CHAPTER 12

2.2K 53 1
                                    

-Keziel

"Ano nasaan na sila?"

Kanina pa ako naiinis dito kay Claude,
Bakit ba masyado siyang nag-aalala kay Yce e kasama naman nito si Burn!?


Ikot lang siya ng ikot na animo'y nawawala na si Yce. Mamaya papahanginan ko 'to hanggang sa malipad e nakakainis kaya!


"Can you stop that Claude!? Yce is fine, she's with Burn Okay!?"



"Keziel, you didn't get my point! I told you right!? They can't be together!"


Kanina pa rin niya sinasabi na hindi daw pwedi magsama 'yong dalawa, pero bakit? Ano bang problema nito ni Claude at ang weird niya mag-isip!?



"Claude, kung may gusto ka kay Burn---este kay Yce pala sorry ka na lang kasi------"



"What!? Keziel be serious! Akala mo ba ay nakikipaglokohan ako sa'yo!? Hindi pweding mag-combine ang kapangyarihan nila! Alam mo rin ang ibig kong sabihin! Hindi ba!? Yce is his mate! At ugh! Bakit ba kailangan ko pang ipaliwanag lahat sa'yo!?"

Natahimik naman ako sa sinabi ni Claude, umuulan ng nyebe sa labas marahil dahil 'yon sa tindi ng pag-aalala niya para kay Yce.

Ibig sabihin kahit si Yce ang itinakda para kay Burn ay hindi pa rin sila pwedi magsama?




"You mean?" makahulugan ko siyang tiningnan.



"Fuck Keziel, Yce will die kapag nag-combine ang powers nila, Alam na alam mong sumpa ang pagkakaroon ni Burn ng ga'nung klase ng kapangyarihan! Hindi niyon pweding mahaluan ng kapangyarihan ni Yce dahil mahahaluan ng lason ang powers niya. Yeah! Let's say anak siya ng reyna ng mga nyebe. Pero fuck! Walang laban ang kapangyarihan doon sa kapangyarihan na meron si Burn. Kapag patuloy pa silang nagsama hindi malayong mahulog rin si Yce sakaniya. You now the rules Keziel.. When they are totaly lovers the power they have will combine...."



Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Oo, sumpa ang pagkakaroon ni Burn ng ga'nung kalakas na kapangyarihan, Nag-iisa siya na nabubuhay dito sa mundo namin na hawak lahat ng nature elements, at ang sumpa? 'Yon ay ang kailan ma'y hindi siya magkakaroon ng kabiyak sapagkat kahit na buhay at merong itinakda para sakaniya ay hindi pa rin sila pweding magsama dahil mamamatay lamang ang itinakdang babae. Lason ang kapangyarihan ni Burn hindi 'to pweding humalo sa kapangyarihan ni Yce dahil ikamamatay lamang nito 'yon. Pwera nalang kong malabanan ni Yce ang kapangyarihan ni Burn.
But that's too imposible.


Kaya hindi kami magtataka kung bakit nagkaga'nun na lang si Burn.


Simula pagkabata kasama na namin siya. Masakit para saamin na malaman na habang-buhay na siyang nag-iisa. Wala siyang dahilan para ngumiti kasi para sakaniya masyadong madaya ang tadhana para sakaniya ibigay ang ga'nung klase ng sumpa. Malakas ang kapangyarihan na meron siya. Pero hindi kailan man na ipagpapasalamat niya 'yon dahil malaking bagay ang nawala kapalit lamang ng kapangyarihan na meron siya.




Hindi siya pweding mahalin nino man. Kahit pa ito ang itinakda para sakaniya.



Kahit tuloy ako ay napatayo na rin at nataranta.



"Saan ba kasi sila nagpunta!?"



Sinubukan kong hanapin ang lokasyon nila pero sinadyang balutan ni Burn ng kapangyarihan niya ang lugar kung nasaan man sila ngayon para hindi namin sila matunton. What a brilliant idea of him tss. Maging si Claude ay nahirapan din hanapin ang lokasyon nila. Arhgg! Ano ba namang laban namin sa kapangyarihan niya!?



Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now