Kabanata 29

2.4K 38 11
                                    

Ion's Point of View

Anong ibig sabihin nila Kuys?

Tiningnan ko ulit si Vice at nilapitan. Humahagulgol ito sa sariling palad at nakatakip ang palad sa buong mukha niya. Hay, tampo na naman 'to mamaya sa akin.

"Love." Malambing kong tawag sa kaniya. Narinig ko siyang humihikbi.

"Lumayo ka sa akin, Ion." Seryoso pero humihikbing anito. Pero imbes na lumayo ako ay mas lalo ko siyang nilapitan at hi-nug siya.

"Ion, ano ba! Maraming makakakita sa atin." Anito habang nagpupumiglas sa yakap ko. Binitawan ko siya.

"Sige ka, wala kang fries mamaya sa akin." Natatawang banta ko. Agad naman nitong itinigil ang ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Ihhhh!" Tili nito na parang bata at hinampas-hampas ako. Pinigilan ko siya gamit ang mga kamay ko at niyakap ito.

"Ibibili nga kita mamaya. Kita mo naman oh? May trabaho pa tayo, alangan namang umalis ako dito? Mapapagalitan ako ni Direk." Sabi ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin. Kitang-kita kong mugto ang mata niya.

Iiyak-iyak pa kasi eh.

"'Pag 'di moko binili, ayoko na sa'yo." Saad nito sabay pout. Ehe, ang cute naman ng luv ko. Kinurot ko ang ilong nito sabay kalas ng pagkakayakap ko sa kaniya.

"Ate Vice, ere na daw po!" Napalingon kami sa narinig naming sigaw nung isabg staff. Agad kaming tumayo. Inayos ko ang damit niya dahil kunot-kunot na. Mas nauna itong naglakad at nagpahuli lamang ako dahil alam niyo naman ang mga tao ngayon, puro issue. Umakyat na siya ng stage at ako naman ay nagpa-iwan dito sa gilid.




































After Showtime.

Tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay niya pero gaya nga ng pangako ko sa kaniya, dumaan muna kami sa Jollibee Drive-thru para ibili siya ng fries. Tatlong large fries ang binili ko sa kaniya para 'di na siya magtampo sa akin.

"Thank you, Love hihi. I love you." Anito sabay kiss sa cheeks ko. Kailangan niya pa pala ng pagkain para lang maging sweet sa akin🙄.

"Love you too. Ayan na ha, binilhan na kita. 'Wag ka na magtampo diyan." Pa-inis kunware na sagot ko sa kaniya.

"Oww, tampo naman agad. Don't worry, mahal. Mahal naman kita." Anito sabay subo ng 5 piraso ng fries sa bunganga nito. Ito talagang mahal ko, napakatakaw. Natawa na lang ako dahil doon.

Nagtaka naman ako kung bakit tahimik na bigla ang paligid at wala nang kumakanta-kanta. Pagsulyap ko kay Vice ay nakatulog na pala ito nang maya nakasubong isang pirasong fries sa bunganga nito at hawak ang paper bag na puno ng fries niya. Inihinto ko muna ang sasakyan sa tabi at bumaba. Inayos ko siya sa pagkakahiga at dahan-dahang tinanggal ang fries sa kamay niya pati na rin yung isang pirasong fries na nakasalampak sa bibig niya.

Pagkatapos ko siyang iayos ay bumalik ako sa driver's seat at nagdrive pauwi ng bahay.

Pagkapark ko ng kotse sa garahe ay agad akong bumaba at binuhat siya papasok sa loob. Inistambay ko muna siya sa sofa dahil kukunin ko pa ang gamit namin sa sasakyan. Pagbalik ko ay iniakyat ko muna ang mga gamit tska nagbihis na rin. Pagbaba ko ay agad ko siyang binuhat paakyat ng kwarto.

Pagkalapag ko sa kaniya ay bigla siyang gumalaw at nagising.

"Love, saan na tayo?" Tanong nito sabay hikab. Inayos ko ang buhok nito bago nagsalita.

"Nasa kwarto na tayo, Love. Tayo ka na diyan, maligo ka na para makakain na tayo at para maaga tayong makatulog." Saad ko sa kaniya. Tumayo naman ito agad at dumirecho sa CR. Hinanapan ko siya ng damit sa Walk-in closet niya para yun na lang ang aatupagin niya pagkatapos niyang maligo.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon