CHAPTER 33

1K 39 0
                                    

(Hellows bored na ba kayo sa maraming flash back? Haahah! So eto na last na ito! Fast forward na ito. Halo-halo ng ang scene ito. Makakatulong naman ito promise. May mga malalaman naman kayo. Oh baka masagot pa nito mga katanungan ninyo! Chour! ETO NA YUNG PART NA MAKIKITA NA ULIT NI KEZIEL SI ARIES!Errr! HAAH! ENJOY READING ULETT!)

-Keziel

Nang pinasok ni Yce ang mundo namin marami kaming napansin ni Claude na pagbabago kay Burn.


Alam ko, hindi sila pwedi kahit ito pa ang kaniyang kapareha. Pero naawa kasi ako kay Burn.. natutuwa ako na makita na masaya siya kapag si Yce ang kasama niya. Kahit hindi ga'nun kalapit ang loob saakin ni Yce masasabi kong napakabuti niyang tao.


At nang araw din na sinundan niya kami ni Claude sa gubat para hanapin si Burn, Nakita kong muli ang mukha ng taong matagal ko ng pinakahihintay.. kahit nakamaskara siya, alam kong siya 'yon.... galit na galit ako noon sa sarili ko dahil hinayaan ko lang manood. Pero hindi ko kasi kayang harapin siya... hindi sa ganoong paraan. Alam ko rin naman noong mga araw na iyon ay malapit lang si Burn at magagawa niyang iligtas si Yce.


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdman..

Bakit Aries? Bakit nasa panig ka na nila ngayon? Anong nangyari? Akala ko ba ayaw mong maging katulad nila? Ano ito?



Gusto ko ring sapakin ang sarili ko dahil sa kabila ng lahat nang nakita ko. Hindi pa rin nabawasan ng kahit kaunti ang nararamdaman ko para sakaniya... hanggang sa pumunta ako sa isang babaylan.



"Kapareha mo ang lalaking iyon." 'Yan ang sabi saakin ng babaylan. Simula ng araw na 'yon. Hindi na ako pinatahimik ng sistema ko..



Kapareha ko si Aries.. at unti-unti rin akong sinampal ng katotohanan.





Kalaban na siya....at hindi ko na nakikita ang Aries na nakilala ko noon.... pero umaasa pa rin ako.... damn! Umaasa pa rin ako na nan'dun pa rin ang Aries na nakilala ko noon!



...

Nabigla rin ako sa sinabi saakin ni Claude noon na nasa kabilang panig din pala si Atasha at ang akala naming lahat na anak siya ni Tita Anastasia ay puro kasinungalingan lamang dahil ang totoo ay anak siya ng Reyna ng mga kalaban.. nasabi niya rin saakin noon na ginamit siyang pain ni Atasha para makuha niya si Yce. Pero hindi nagtagumpay si Atasha dahil noong mga panahon na iyon ay lumalabas na ang kalakasan ng kapangyarihan ni Yce kaya hindi niya iyon nagawang pantayan..




Patay na si Atasha... dahil nagpilit pa rin siyang kumawala sa kapangyarihan ni Yce. Naging yelo siya at unti-unti siyang nabasag.. hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting awa sakaniya. Taksil siya sa grupo. Tama lang na hindi talaga ako nagtiwala sakaniya... muntikan pa niyang ipahamak ang dalawang taong mahalaga saakin.

..

Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Mas nagulat kami sa sunod naming nalaman.


'Yon ay noong nalaman namin na si Yce ang may dugong Crystal na siyang makakapag-alis ng itim na sumpa kay Burn. Kaya pala pilit siyang gustong mapatay ng kalaban.







Masyadong delikado ang pag-aalis ng sumpa kay Burn. Maaring isa sakanila ang magsasakripisyo.. at hindi ko inaasahan na itinuloy noon ni Yce ang plano niya.




Nagawa niya ngang maalis ang sumpa kay Burn... pero hindi iyon kinaya ng katawan niya... hindi na tumitibok ang kaniyang puso. Nang magkamalay si Burn at ng malaman niya ang ginawa ni Yce ay matagal ang ginawa niyang pagwawala. Halos sunugin niya ang buong gubat sa sobrang galit. Wala akong magawa noon dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari... maging si Claude.... wala kaming nagawa... hindi namin siya man lamang nagawang pigilan...


....


Nakahimlay na ang katawan ni Yce napapalibutan na ito ng sari-saring bulaklak... handa na sana namin siyang ilibing. Nang isang pangyayari na naman ang nagpabago sa lahat.






Nawala ang katawan ni Yce. Kasabay ng pagkamatay ni Madam Cynthia... at alam ko kung sino ang gumawa ng lahat ng iyon... nakita ko kung paano niya sinunog si Madam Cynthia... nakita ko kung paano niya hinarangan ng malaking bato ang dinaraan namin para hindi namin mabawi si Yce... walang nagawa noon si Burn dahil masyado pa siyang mahina. Puro sigaw ang nagawa niya.. sinamantala nilang lahat ang kahinaan namin.




Hanggang ngayon wala akong naiisip na ideya kung bakit pa binuhay ni Veronica si Yce kapalit ng alaala nito. Pero ng dahil sa ginawa nya nagkaroon kami ng pag-asa na maiiligtas pa namin si Yce mula sa mga kalaban... sa nakalipas na limang taon.. tanging pag tingin sa malayo ang ginawa namin kay Yce... Iniwan namin ang sarili naming mundo at sinundan namin siya sa mundo ng mga normal na tao.



At si Aries? Galit ang nararamdaman ko ngayon..... mahal ko siya.. kapareha ko siya. Pero marami na siyang nagawa.... marami na siyang ginawa na alam niyang mali... pero ipinagpatuloy pa rin niya... naiisip ko pa rin... ano bang rason niya? Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?



Dinala niya si Yce sa labas ng mundo namin... at pinaniwala niya kay Yce na normal lamang siyang tao at hindi nage-exist ang mga katulad namin. Ginawa niyang muling inosente ang kaibigan ko... pinuno niya ng kasinungalingan ang naburang alaala ni Yce. Dapat ba akong maging masaya dahil sa ginawa niya?



Dapat bang matuwa ako kasi masaya na ngayon si Yce sa panibagong buhay niya?





No.. hindi Aries. Hindi ko alam ang rason mo kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito.. pero sumobra ka na yata... kaya ngayon ako na ang gagawa ng paraan para matigil ang kahibangan mo.






Sana lang talaga magawa ko. Dahil...... dahil... baka sa gagawin ko maibalik ko pa ang dating siya... at mapagtanto niya na ang dami na niyang nagawang mali sa buhay niya.... at gusto ko rin na maisip na hindi pa huli ang lahat para magsisi siya..... at kapag nangyari ang araw na 'yon?




Hindi ako mawawala sa tabi niya... tutulungan ko siyang pagsisihan ang mga kasalanang nagawa niya.




Afterall, ipinahinga rin naman niya si Yce ng ilang taon mula sa hirap at pagod na dinanas niya noong nasa mundo pa namin siya.

Kaya ngayon,

Play with me baby.

Napangisi nalang ako habang tinatahak ang daan papunta sakaniya.

Hindi active ang kapangyarihan ngayon ni Aries dahil nasa kontrol siya ni Veronica... pero gagawin ko ang lahat mabawi lang siya mula sa demonyong iyon.

Sa lahat ng ginawa niyang kasamaan, kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng iyon. Dahil matatahimik lang ang buhay namin kapag nalaman kong nabura na siya sa mundo. Iyon ang.... mapapanatag na ang loob ko.

Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now