Kabanata 2

3.8K 76 11
                                    

Vice's Point of View

SI ION!

Naupo siya sa harapan ko.

"1 Vodka please." Rinig kong order niya. Agad naman siyang ipinagserve ng Vodka. Lumagok siya ng isa at kinausap na ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin.

"Bobo ka ba? Kaya nga pumunta dito diba kasi magbabar? Alangan namang pumunta ako dito para matulog? Siraulo." Pamimilosopo ko dito. Nakita ko naman siyang tumawa. Ay sheeet, pamatay ang tawa niya.

"'To naman. Beast mode. Nagtatanong lang naman eh. Tska 'wag kang masyadong magpakalasing. Uuwi ka pa." Paalala nito. Teka, ba't naging concern sa akin 'to?

"Okay." Sagot ko na lang. Umorder pa ako ulit ng inumin.







Ion's Point of View

Umorder ulit si Vice ng inumin. 'Di niya ako gaanong pinapansin. Ako naman dito ay patuloy na lumalagok ng vodka hanggang sa maubos ito. Umorder akong muli. 'Di ako masiyadong magpapasobra ngayon kase baka hindi 'to makauwi ng maayos mamaya.

"Ion sayaw tayo." Yaya niya sa akin. Mukhang malakas na ang tama niya.

"O sige ba." Pagsakay ko na lang sa trip niya. Agad naman niya akong hinila papuntang dance floor. Sumayaw ito ng sumayaw. Halos 'di magkandaugaga. Hinayaan ko lang siyang uminom at sumayaw.

"Whoooo! Partyyyyyy!" Sigaw pa niya sabay lagok ng mojito. Mukhang malakas na nga ang tama niya.

"Vice halika na. Uwi na tayo." Yaya ko dito.

"Mamaya na ano ka ba? Nag-eenjoy pa ako oh?" Reklamo niya sa akin.

"Halika na." Hinila ko siya papalabas pero nagpupumiglas ito.

"Ano ba!" Tili niya. Napansin ko namang nakatingin sa kaniya ang mga lalakeng nadaraanan namin. Ngayon ko lang narealize na naka-spaghetti siya at naka shorts lang. Labas ang cleavage niya. Agad ko namang hinubad ang coat ko at ipinasuot sa kaniya. Inakbay ko siya hanggang sa makalabas kami. Nakamotor lang ako ngayon. Eh paano ko siya maihahatid? Nakita ko naman si Kuya Karding, ang guard dito sa bar na ito. Matagal ko na siyang kilala dahil nagtrabaho rin ako dati dito.

"Ah Kuya Karding!" Tawag ko sa kaniya.

"Oh Ion! Kamusta ka na? Mukhang may iuuwi kang chix ah?" Nangingiting tugon niya.

"Hindi ah. Katrabaho ko 'to. Ihahatid ko lang, lasing na eh."

"Katrabaho ba talaga?" Paninigurado niya.

"Oo nga po ang kulit. Ay Kuya Karding, pwede ko bang iiwan muna ang motor ko? Kukunin ko lang bukas. Hindi ko pwedeng iangkas to eh." Pakiusap ko sa kaniya.

"Oo naman. Sige na, ihatid mo na iyang KATRABAHO mo." Inemphasize niya ang word na KATRABAHO. Natawa nalang ako dito. Nagpaalam na ako sa kaniya. Inakay kong muli si Vice papunta sa parking area. Hindi ko alam kung anong kulay ng kotse niya kaya naman nanghalukay ako sa bag niya. Tulog na tulog na rin kasi siya eh. Nakita ko ang susi ng kotse niya. Pinindot ko ito at saka naman umilaw ang kotseng nasa harap namin. Nababatid kong ito nga siguro ang kotse niya. Inihiga ko muna siya sa passenger's seat. Dahil siguro mainit, tinanggal niya ang coat na nakatabon sa kaniyang katawan. Kitang-kita at hulmang-hulma ang hinaharap nito. Itinapon niya sa harapan ang coat ko. Pinagpawisan naman ako ng mabuti ng makita ko ito. Pumikit ako habang nilalagay ang coat sa katawan niya. Isinara ko na ang pinto at dumirecho na sa driver's seat para magsimula ng magmaneho. Inistart ko ang engine nito at saka ipinaharurot.

Habang tinatahak ko ang daan, napaisip ako.

Saan ko kaya siya dadalhin?

At dahil 'di ko alam kung saan siya dadalhin, napag-isipan kong sa condo unit ko na lang siya dadalhin .

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon