E.C. 1
Ginala ni Lourdrx ang paningin nya sa kabahayan ng makapasok sya sa bahay ng mag ama. Simple lang ang desenyo nito gayun din ang mga gamit sa loob. Ngunit habang sinusuyod nito ang lugar ay napukaw ang atensyon nya sa isang grupo ng mga larawan sa isang sulok ng sala.
Lumapit sya at isa isang tiningnan ang mga litrato, litrato ng maliit na pamilyang Heather. He also saw the most big sized of frame among them, kung saan kompleto ang pamilyang Heather. Naroroon ang ama na nasa bandang kaliwa habang ang halos may edad na mukha ni Jastine ay nasa kanan, ang ina nito at ang dalaga na nasa likod ng mga ito habang naka akap sa magulang na parehong nakaupo.
Napatitig sya sa mukha ng dalaga ng may matamis na ngiti sa labi. Kahit ang mga mata nito ay animo'y nakangiti dahil bakas ang saya sa kanya.
"Ahm..."
Nabaling ang tingin nya sa taong nasa likod ng binata.
"Pasensya na sa istorbo, may gusto ka bang inumin M-mr. Willson?"
Halos hindi makatingin sa kanya na saad ni Jastine. Nakasuot na ngayon ng pambahay ang dalaga. Umiling naman sya bilang sagot.
Magsasalita pa sana ang babae nang may sumingit.
"Aalis nako. Anak ikaw ng bahala rito,"
Sabay lapit ang ama nitong halatang nagmamadali nga kay Jastine at pinaunlakan ng halik sa noo. Bumaling naman sa kanya si Mr. Heather.
"Mag iingat ho kayo." aniya nya sa matanda.
Tiningnan pa sya nito ng makabuluhan at parang sinusuri bago hingang malalim na tinapik sya sa balikat.
"Ikaw ng bahala sa anak ko. Tandaan mo ang mga sinabi ko sayo iho."
Tumango naman sya. Bagama't alam nya na hindi narinig ng dalaga ang sinabi ng ama nito sa kanya dahil pabulong na lamang nya ito pinarating. Ngunit mapapansin ang pagtataka sa mukha ng tingnan nito si Jastine.
Nakaalis na ang matandang Heather at sila na lamang naiwan ng dalaga. Nakaupo sila ngayon at naghahapunang dalawa sa kusina.
Kahit na dinala na nya ang babae sa restaurant ay nag aya pa rin itong kumain dahil iba pa rin daw ang pagkaing pinoy. Lihim naman syang natawa dahil pawang hilig ni Jastine ang kumain.
Habang hindi makatingin ang dalaga na katapat nyang tahimik na kumakain ay sinusulyapan nya ito at inobserbahan.
Halata sa kilos nya ang hindi mapakali at ang kaasiwaan. Tumuwid ng upo si Lourdrx matapos lunukin ang huling kain nya at ininom ang isang baso ng tubig sa gilid nito.
"Thank you."
Tila naman nagulat ang tao sa harap nya dahil sa pag ubo nito. Mabilis naman nyang inabutan ng isang baso ng tubig ang dalaga.
Kinuha naman ni Jastine yon at inubos.
"S-sorry." Nahihiyang pamumanhin ng babae.
"Pero para saan naman yung 'thank you' mo?"
Sumandal sya sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso nya bago nito sagutin ang dalaga.
"For the food and for letting me in here."
Marahan naman tumango tango ang tao sa harap nya.
"Kay papa ka dapat magpasalamat dahil hindi basta basta yun nagpapapasok ng tao lalo pa ng lalaki."
Aniya nito na parang hindi pa rin makapaniwala na may nakapasok sa kanila.
Sasagutin na nya sana ito na nagbigay na sya ng pasasalamat buhat nung mag usap sila kanina sa labas ng tatay nito nang tumayo na si Jastine at nagsimula ng maglipit.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
General FictionWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.