Chapter 8

186 19 0
                                    

E.C. 1

"Grabe! Ang ku-cute ng mga estudyante mo! Nakakagigil sila!"

Si Divine na halatang mangha sa naabutan nya kanina matapos nyang puntahan si Jastine sa eskwelahang pinagtatrabauhan ng dalaga. Kanina kasing tanghali ay napatawag ito sa kanya at nag alok na lumabas bagay na sinangayunan naman agad nya. Kaya nung magsi-uwian, naka abang na agad sa kanya ang kaibigan sa labas ng classroom.

Ngumiti naman si Jastine dahil sa sigla ng kasama nya.

"But anyway, what's the plan teacher Jas?"

Ginaya naman ni Divine ang mga bata nang banggitin nya ang 'teacher jas'. Natawa na lamang sa kanya si Jastine.

"Bakit ako tinatanong mo eh ikaw 'tong nakaisip na lumabas." she said and laughed.

Nag isip pa kunwari ang kaibigan nya bago tinungo ang sasakyan nito. Bali makikisabay sa kanya si Jastine dahil wala ang kanyang kotse.

"Ah! Let's go to the mall Jas. Tagal ko na rin palang hindi nakakapasok dun."

Tumango lang sya at pumasok na sila sa loob. Habang nasa byahe, tinanggal nya ang suot nitong ID at nilagay sa bag. Sakto naman nag vibrate at umilaw ang cellphone ng dalaga.

From Unknown #

It's Lourdrx.

Basa nya sa natanggap na mensahe. Nagtataka naman sya kung pano nakuha nito ang number nya.

To Unknown #

How did u get my no.? Mr. Willson?

Sumilay naman sa kanya ang munting ngiti. Paniguradong nakakunot na ang noo ng lalaki dahil ayaw nitong tinatawag sya sa kanyang apilyido.

Nag vibrate ulit ang cellphone nya. At hindi nga sya nagkamali.

From Unknown #

I said stop calling me that way! I like how you call me last night.

Nahinto naman nya ang pagtawa dahil sa mga huling salaysay na nabasa nya mula sa binata.

"Hey bestfriend! I'm talking to you."

Bigla naman nyang binalingan ng tingin si Divine na kanina pa palang may sinasabi.

"H-ha?"

Kunot noo namang tiningnan sya saglit ng kaibigan dahil sya ang nagmamaneho. Binalik nya muli ang cellphone sa loob ng bag at isinarado yon.

"I'm asking you girl kung saan' shop mo banda pinagawa yung sasakyan mo."

Sinabi naman nya agad. Nakalimutan nya pala na hinabilin nya sa kaibigan na daanan ang kotse nito na pinagawa nya. Pinapalitan nya kasi ng ilaw iyong harap dahil pundido na at ngayon palang natapos.

"May katext ka ba bestfriend? o di kaya,"

Nilingon naman nya si Divine matapos i-abot ang bayad at kinuha ang resibo. Naabutan nyang nakatakip ang palad nito sa kanyang bibig.

"Salamat." aniya nya sa counter ng pagawaan.

Naglakad na sya patungo sa kotse nito habang naramdaman naman nyang sumunod ang kaibigan.

"May jowa ka na?!" Sigaw sa kanya.

Napangiwi naman sya sa lakas ng boses nito at lumingon naman sa kanila ang iba.

"Wala! Alam mo bes tara na. Sayang yung oras." Saad nya sabay bukas ng pinto ng kotse at pumasok na.

"Ano?"

After All: Eccentric Collection No.1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon