CHAPTER 11

2.4K 53 0
                                    

-Yce-

Tinipon lahat ng student sa quadrangle matapos ang nangyari kay Cindy.

Hindi na naman humiwalay saakin si Claude hanggang sa pumunta rin ako sa quadrangle.



"Do you have any idea why we're here?" Tanong ko kay Claude na nakacross-arms at nakatingin sa unahan.




"None. Maybe idi-discuss lang iyong nangyari kay Cindy. Baka magbababala si Madam Cynthia. O baka magdadag pa ng batas dito sa school. Para sa seguridad nang bawat estudyante." Sagot niya saakin.



Wala pa siyang idea sa lagay na 'yan.




Inirapan ko siya.



"Ah, wala ka pang idea sa lagay na 'yan ha. Tss" sabi ko.



Napatawa naman siya bigla.



Anong nakakatawa!? Peste siya!



"Ahhaha! Just kidding! I don't know etheir." Tumatawang sabi niya naman.



Maraming students na ang nandito. Kaya medyo sumisikip na rin ang paligid buti na lamang at may sarili rin kaming upuan sa unahan.




"Teka nga pala. Bakit naandito tayo sa unahan? At sosyal ah? May pa-bangko sila." sabi ko.



Tumawa naman ulit siya.



"Syempre. Lagi namang nasa unahan ang mga royal blood."



"Ah ga'nun!"




"Oh yeah!"


Di ko na naman siya kinibo at tumingin na lang ako sa kabuan ng quadrangle. Lahat halos ng student ay nakatingin talaga saaming dalawa ni Claude. Nababaguhan yata sila saakin. Kahit naman ako eh.


I am just a newbie...pero ito ako ngayon at kabilang na pala sa mga royal blood.


Wala pa rito si Keziel at Bur----- ugh! speaking of the. nevermind ilang linggo kong kinalimutan ang pangyayari at pagnanakaw niya sa isang bagay na pinagkaka-ingatan ko nang husto!



Hindi ako makatingin sakaniya nang diretso kinaumagahan matapos mangyari 'yon. Samantalang siya ay parang wala lang. Parang wala lang siyang ginawang hindi maganda saakin. Nagawa niya pa akong ngisi-ngisian...Sarap niyang gawing nyebe!





"Napapano ka?" agad kong tiningnan si Claude na mukhang nagtataka saakin.



Ugh! Siguro nakita niya ang pag-sama ng mukha ko.



"Ako? Wala." sabi ko naman.




Maya-maya pa ay tumahimik na ang paligid nahawi ang gitna ng quadrangle na napupuno ng mga students dumating na si Madam Cynthia at sa magkabilang tabi niya na si Keziel at Burn.


Hindi ba't royal blood din si Atasha? Nasaan siya? Dapat nandito rin siya sa gagawing pagpupulong.




"Where is Atasha?" Bulong ko kay Claude.




"Ewan ko. Hindi pa namin siya nakikita. simula noong mag-away sila ni Keziel at maglayas siya."sagot naman nito.



Bigla naman akong napatuwid ng upo nang pumunta saakin ang mga tingin ni Burn.


Ano na namang problema mo!??




Inirapan ko siya. Pero tanging ngisi lang ulit ang iginanti niya saakin.



Dark Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now