E.C. 1
Inilapag ni Jastine ang mga notebook na kinolekta nya mula sa kanyang mga estudyante sa lamesa nito bago sya muling humarap.
"Class, remember your homeworks okay?"
"Yes! teacher jas!"
Napangiti naman ito sa inasal ng mga estudyante nya na kanya kanya namang abala sa pagaayos ng kani kanilang gamit.
"Well then. That's all for today! Ingat kayo."
Sakto namang tumunog ang bell ng paaralan hudyat na natapos na naman ang buong araw nya rito. Nang makalabas na ang mga estudyante nya at siniguro nyang malinis at wala ng natira sa classroom ay lumabas na rin ito at nagtungo sa kanyang sasakyan. Nilagay pa nya sa tabing upuan ang mga gamit at bag. Nagpakawala din sya ng buntong hininga bago sinumulang paandarin ang sasakyan.
Nakakapagod man pero alam nya sa sarili na maligaya sya sa ginagawa nito. Sya si Jastine Venn Heather. Nagiisang anak. Isa syang guro na nagtuturo sa isang kilala at pribadong paaralan ng elementarya sa kanilang lugar. Gustong gusto nya ang mga bata kaya rin sya naging guro. Ngunit hindi lang dahil don kaya nya pinili yon.
Pangarap yon ng kanyang ina para sa kanya na nagustuhan din nya kalaunan. At isa pa bukod sa tinuturuan nya ang mga bata na naaayon sa ginagawa nya bilang guro, di rin nya pinahuhuli ang tamang pag asal at mga mabubuting gawi sa pagtuturo nya kahit pa hindi tugma sa subject na tinuturo nito. Beside she thinks it should be. Dapat habang bata pa ay tinuturuan na ng mabuting asal.
Pagkapasok ng sasakyan nya sa garahe pinagbuksan naman sya ng ama nito ng pinto.
"Papa.."
Humalik sya sa pisngi ng ama nya na may dalang tasa ng kape.
"Kamusta iha? Makukulit pa rin ba ang mga batang tinuturuan mo?"
Natatawa syang pumasok sa loob ng bahay kasunod ito at umupo sa isang sofa sa sala. Iniabot naman sa kanya ang gamit nya na kinuha nito sa kotse.
"Papa, walang bago sa pagiging makulit nila lalo pa't mga bata."
Natatawang mungkahi ng dalaga.
"Ganun ba iha? parang ang sakit naman sa ulo ang ganong makukulit na mga bata."
Umiiling nalang ito habang palihim na napapangiwi dulot sa saad ng tatay nya.
Minsan na kasi itong nagpunta don para ipahatid yung gamit na importanteng naiwan nito at don unang beses nakita ng tatay nya ang mga estudyanteng tinuturuan ng dalaga.
"Hindi naman pa atsaka masaya ako at mahal ko ang mga batang yon kesehadong magulo at makukulit sila."
Tumayo sya dala ang mga gamit at humarap sa ama na nasa gilid nito.
"Napapadalas ata ang pagkakape papa ha.."
May bahid na paalala ang boses ni jastine sa ama. Parang bata naman na ngumuso ang tatay at napakamot pa sa batok.
"Anak naman, hindi kaya! Madalang nalang nga akong magkape eh! Lagi nalang yung nirekomendang gatas ang iniinom ko."
"Tapos na po ba ang duty nyo? Ang aga nyo pong umuwi?"
Biglang bigay pansin nya rito dahil ang alam ng dalaga ay mamaya pa ito uuwi. Isang pulis ang ama nya na nakadestino sa karatig bayan.
Gustuhin man nyang pagpahingain ang tatay at dumito na lamang sa bahay ay ayaw nito sa kadahilanang nabubugnot lamang sya at naiisip ang ina kapag nababakante ang isip nito at don na naman ito magmumukmok. Kaya hinayaan na lamang ni jastine ang ama at hintayin na lang daw ang pagreretiro nya.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
General FictionWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.