Chapter 9

177 19 0
                                    

E.C. 1

Sandali na huminto muna si Jastine sa paglalakad at binababa ang medyo may kabigatan na kahon. Kinuha nya ang pang tali na nasa bulsa at syang ginamit na pampusod sa buhok nito. Sa pagod at sa init ng panahon ay hindi na naiwasan ng dalaga ang pag pawisan.

Isinakamay nya muli ang kahon na ang laman ay para sa pagdidisenyo. Malalim na hininga ang pinakawalan nya bago syang naglakad ngunit naramdaman nyang may kamay na humawak sa braso nya.

Lumingon naman sya sa may gawa non.

"Let me help you." aniya ng bagong gurong lalaki na nagngangalang Leo.

Kanina lang nya nakilala ito dahil sa pag pupulong na naganap ilang oras na ang nakalipas. Ipinakilala sya ng namumuno sa kanila at napag alaman nya na mag iisang linggo palang pala ito sa kanilang paaralan.

Kung bubusisiin ni Jastine ang co-teacher nya na si Leo, aminadong may itsura ito lalo pa't mistiso ang lalaki. Bakas din sa tao ang may magandang pangangatawan at ang taas nito pero para sa dalaga walang wala ang dating nito kay Lourdrx.

Napaiwas naman sya bigla ng tingin sa guro nang maalala ang binata. Hindi na dapat nya iniisip yon dahil hindi naman karapat dapat pa!

"Hindi na. Kaya ko naman." Nakayukong sagot nya rito.

Pero kinuha pa rin ng guro ang kahon. Umangat naman ang tingin nya sa lalaki. Nginitian naman sya ni Leo.

"Ang lakas mo naman kung ganon." He said then chuckled.

Jastine immediately get what does he mean. Tumawa ng bahagya ang dalaga.

Lumipas ang dalawang oras tsaka napag desisyunan nilang tapusin na muna dito ang trabaho. Nagsimula na silang itabi at linisin ang ilang kalat bago nagkanya kanya ng uwi. Ang ibang mga guro ay nagkukwentuhan habang inaayos ang kanilang gamit.

Tahimik naman nyang kinukuha ang mga gamit at nakahanda ng lumabas.

"Nahulog mo."

Sulpot naman bigla ni Leo sabay abot ng panyo na pagmamay ari nya. Hindi naman napansin ni Jastine na nahulog nya yon.

"Salamat."

Kinuha naman nya ang panyo sabay bitbit ng ilang mga envelop na dala nya pati ang laptop na sa bag na nito.

Tila ba nabitin sa ere ang ngiti ng gurong lalaki dahil hindi man sya binigyan ng lingon ng dalaga at dere-deretso itong nag tungo sa mga kasama nilang guro din.

"Mauuna na po ako. Salamat at ingat po." Paalam ni Jastine sa mga kasama.

Sinagot naman sya ng mga guro at naglakad na palabas.

Tiningnan nya ang oras sa suot nitong relo. Tumingala pa sya saglit sa langit nang marinig ang pagkulog.

Uulan pa yata.

Akmang bubuksan na ng dalaga ang pinto ng kotse nang may mapansin sa likod na di kalayuan dito sa parkingan. Ngunit inaadjust pa lang nya ang paningin don nang mag simulang pumatak ang ulan kaya mabilis syang pumasok sa loob.

--

Pansamantala hinihigop ng dalaga ang mainit na tsokolate na ginawa nya habang kakatapos lang nito gawin ang sulat. Malakas at may kasama pang kulog ang ulan kaya pawang nagsasabayan sa ingay ang ulan at ang tv.

Nilagay nya muli ang tasa sa lamesa at kinuha ang sulat.

Hello my little angel!

Medyo napagod si mommy today kasi malapit na ang program kaya busy din ako. Sorry kung ngayon lang ulit nagsulat for you si mommy. Pero walang araw na hindi ka iniisip ni mommy baby lalo pa't nakikita ko araw-araw yung mga estudyante ko. Bantayan mo lang si mommy ha pati din si lolo mo, kayong dalawa ni mama. And also your daddy sweety. I hope he's doing fine.

After All: Eccentric Collection No.1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon