okay na ang buhay niya ngunit maaring wala na ako sa panahong 'yon.


"Yce.....bakit mo ginawa 'yon?" Umiiyak na sabi ni Keziel na nakahawak na sa aking kamay.



Bakit ba hindi niya magawang magalit saakin? Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan pero andito pa rin siya para saakin? Bakit?


"I-I'm so sorry Keziel... sa lahat nang ginawa ko sa'yo at kay Claude... huwag ninyong kakalimutan na mahalaga kayo saakin sa buong buhay ko ay wala akong naging kaibigan.. masaya ako na nagkaroon ako at kayo iyon. Salamat sa maraming tulong na ibinigay niyo saakin.. sa pag-protekta sa kaligtasan ko, baka sadyang hanggang dito lang talaga ako, baka sadyang ito lang ang papel ko sa mundong ito... pero huwag kayong mag-alala masaya ako kung mawawala man ako. Hindi ako magsisisi, dahil natulungan ko ang taong pinakamamahal ko sa lahat. Alagaan niyo siya ha? Tell him that I love him so much at pinapatawad ko na siya sa ginawa niya kahit hindi naman siya totally ang gumawa non... sana kung mawala man ako. Pasayahin niyo pa rin siya at sabihin na magiging okay rin ang lahat... sabihin niyo sakaniya na huwag siyang malulungkot dahil masaya ako sa ginawa ko... huwag siyang iiyak dahil hindi bagay sakaniya.... hindi ko kayo makakalimutan.... hanggang sa muli Keziel......Claude..... ingatan niyo ang sarili niyo." Kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Claude bago lumuhod din at hinawakan ang isa ko pang kamay.



Ngumiti rin ako sakaniya.



"I-ikaw naman... huwag mo na pababayaan ang sarili mo ha? Wala nang magliligtas sa'yo kapag nagkataon. Sa'yo ko na ibibilin si Keziel... huwag mo siyang pababayaan. Claude thank you for everything..... hindi ako nagsisisi na nakilala ko kayo, mahalaga ang naging parte niyo sa buhay ko tandaan niyo 'yan. Kayo ang pinakamahalagang tao sa buhay ko..." unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng aking paghinga... ramdam ko na rin ang bahagyang pagpikit ng aking mga mata..


Dito na ba matatapos ang lahat ng ito? Makakapagpahinga na ba ako?


Ina, patawad hindi ko nagawang iligtas ang mundo natin. Sorry at mas pinili kong i-sakripisyo ang buhay ko para sakaniya.. patawad.... mahina ako...



You did a great job Cassandra, I'm so proud of you...



Ang boses na 'yon. Napangiti na lang ako saaking isipan.



Tama ka, nagawa ko nga.... ngunit alam kong hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat... binigo pa rin kita.... hindi ko nabago ang hinaharap... hindi ko na magagawa pang maibalik sa dati ang lugar na ito.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now