Kabanata 18

2.6K 54 8
                                    

Ion's Point of View

Paggising ko ay ang sakit sakit ng ulo ko. Dulot siguro ito ng pag-inom ko kagabi. Tumayo ako at dumirecho sa kusina. Uminom ako ng maraming-maraming tubig. Sobrang nauuhaw talaga ako ngayon. Napaupo ako sa upuan dahil doon. Naalala ko na naman ang naging away namin ni Bela kagabi.

Ugh please?!

Sa kalagitnaan no'n ay naalala ko rin ang senaryo ng pag-amin ko sa nararamdaman ko kay Vice. Ang kaninang kunot-noo kong mukha ay unti-unting naging positibo. Kapag nakikita ko talaga ang mukha niya ay nararamdaman kong lahat ng mga problema ko ay parang unti-unting nawawala. She has the most angelic face I've ever seen. Ibang-iba siya sa mga exes ko. Tumayo ako galing sa pagkakaupo at pumunta malapit sa ref. Naghanap ako ng pwede kong lutuin ngayong morning. Mabuti na lang at may naiwan pang karne dito. Gagawin ko na lang adobo. Naghanda na ako ng mga ingredients at kagamitan para sa pagluluto.

Maya-maya pa ay naluto na nga ito. Kumain na ako ng agahan at pagkatapos nun ay naghanda na rin. Hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin dahil mamaya ay makikita ko na naman siya. Kinuha ko ang tuwalya ko at bago pumasok sa CR ay inihanda ko na ang mga gamit at susuotin ko. Pagkatapos nun ay dumirecho na ako sa CR at naligo. Nagbihis na ako at nag-ahit ng balbas dahil mahaba-haba na ito. Pagkatapos kong mag-ahit ay isinukbit ko na sa aking likod ang bag ko. Lumabas na ako at ini-lock ang condo. Dumirecho ako sa parking area. Isinuot ko ang helmet ko at nagsimulang i-start ang engine. Sa kalagitnaan ng pagdadrive ko ay may nakita akong babaeng pamilyar na pamilyar ang mukha para sa akin. Lumiko ako at hindi nga ako nagkamali, It's Vice. Naabutan ko itong nag-aayos ng tire ng sasakyan niya. At ang malala pa, ang sexy ng suot niya. Oh sh*t, please, don't tease me Vice. Ipinark ko ang motor ko malapit lang din sa pinaghintuan nito. Nilapitan ko siya.

"What happened?" Tanong ko. Agad naman itong humarap.

"Uhm, na-flat kasi eh. Ilang months na rin kasi itong hindi napapalitan. Hindi pa rin kasi dumadating yung tinawagan kong tow truck eh." Nag-aalangang sagot niya. Kinuha ko ang kagamitang hawak niya at binalik sa tool box.

"Dito ka lang, tatawagan ko lang yung pare kong may tow truck. Ipa-iwan na lang natin iyan dito." Sabi ko.

"Pero-" Sasabat pa sana siya ng inunahan ko ito.

"It's okay, Vice. Sumabay ka na lang sa akin." Nakangiti kong sagot dito.

"Go fetch your things sa loob. Tatawagan ko lamg yung kumpare ko." Utos ko sa kaniya. Agad ko namang hinugot sa bulsa ko ang cellphone ko at idi-nial ang number ni Troy. Agad naman niyang sinagot.

Pagkatapos kong tumawag kay Troy ay agad naman akong bumalikwas na ng tingin kay Vice. Nakita kong hirap na hirap siya sa mga dala niya ngayon. Paano ba naman kase, may isang bag na nakasukbit sa likod, may isang bag sa harap at may pouch pa. Inis ko namang kinuha ang gamit niya.

Argh, ba't ba kase ang dami-daming dala ng babaeng ito.

Agad kong inagaw sa kaniya ang dala-dala niyang bag. Hindi na niya ito kinuha at hinayaan na lang niya akong bitbitin ito.

"Oh, isuot mo." Sabay abot sa kaniya ng mask at ng shades. Maalikabok kasi eh, ayoko namang magkasakit ang reyna ko 'no.

Pagkasuot niya ng mask at shades ay siya namang pagsuot ko ng helmet. Nauna akong umupo at sumunod na din ito. Binaybay namin ang daan papuntang ABS. Walang umimik sa aming dalawa habang bumibiyahe.

Pagdating namin sa parking area ay nauna siyang bumaba. Sumunod naman ako sa kaniya. Nakatayo lang siya sa gilid at hinihintay ako. Ngumiti ako sa kaniya habang papalapit ako. Bitbit na naman niya ang bag niya.

"Uhm let's g-go?" Nahihiyang yaya niya sa akin. Tumawa ako ng bahagya dahil dito.

Pumasok kami ng building at inihatid ko siya sa dressing room niya. Pinapasok niya ako sa loob dahil ilalagay ko ang bag niya sa loob. Nadatnan ko doon ang Team Vice na naghihintay yata sa kaniya.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon