Kabanata 17

2.4K 53 2
                                    

Vice's Point of View

Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Gash! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

I like you very much Vice at nahuhulog na ako sa'yo

Nagpaulit-ulit iyan sa pandinig ko hanggang makarating ako sa loob.

"Good Evening, Ate." Bati sa akin ni Rea, isa sa mga tagapagsilbi ko. Nginitian ko ito. Kinuha nito ang bag sa kamay ko at nilagay sa may table.

"Ah Rea, pakidala yung bag ko sa office at pakidalhan ako ng kape. Salamat." Utos ko dito at pumanhik na sa taas. Pagdating ng kwarto ay agad akong naghubad at dumirecho sa CR. Gusto kong maligo. Napakainit. Dali-dali akong pumunta sa shower at in-on ito. Napa-"aaah" ako sa sobrang sarap ng tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Mga 1hr and 30 mins siguro ang tagal nang ibinabad ko sa shower. Paglabas ko ay nakahanda na ang damit ko pantulog. Inihanda siguro ito ni Rea. Isa itong nighties. Isinuot ko ito atska bago lumabas ay nagtapal na lang rin ako ng bathrobe. Dumirecho ako sa office ko dahil magco-compute ako ngayong gabi ng sales at ng kita namin ngayon sa VICE Cosmetics. Pagdating ko doon ay yun pa lang hinanda ni Rea ang kape ko. Tumango ito sa akin bago umalis.

Pagkaupo ko sa swivel chair ay sumimsim agad ako ng kape. Napasinghap ako dahil sa sarap ng lasa. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko ito sa bag ko at laking pasasalamat ko nang makita ko ito. May text galing kay Anne.

1 text message received!
From Heusaff:
"Sis, gimik daw tayo. Libre daw ni Vhong."

To Heusaff:
"Sorry Sis, I can't come. Boss duties ako ryt now."

Pagreply ko ay tumunog na naman ulit ito.

1 text message received!
From Heusaff:
"Okay Sis. Next time na lang! Luvyoe!"

Napailing-iling na lang ako. 'Di na ako ulit nagreply sa kaniya. Valakayojan!

In-open ko ang laptop ko at nagsimulang mag-scan at magcompute ng sales namin for this month. Hindi ako makaconcentrate dahil maya-maya ay bumabalik sa isipan ko ang huling katagang binitawan ni Ion.

Napatigil ako sa ginagawa ko at napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Aah! Please!" Sigaw ko. Hindi pa rin kasi ito mawala-wala sa isipan ko. Kabe-break ko lang sa past relationship ko at ito na naman ang kinakaharap ko ngayon. I don't know what's going on inside my heart because whenever I see him, my heart is beating so darn fast. Whenever he touches my skin, electricity spreads all over my body. And whenever our eyes met, I feel like I'm melting because of his tantalizing brown eyes. I can feel that he is serious about what he is talking about earlier. Mukhang hindi ito nagjojoke.

I hope 'di siya naguguluhan.

At dahil nga hindi ako makaconcentrate ay ininom ko ang kape ko at inubos. In-off ko na lang rin ang laptop ko at iniligpit ang mga kalat sa desk ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng office ko. Dumirecho ako sa kwarto. Pagdating sa kwarto ay agad kong inilapag ang gamit ko. Hinubad ko ang bathrobe at nilagay ito sa sabitan. Pumunta ako sa may salamin at nagpahid ng kaunting cream sa mukha. Pagkatapos ko ay nakatayo lang ako sa harap nito. Tinitingnan at minememorize ang sarili kong kabuuan. Naalala ko ang gabing inangkin ako ng buong-buo ni Ion. I think that is the best mistake I've ever done in my whole life. Napangiti ako sa kawalan.

I like you very much Vice at nahuhulog na ako sa'yo

I like you very much Vice at nahuhulog na ako sa'yo

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon