Kabanata 16

2.2K 51 1
                                    

Ion's Point of View

Hindi ko alam kung tama ba 'yong ginawa kong pag-amin sa kaniya. Halata ang gulat sa mukha niya. Parang hindi makapaniwala. Natulala lang ito. Parang ayaw niyang maniwala talaga.

"Uhm, Ion are you sure about your feelings?" Paninigurado nito.

"Yes Vice. I'm deadly serious about my feelings for you." I said seriously to her.

Napatikhim naman ito.

"Ah, Ion. Gabi na. Umuwi ka na rin. Salamat sa araw na 'to. Ingat." Sambit nito tska dali-daling lumakad papasok sa gate. Inihatid ko ito ng tingin atska napa-iling iling na lang.

Hays, pa'no nga ba yun magtitiwala ulit? Nasaktan na nga eh.

Inistart ko ang engine ng motor tska dali-daling lumabas ng subdivision nila. Nang makarating ako sa condo ay nagtaka ako bakit naka-on ang ilaw at tila may nagluluto dahil naamoy ko ang bango nito. Nilagay ko ang bag at mga gamit ko ng dahan-dahan sa couch at sinilip kung sino ang tao sa kusina. Lumakad ako ng marahan at tumago din ng marahan sa dingding. Sinilip ko kung sino ito. It's Bela.

Ba't nandito iyang babaeng 'yan?!

Lumakad ako pero hanggang dulo lang ng lamesa.

"Ba't ka nandito?" I ask in a cold voice. Napaharap naman ito sa akin.

"Oh hi baby! I cooked your favorite, Kaldereta!" Sayang-saya pa siya sa sinabi niya. Nakakainis naman 'tong babaeng 'to oh!

"Alam mo Bela, gabi na. Umuwi ka na." Turan ko dito. Napasimangot naman ito dahil sa sinabi ko.

"Ayaw mo na ba akong makita?" Tanong nito sa malambing na boses.

Hindi mo na ako madadala niyan.

"Ayaw. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, umuwi ka na." Saad ko ulit sa kaniya. Pinatay nito ang burner at nilapag sa lamesa ang sandok. Lumapit ito sa akin.

"Ion naman. 'Wag mo muna akong pauwiin." Argh! Ang kulit talaga! Kung 'di lang to babae, kanina ko pa 'to nasapak, pramis.

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Diba sabi ko ayaw na kitang makita pa? Ba't ka nandito sa condo ko?!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses dahil doon. Ang kaninang masayang si Ion ay napalitan ng isang seryoso at galit na galit na Ion.

"Nandito ako para bumawi sa mga pagkukulang ko, Ion! Hindi mo ba nararamdaman yun! Sabagay, manhid ka na nga pala." She said also in a cold voice.

"Oo, manhid ako! At namanhid ang lahat sa akin noong iwan mo ako!" Sigaw ko dito. Nakita ko namang may tumulong luha sa mga mata niya at wala akong pakealam doon.

"Bumalik ako, Ion! Para bawiin ka at para makabawing muli sa mga pagkukulang ko sa'yo, sana maintindihan mo at sana maintindihan mo rin kung gaano kahirap sa akin ang paamuhin kang muli!" Gunagaralgal na sigaw nito.

Natawa ako kunwari. "So sinusumbatan mo ako, ganun ba? Ano ako, aso? Aso na kaya mong paamuhin? Aso na kaya mong paamuhin at gamitin? Aso na kaya mong paamuhin at sa huli ay iiwan mo lang rin, ganun ba?! Hindi mo alam yung sakit at hapdi sa puso ko nung gabing iniwan mo ako Bela! Hindi mo alam!" Sigaw ko dito. Umiyak lang ito ng umiyak sa harap ko.

"I'm sorry, Ion. I'm very sorry. Sorry, sorry." Umiiyak niyang paghingi ng tawad.

"Your 'sorry' is too late, Bela." Sambit ko sa malamig na tinig. Patuloy pa rin itong umiiyak at humihingi ng sorry sa akin.

"Umuwi ka na." Utos ko sa kaniya pero hindi pa rin ito natitinag.

"Uuwi ka o ipapakaladkad kita sa guards?" Tanong ko na may halong banta. Tumayo naman ito at pinunasan ang mga luha niya. Tinanggal nito ang apron sa katawan at nilapag ito sa mesa. Kinuha nito ang bag at saka lumabas na ng condo ko. Pag-alis nito ay saka ako napaupo sa upuan. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa mga nangyari. Bumalik na naman sa isip ko ang mga nangyari last year.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon