Kabanata 20

2.6K 45 21
                                    

Ion's Point of View

"IOOOOOOOOOOON!!!" Tumakbo na ako papalabas ng marinig ko iyon. Hehe, sarap magnakaw ng halik.

Sayang dapat sa labi 'yon.

Pagdating ko sa kotse ay hingal na hingal ako. Uminom ako ng tubig at nagpahinga muna. Maya-maya pa ay nakita kong lumabas na siya ng pinto at kinausap ang kasambahay. Pagkatapos niyang kausapin 'yon ay lumabas na ito ng gate.

"IKAW MALANDI KANG LALAKI KA!" Pagpasok nito sa kotse ay puro kurot at hampas ang naabot ko sa kaniya. Ako naman ay natatawang umiilag sa mga hampas at kurot nito.

"Tama na! Sorry na." Tatawa-tawang sigaw ko. Tumigil naman ito kakahampas.

"Che!" Tska siya umupo sa passenger's seat at hindi na ako kinausap. Nakita ko naman na kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nagcellphone na lang siya. Inistart ko ang engine ng sasakyan at pinatakbo na ito papuntang Tarlac.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay napansin kong parang hindi ito mapakali. Sumulyap ako dito at nakita kong nakahawak ito sa tiyan niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito. Sumulyap muna ako sa kaniya bago ibinalik ang paningin sa daan.

"Pwede ba tayong huminto sa may gasoline station? Naiihi na ako." Sagot nito. Mas binilisan ko naman ang pag-drive ng kotse. Mabuti na lang at merong gasoline station sa unahan kaya naman dali-dali kong pinatakbo ang kotse at hininto doon. Pagkapark namin ay agad itong tumakbo papalabas dala-dala ang kaniyang bag. Magreretouch pa siguro yun.

Maya-maya pa ay nakita ko itong lumabas, pero nakatabon na ang buhok nito sa mukha. Pagdating nito sa kotse ay agad ko siyang tinanong.

"Ba't ganiyan na style mo?" Natatawang tanong ko dito. Inayos niya ang buhok bago naupo.

"Eh kasi baka dumugin ako ng mga tao." Anito.

"Teka lang, mamaya ka na magdrive, mag-lilipstick lang ako." Tska kinuha ang lipstick niya sa bag. Ilalagay na sana nito ang lipstick ng pigilan ko ito.

"'Wag ka na maglagay niyan, maganda ka naman eh." Sambit ko dito.

Hindi naman ito umimik at tumahimik lang. Nakita ko namang ibinalik nito ang lipstick sa bag niya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga muna ito bago magsalita.

"Oo. Can we stop in a fastfood chain, please? I badly want fries and chicken. Please, pleaseee?" Pagpapacute nito. Hays, paano ba kita matitiis kung ganiyan ka kaganda?

"Hehe, oo na. Daan tayong Jollibee mamaya." Ani ko dito. Bigla naman itong tumili.

"Yieeee! Thank you, Ion!"

Nginitian ko lang siya at inistart ang engine ng sasakyan. Binaybay namin ang kahabaan ng daan hanggang sa may nakita akong isang branch ng Jollibee. Agad akong dumirecho doon at nagpark. Hindi pa man kami nakalabas ng kotse ay nagtitili na ito.

"Ioooon, faster!!! Yieee I want to eat frieees!" Tili nito. Napailing-iling naman ako dahil sa inasal niya.

"Oo na po. Teka lang." Kinuha ko muna ang susi tska pitaka ko bago lumabas. Paglabas ko ay nakita kong nagvivideo siya ng sarili niya. I think she'll post in her IG story. Maya-maya pa ay natapos na siya.

"Taraaaaa!!!" Sigaw nito tska nagtatatakbong pumunta sa loob.

"Uy, dahan-dahan!" Pahabol kong sigaw.

Pagpasok naming dalawa ay wala pa masiyadong tao kaya't agad akong pumila. Lumapit siya sa akin.

"Anong gusto mo?" Tanong ko.

"I want Fries, Sundae, Chicken and Spaghetti." Sambit nito atska umalis at bumalik sa upuan. Nung turn ko na ay agad akong nag-order ng mga pina-order niya sa akin. Andami nga eh, feel ko may ano 'to ngayon. Pagdating na pagdating ko sa table ay agad nitong kinuha ang fries at nilantakan. Halatang sarap na sarap naman ito dahil napipikit siya habang ngumunguya. Natawa naman ako dahil sa inasal niya. Kumain kaming dalawa ng tahimik. Pagkatapos nun ay nagpaalam siyang magsi-CR daw siya.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon