Kabanata 51

2K 53 4
                                    

Vice's Point of View

Nang makababa kami ay patuloy lang kaming nagpaparty. Si Reign ay iniwan namin kanila Nanay. We want quality time together naman. Sa isang gilid lang kami, kumuha ito ng drinks kanina para hindi naman kami mainip. Nakayakap siya sa akin habang ako naglalive sa IG. Sinisinghot-singhot ako nito.

"Anubaaa!" Sigaw ko.

"Edi 'wag!" Anito tas tumawa. Maya-maya pa ay napalingon ako sa gilid.

"Love, tingin." 'Pag harap ko ay bigla kong nalasap ang kaniyang labi.

hala gagu, naka live pa ako!

Apakagago nitong si Iooon! Agad kong pinatay ang live.

"Ba't mo ginawa 'yon?" Tanong ko. Tinawanan lang ako ng hinayupak. Niyakap naman ako nito bigla at agad na pinuntirya ang kili-kili ko.

"Hehe, ganda mo kasi." Tangin nasabi nalang nito. Piningot ko ito dahil sa sobrang inis.

"Ikaw ha, 'wag mo na uulitin yun ha. Bad influence ka sa mga bata ha." Saway ko dito. Sinisinghot-singhot nito ang leeg ko.

"Oo na. Yabyu." Malambing na anito.

"Yabyutu." Tanging nasagot ko nalang. Kiniss ulit ako nito sa lips ng smack.





A few moments later...

"Thank you sa lahat ng pumunta! Thank you very much! God bless you home." Closing message ko sa lahat. Nakatulog na ang anak ko sa kwarto niya sa taas, binabantayan ni Natalia. Isa-isang lumapit sa amin ni Ion ang mga bisita namin at nagbeso. Ang tanging naiwan na lang ay ang aming mga pamilya at ang aming Showtime family.

"Nasaan si Reign, Vicey?" Tanong ni K pagkatapos uminom ng wine sa baso nito. Inalalayan ako ni Ion na umupo.

"Nasa taas, kasama ni Talia. Nakatulog 'yon sa sobrang pagod." Paliwanag ko. Isa-isa naman kaming inabutan ni Jugs ng Red Horse except kay Anne dahil buntis ito. Si Erwan nalang ang uminom ng parte nito.

"Sis, kelan ka babalik ng Showtime? We miss you na." Nalulungkot na sabi ni Anne. Naramdaman kong hinilig ni Ion ang ulo niya sa mga balikat ko. Hinaplos-haplos ko naman ito fahil alam kong gusto niyang hinahaplos ang buhok niya.

"Siguro, mga next week. Alam mo naman ako, mommy duties." Saad ko sa kaniya tska lumagok ulit. Napatango-tango na lang ulit ito. Nag-usap pa kami about sa mga bagay-bagay na nandoon.

"'Di pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila. Kapag kase may ganitong party sa bahay, minsan yung iba dito na natutulog.

"Ako sis, dito na lang siguro muna. Sa guest room na lang kami ni Erwan." Sambit ni Anne.

"Ako din brad, dito na lang kami ni Tanya." Ani naman ni Vhong. Okay, 2 guest rooms, occupied.

"Me too, Vicey. Kami ni Yael, doon na lang siguro kay Reign." Singit naman ni K. Tinanguan ko lang ito.

"Oh kayo? Uuwi kayo?" Tanong ko sa kanila. Isa-isa namang tumayo ang mga ito.

"Uuwi nalang kami, Ate. Balik lang kami bukas, sa breakfast." Tugon ni Jugs tska lumapit sa akin at bumeso.

"Ingat kayo pauwi ha." Paalala ko sa kanila. Binalik ko ang tingin ko sa mga naiwang kasamahan namin.

"So what now? Tutunganga nalang tayo?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan kaming walo.

"Tara kain tayo! Papadeliver nalang tayo, nagsawa na ako sa pagkain kanina." Naeexcite na sabi ni Vhong. Nagtayuan naman kami at isa-isang lumakad papuntang sala kasama ang mga jowa.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon