E.C. 1
"I want to see him bes! Nakakainis ka!" Kunwaring boses pagtatampo ng kaibigan nya na si divine.
Nandito silang dalawa sa bahay nina jastine. Nais nya kasing makita ang kaibigan at ibahagi ang ilang mga naganap sa kanya nitong mga nakaraang araw. Gaya na lamang na sinabi nito ang pakikipag relasyon nya kay lourdx.
"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka ni papa!" Pabulong na suway nito sa kaibigan.
Humalumbaba naman ito sa unan na nakapatong sa hita nito at nakasimangot na tumahimik. Hindi mawala ang kilig at saya ni jastine sa tuwing inaalala ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Tila ba hindi sya makapaniwala na mayroon na syang boyfriend at isa pang napaka gwapong lalaki.
Malaya naman syang naglabas ng buntong hininga. Lumingon sya sa katabi nang mapansin ang pananahimik nito.
"Hoy okay ka lang bes?" Tawag pansin nya dito.
Divine looked at her like she's thinking about something deeply. She heard her bestfriend sighed. While shaking her head, divine hold her hands and smile.
Bigla naman sya nagtaka sa ikinikilos ng kaibigan.
"I'm happy for you. And you know, if there's something wrong happened, I will always be here bes..." Aniya nito sa kanya.
Naramdaman nya na pawang may humaplos sa puso nya dahil sa sinabi sa kanya ng kaibigan. Kapakanan pa rin pala nya ang inisiip nito bagay na mas ikinatuwa nya. Marahan naman syang tumango at ngumiti.
"Count on me jas. We're not just a friend. You're my family now."
Yumakap naman sya rito. Aniya pa nya sa isip na sya na ata ang pinaka maswerte dahil nakilala nya ang kanyang kaibigan na na may mabuting puso.
"Thank you so much bes. And no matter what, I will always be here with you too."
Yumakap naman pabalik sa kanya si divine. Tumawa naman sila dahil sa dramang bigla nalang nangyari. Hindi naman pansin ng magkaibigan na pinagmamasdan sila ng ama ni jastine. Muntik pa itong maluha dahil sa wakas may kaibigan na ang nagiisa nyang anak.
Kahit papaano'y naging panatag na ang kalooban ng matandang Heather dahil di bali ng hindi sa kanya sabihin ng anak ang mga problema nito, ay nandito naman ang kaibigan nya. Naglakad na sya palapit sa dalawa para magpaalam. Sakto naman na kumalas na sa pagyayakapan ang mga ito.
"Mauna nako mga anak. Mag iingat ka sa pag uwi iha ha, dahan-dahan lang sa pagmamaneho." Saad ng matandang Heather.
Tumayo naman si jastine at lumapit sa ama na ginawaran nya ng yakap.
"Mag-iingat po kayo papa. Salamat po." Bahagya pang nagulat ang matanda sa turan ng anak ngunit niyakap na nya lamang ang anak.
"Ingat po tito." Ana ni divine.
Umalis na ang ama ni jastine. Bigla naman nagsalita ang kasama nya kaya nilingon nya ito at naabutang hawak ng kaibigan ang picture frame nila ng kanilang pamilya.
"May lahi ba kayo bes?" Tanong nito sabay inom sa baso ng juice na hawak nya sa kabilang kamay.
Lumapit naman sya sa lamesa at nagsimulang iligpit ang pinagkainan nilang dalawa.
"Sa side kasi ni papa, si lola, purong pilipino while lolo, her husband is a british."
Hindi na inabalang tingnan ni jastine ang kaibigan na tumango tango habang sya ay pumasok sa kusina para ilagay sa lababo ang ginamit na mga platito't kutsara.
Sumunod naman si divine sa kanya at sumandal pa sa ref nila na nasa gilid lang nya. Nang maubos ang juice ay inilapag nito ang baso sa lababo at pinagkrus ang mga braso. Nagsimula naman syang hugasan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
Fiksi UmumWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.