Kabanata 48

2K 50 4
                                    

Vice's Point of View

Pagkatapos naming maglambingan ni Ion ay naligo na ako. Nang matapos akong maligo ay nagpahid ako ng kaunting cream sa CR. Pagkatapos nun ay hinanap ko ang bathrobe ko para sana lumabas na at magbihis.

"Nasan na yun?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang bathrobe ko. Nainis naman ako kaya hinayaan ko nalang. Lumabas ako sa CR nang nakatapis.

Paglabas ko, nahuli kong nagcecellphone si Ion. Parang 'di naman ako nito napansin dahil tutok na tutok ito sa cellphone. Dumirecho ako sa walk-in closet para maghanap ng damit.

Habang naghahanap ako ng damit ay may brasong yumakap sa bewang ko. I looked at my back and there I saw him, leaning his head on my shoulder. He planted little kisses on my shoulder.

"Hmmm, bango." Anito sabay singhot. Nakakapit pa rin ang mga kamay niya habang naghahanap ako ng mga susuotin ko.

"Loveee, maghahanap ako ng damit oh. Bitaw na." Utos ko dito. Pero parang wala lang itong narinig.

"Just let me embrace you, Love." Pakiusap nito kaya hinayaan ko na lang. Nang makahanap na ako ng damit ay agad naman na itong kumalas sa akin. It's just a plain white dress. Nang maisuot ko ma iyon ay tumingin ako kay Ion.

"Okay lang ba, Love?" Tanong ko sa kaniya. Nakacross arms lang itong tumitig sa akin.

"Panget ba? Wait, i'll ch—"

"You don't have to change. Maganda. I love it." Seryosong anito. Hinayaan ko nalang ito. Maya-maya pa ay lumabas na kaming dalawa. Nagpahid ako ng lotion sa buong katawan ko. Nakaupo lang ito sa paanan ng kama, nakaharap sa akin. Nang matapos akong magpahid ng lotion ay dahan-dahan akong humiga sa kama. Agad naman itong sumunod. He hugged me from the back.

"Love stop." Pagpigil ko dito dahil kinukulit ako nito habang nagcecellphone. Hinahalik-halikan niya ang balikat ko.

"Love stop na po." Pero parang wala lang itong narinig.

alam ko na.

In-off ko ang cellphone ko tska binaba. Humarap ako sa kaniya.

"Ba't mo binaba? Diba nagcecellphone ka?" Mukhang naaasar na tanong nito.

"Seloso naman nito, 'di na nga." Sabi ko sabay kapa ng mukha niya.

"Balakajan." Masungit na sabi nito sabay talikod sa akin. Napaupo naman ako. Maya-maya pa ay yinakap ko ito.

"Love kasi, huwag ka na magtampo." Panglalambing ko dito pero sadyang matigas ito. Hindi siya humarap.

"Looooooveeeee, sorrrrryyyyyy na pooooooo." Panglalambing ko ulit dito. Haaaaays, ayaw niya talaga humarap. Napaupo nalang ako ulit. Napatingin ako sa kaniya nang may maluha-luhang mata. I left out a silent sob. Nakatabon ang aking mga kamay sa aking mukha.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong nito. Hindi ko ito sinagot at patuloy lang akong umiiyak.

alam naman siguro nito na napakaiyakin ko, hmps.

"'To naman napakaiyakin. Prank lang." Natatawang anito. Napaangat ako ng mukha.

"Totoo? 'Di ka nga galit?" Tanong ko ulit. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Hindi na." Saad nito saka hinalikan ang noo ko. Unti-unting bumaba ang halik nito sa tungki ng ilong ko hanggang sa makaabot ang labi nito sa labi ko.

"I love you, Mi Amor." Hahalik na sana siya ng biglang umiyak si Reign kaya agad naman kaming napatingin sa crib.

Tumingin muna ako sa kaniya, "Oops, sorry Dada. I guess next time." Natatawang sabi ko tska hinalikan siya ng smack sa lips. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Lumapit naman ako kay Reign at kinarga siya. Maya-maya pa ay lumapit si Ion.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon