E.C. 1
Sa gitna ng kagubatan, mula sa itaas ay makikita ang mansyon na kapansin pansin sa ganda at laki. Isang perpekto na pagkakagawa na tiyak ilang milyon ang ginamit na pera para rito. Ngunit sa kaakit akit na kagandahan ng lugar ay animo'y namang mga alagad ni satanas ang mga nakatira.
Isang malakas na hiyaw ang nagdiwang sa buong kagubatan, doon sa loob ng mansyon. Habang kasabay naman ang mga demonyong tawa.
"P-parang awa nyo na, pakawalan nyo na k-kami..." Pakiusap ng isang matandang maliit ngunit matabang lalaki habang nakagapos at nakadikit sa iniikot na parang roleta.
Puno na rin ng dugo ang kawawang matanda na nakasuot pa ng pang opisinang kasuotan. Parang bingi naman ang mga tao don at hindi pinansin ang matanda. Abala ang iba na umiinom ng alak habang naglalaro ng baraha, samantala ang iba naman ay inaayos at nililinis ang mga baril na naroroon.
"Kahit a-ang anak ko na lamang ang p-pakawalan nyo." Patuloy pa ng nanghihinang matanda.
Tumawa ang isa sa namumuno sa mga kalalakihan. Humithit pa ito sa sigarilyo tsaka tinapon sabay kuha muli ng maliit na kutsilyo.
"Paikutin nyo ulit." Utos nito.
Nagpumiglas naman ang kakawang matanda habang pinagtatawanan sya ng mga naroroon.
"Wag! Maawa kayo!"
Ngumisi lang ang lalaki na may hawak na kutsilyo habang pinupunasan ito. Ilang metro ang layo nya sa matanda kaya umakto pa itong tinatantya ang bagay na hawak nya sa dereksyon ng matanda.
"Dad!" Sigaw ng babae na anak nito matapos makita na sumapol at bumaon sa noo ng ama ang kutsilyo.
Umiiyak na nagpupumiglas sa pagkakatali ang babae sa sulok.
"Mga hayop kayo! Demonyo! Wala kayong puso!" Singhal ng dalaga.
Nagsitawanan ang mga lalaki. Tumigil sa pagsigaw ang babae nang naglakad palapit sa kanya ang lider ng mga ito na syang tumapos sa ama nya. Bigla nalang sya binalutan ng takot.
"Lumayo ka! Anong gagawin mo sakin ha?! Hayop ka! You killed my dad!"
Lumuhod sa harap nya ang lalaki at sinabunutan sya. Napangiwi nalang sya sa sakit.
"At papatayin din kita pero bago yon hayaan mo muna akong dalhin ka sa langit." Saad nito sabay marahas na tayo sa kanya.
Sinubukan nyang manlaban ngunit isang malakas na sampal lang ang natamo ng dalaga dahilan para dumugo ang gilid ng labi nya.
"Bitawan mo ko!"
"Manahimik ka!"
Tiningnan lang ng babae ng masama ito. At sa biglang pangyayari, dinuraan nya ang mukha ng lalaki. Kinantyawan naman ng ilang mga nanonood sa kanila ang lider nila na mukhang napahiya.
"Patayin mo nalang ako!"
Isang suntok sa tyan ang binigay sa kanya dahilan para manghina ang dalaga. Binuhat sya at akmang ipapasok sa isang silid nang pumasok ang isang hinihingal na kasamahan nila.
"Nandito na sila Don Rodrigo-"
Naputol ang pagsasalita nito nang pumasok sa mansyon ang isang matanda kasama ang ilang tauhan na nasa gilid at likod. Sumenyas si don Rodrigo sa isang tauhan at nagtungo sa babaeng buhat buhat ng lider nila.
"Ibigay mo ang babae. Ang ama lang nya ang puntirya ko." Saad nito na tiningnan ang wala ng buhay na matanda.
Nainis naman ito dahil akala nya matitikman nito ang babaeng yon.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
General FictionWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.