CHAPTER 9

2.4K 51 0
                                    

-Yce

"Claude ang takaw mo talaga! Sinabi ko nang konti lang ang kainin mo kasi para 'yan kay Yce e!" Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Keziel pagkapasok ko pa lang sa loob ng Mansion. Hapon ngayon at kakatapos lang ng klase namin.

"E! Shut up! Hindi lang naman siya ang gutom pati rin naman ako!"sigaw din pabalik ni Claude.


Napangiti nalang ako.

Kahit silang dalawa lang ang natitira rito. Napapaingay nila ang kabahayan.


Lumakad ako papunta sa hapag-kainan naabutan ko sila doong nag-aagawan sa pagkain. Napatigil lang sila ng mapansin nila ang presensya ko. Kaagad tumayo si Keziel at lumapit saakin.


"Yce! Tara kain kana! Nagluto ako para sa'yo!" Masayang sabi ni Keziel.



"Tss! Nag abala kapa!" Sabi ko naman.



"Syempre."tanging sabi niya at ipinaghila ako ng upuan.


Napansin ko naman na tumahimik si Claude na kanina ay ingay na ingay.

Hindi ko parin kasi siya pinapansin.


Pagkaupo ko ay uminom na rin siya at tumayo na.



"Where are you going?" Takang tanong ni Keziel.



"I lost my appetite. Enjoy." Biglang lamig na sabi niya at umalis na.


Malungkot naman na tumingin saakin si Keziel kaya nangunot ang noo ko sakaniya.

"Bakit?"



Masyadong nakakailang ang ginagawa niya.


"Galit ka pa rin ba kay Claude? Hanggang kelan ba tatagal 'yang away ninyo?" Sabi niya.


Hindi naman kami nag-aaway. Ano bang sinasabi niya? Sadya lang namang iniiwasan ko si Claude.

Kumuha lang ako ng pagkain bago siya hinarap.



"Hindi naman kami magkaaway...sadyang...iniiwasan ko lang siya."pag amin ko.


"Bakit mo naman siya iiwasan? I mean, iniiwasan to be exact."

Wala akong panahon magpaliwanag sakaniya. At alam ko naman na hindi siya sang-ayon kung ano man ang dahilan ko para dito. Lalo na at para kay Cindy naman talaga 'yon.


"Ays! Hindi mo rin ako maiintindihan!"sabi ko na lang sakaniya.



"Paano ko nga maiintindihan kong hindi mo naman pinapaintindi saakin! Saamin. We are clueless Yce. Masyado kang malihim."



Napahinga nalang ako ng malalim sa sinabi niya.


Paano nga ba nila ako maiintidihan?


"Aish! Ayan tuloy parang nagtatampo na rin sa'yo si Claude! Kasi naman ay!"


Napatawa naman ako sa sinabi niya at nagtuloy sa pagkain.



"Fine. I'll talk to him." Sabi ko na lang.

Kaagad namang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.



"Really?"



Tumango naman ako.

Minsan napakaisip-bata rin nito ni Keziel.



Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now