E.C. 1
Habang paliit ng paliit ang dyaryo nila lalo namang kinakabahan ang dalaga dahil sa pagdikit ng katawan nila ni Lourdrx.
Hanggang ngayon ay hindi sya makatingin sa lalaki lalo pa't hindi sya tinatantanan ng tingin nito.
"3! 2! 1! Go!"
Agad naman nilang ipinatong ang dalawang pares ng paa nila sa dyaryo habang naka apak naman ang paa ng bata sa paa ni Lourdrx. Tumawa naman ang dalawang lalaki na kasama nya, samantalang hindi naman makasabay ang dalaga dahil sa tensiyon na nararamdam nya.
She's stressed while trying to balance her self but the two person beside her, enjoying the play and laughing to each other. Naka akap kasi ang isang kamay ni Lourdrx kay Chester kaya wala itong takot na gumalaw.
Ngunit dahil sa likot at pagtawa ng bata ay natamaan sya at nawalan ng balanse.
Agad naman syang nahawakan sa beywang ni Lourdrx at sinalo.
Gulat pa nyang tiningnan ito habang napakapit sya sa leeg ng lalaki. Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago sya tinulungan makatayo sa tabi nila.
"Sorry teacher Jas Hihihi..." Paumanhin ni Chester na sinabayan pa ng hagikhik.
Nginitian na lamang nya ang bata. Yumuko si Jastine at nakita nya na nakapalupot pa rin pala ang kanang braso ng lalaki sa beywang nya.
Hinawakan nya ito at akmang tatanggalin nang humigpit ang pagkakapit nito. Masungit na nilingon nya ang lalaki na syang kinabigla nya dahil nagkatamaan ang tungki ng mga ilong nila.
Nahugot bigla ni Jastine ang paghinga nya at napalunok. Habang walang ekspresyon ang lalaking nakipagtitigan sa kanya.
"Don't move. We might fall and lose." His deep voice gave her goosebumps.
Nasaksihan pa nyang bumaba ang mata ng lalaki sa kanyang labi at lumunok. Si Lourdrx na mismo ang nag iwas ng tingin sa kanilang dalawa.
Marami ang natanggal sa laro at ngayon tatlong pamilya nalang ang maglalaro kabilang na ang panig nila Jastine.
Bumaba ang mata ng dalaga sa dyaryong itinupi ng mga teacher na naatasan sa mga palaro.
Matatalo na sila dahil isang pares nalang ng paa ang kasya don.
Ang ilang pamilya ay kanya kanya sa pagpaplano ng tamang pag diskarte kung pano sila magkakasya sa ganong kaliit na dyaryo.
Sasabihan na nya sana ang bata na bumalik na sa kanilang pwesto dahil malabo ng manalo sila nang makita nyang yumuko si Lourdrx dito at may binulong.
Kunot noo naman sya habang pinagmamasdan ang dalawa.
Anong kalokohan naman kaya ang sinasabi ng manloloko na 'to sa bata?
Pinagkrus nya ang dalawang braso at matamang tiningnan ang mga ito.
She saw how Chester nodded happily habang pumapalakpak pa. Nag fist bump pa ang dalawa at ginulo ng lalaki ang buhok ng bata.
Lalo pang umingay ang paligid nila dahil huling laro na ito.
"Go blue team! Go ma'am Jas!"
"Fighting green team!"
"Galingan nyo orange team!"
Halos nakakabinging pag chi-cheer ng mga tao sa field.
"Go Mr. Pogi na bagong dating!"
Natatawang napa irap naman si Jastine sa teacher na bakla.
Tinawag nya si Chester at akma na nyang yayayain na mag back out nang mag simula muli ang pag bilang ng mga tao don.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
Fiksi UmumWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.