E.C. 1
"Po?!" Gulat na sabi ng dalaga sa kausap sa telepono.
Habang chinecheck kasi nito ang bawat estudyante nya kasama ang mga magulang, ay merong isang estudyante na walang pang parents. Kasama lang nito ang yaya ng bata na hindi rin alam kung anong gagawin.
Bilin kasi ng yaya ay susunod ang mga magulang nito sa kanila. Pero biglang nagkaroon ng emergency meeting ang negosyanteng mga mga magulang ng bata. Aniya pa daw ay pauwiin nalang ang anak nila bagay na ayaw ng bata.
Kaya naririto ang guro nasi Jastine para tawagan ang mayordoma na turo naman ng yaya ng bata at pakiusapan na baka ang kuya nito ay pupwede ngunit bigo sya dahil kakaalis lang daw ng lalaki pupuntang davao para sa trabaho nito.
Problemadong bumuntong hininga ito at tumingin sa gawi ng bata na nasa upuan kasama ang yaya. Umaasa naman ang mukha ng tagapagbantay ng bata
"Pwede mo bang ibagay kay mia ang tawag iha?" tukoy ng kausap sa yaya.
Iniabot naman nya ang cellphone nito.
Pinagmasdan nya ang bata na nakatingin lamang sa sahig. Ang dalaga ang syang nakakaramdam ng lungkot para rito.
"Chester," tawag nya sa estudyante.
Umangat naman ang mukha nito sa kanya. At sumalubong sa kanya ang nakasalamin na bata. Luluhod sana si Jastine nang iabot pabalik sa kanya ni Mia ang cellphone. Ngumiti naman ito sa kanya ng malungkot at bumaling sa alaga.
Sinundan nya ang yaya ng tingin at nakitang isinakbit nito ang bag ng bata kasabay ng pagkuha ng ilang gamit na dala nila.
"Pasensya na po ma'am, pinapauwi na po kami."
"Halika na Chester." dagdag pa nito.
Hindi nya alam kung anong sasabihin nya dahil pawang na blangko sya lalo na nang balikan nya ng tingin ang estudyante nito.
Hindi nakaligtas sa mata ni Jastine ang malungkot na ngiti ni chester.
"Dito na muna tayo ate Mia. Kahit sandali lang. Hindi man ako makakasali pero I want to watch my classmates with their parents... having fun." malayong tingin na saad ni Chester.
Pareho sila ni Mia na pahinto dahil sa sinabi nito. Naluluha naman ang yaya habang sya napahawak sa dibdib. Ramdam nya sa boses ng bata na nasasaktan ito.
"Pero-"
"Please ate Mia, teacher Jas."
Lumingon sa gawi nya si Chester. Lumapit sya at lumuhod sa harap ng bata. Sinuklayan nya ang buhok nito gamit ang mga daliri nya.
"Of course Chester."
Sinuklian sya ng pilit na ngiti nito. Hindi nya maitiim ang ganong pakiramdam para sa estudyante nya. Kaya kahit naiintindihan nya ang mga magulang nito ay mali pa rin para kay Jastine ang makitang masaktan ang anak nila.
"Thank you teacher Jas."
Marahan na tumango sya rito.
"And you're not only gonna watch them. You will play and have fun. Promise?"
Bakas naman ang pagka excite ng bata dahil sa sinabi nya ngunit yumuko ulit nang may maalala.
"B-but my parents aren't here. So I can't."
Tumingala naman sya kay Mia.
"Your ate Mia is here and so do I! So can you?"
Maligayang sambit nya kay Chester upang mag angat ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
After All: Eccentric Collection No.1
General FictionWARNING: THIS IS A MATURE CONTENT (R18) AND THE STORY IS FULL WORK OF FICTION. WRITE/READ AT YOUR OWN RISK.