Kabanata 34

2.4K 49 4
                                    

Ion's Point of View

"Love!" Napasigaw ako dahil sa gulat nang matumba siya. Agad ko naman itong nilapitan at kinarga. Lumapit naman si Nanay. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagpasama ako kay Nanay at Natalia na pumunta ng clinic. Pagdating ko sa clinic ay agad kong nilapag si Love sa stretcher.

"Nurse!" Sigaw ko. Agad namang may tumakbong nurse sa gawi namin.

"Uhm Sir, doon na lang po kayo sa waiting area. Tatawagin na lang po namin kayo kapag okay na po." Saad ng nurse. Papasok pa sana ako pero pinigilan ako nina Nanay.

"Dito ka lang, Noi." Turan ni Nanay habang hawak-hawak ako. Napaupo naman ako sa monoblock at napasabunot sa sariling buhok. Maya-maya pa ay kinapkap ang cellphone ko sa bulsa at dinial agad ang number ni Kuya Vhong.

Convo.

Kuya Vhong: Hello Ion, napatawag ka?
Ion: Kuya, nandito kami sa clinic nila Nanay ngayon.
Kuya Vhong: Ha? Anyare?
Ion: Si Vice po.

Napatigil ako ng sambitin ko ang pangalan ni Love. Napasulyap ako sa lugar kung saan ko siya nilagay kanina.

Kuya Vhong: Bakit, anong nangyari kay Brad? Teka lang Ion, diyan ka lang. pupunta kami diyan.
Ion: Sige Kuya.
*tut tut*

Pinatay na ni Kuya Vhong ang tawag. Napatayo naman ako at naglalakad-lakad. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng clinic at bumungad sa akin ang mukha nila.

"Ion, what happened?!" Agarang tanong ni Ate Anne. Pumasok pa ang iba nilang kasamahan.

"Nahimatay na lang po siya kanina eh. Ewan ko po kung bakit." Paliwanag ko sa kanila. Isa-isa silang binigyan ng monoblock no'ng nurse. Ilang sandali pa ay lumabas ang doktor.

"Doc, ano pong nangyari sa girlfriend ko?" Napatayo ako ng tanungin ko si Doc. Isa-isa siyang napatingin sa amin.

"Uhm, mamaya ko na lang po sasabihin kapag nakagising na ang pasyente. I'll conduct some test pa para malaman kung bakit siya hinimatay. Dito lang muna kayo, mauna na ako." Ani ng doktor sabay talikod at lumakad na paalis. Ako naman at sina Nanay ay pumasok sa cubicle kung nasaan si Love. Pagpasok ko ay mahimbing itong nakatulog. Agad akong kumuha ng monoblock at umupo malapit sa kaniya. Hawak-hawak ko ang kamay niya at nilalagay ko sa pisngi ko.

"Ah, Noi. Balik lang kami ni Talia doon ha? Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Nanay tska sila umalis ni Talia. Naiwan sina Kuya Vhong, Kuya Jhong, Ate Anne at Ate Karylle kasama ko.

"What happened ba kasi, Ion?" Tanong ni Ate K. Humarap ako sa kanilang apat.

"Nahimatay lang po siya bigla kanina eh." Sagot ko sa kaniya. Napatingin ulit ako kay Love na ngayon ay nakatulog. Saglit kaming natahimik. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Kuya Vhong.

"Wala ka bang napapansin sa kay Brad, Ion?" Tanong nito. Nagkatinginan naman silang apat.

"Lately po, napapansin ko mas lalo siyang naging moody tska gusto niya palagi na nasa tabi niya ako." Inosenteng sagot ko. Hawak ko pa rin ang kamay niya at hinahaplos-haplos ito sa mukha ko.

"Tska, Sissy always wants to eat mangga. Yung hilaw, teka - wait... Baka naman-" Hindi na natuloy ni Ate Anne ang sasabihin niya dahil agad siyang tumahimik. Nagtaka naman ako dahil doon.

Ano kaya yun?

Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Tumingin ulit ako kay Love.

"Love, gumising ka na diyan. Kinakabahan na ako." Saad ko sa kaniya. Hinalikan ko ang kamay niya pagkatapos. Nagpaalam si Kuya Vhong sa akin na ihahatid niya lang daw si Ate Tanya sa quarter nila dahil naantok ito. Ang naiwan na lang dito ay sina Kuya Jhong at Ate Maia, si Ate Anne at Kuya Erwan at si Ate K at Kuya Yael. Pareho-pareho silang magkakatabi dito sa loob ng cubicle. Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Vhong at may dala-dala siyang plastic.

"Ion, kumain ka daw muna sabi ni Nanay Z. Eto oh, padala niya. Hindi ka pa daw kasi naglalunch eh." Anito sabay abot sa akin ng cellophane na may lamang pagkain. Nilapag ko ito sa maliit na lamesa na nandito sa gilid ko. Mamaya na lang ako kakain, kapag okay na si Love.

"Salamat Kuya. Mamaya na lang akong kakain, hihintayin ko pang magisin si Love. Sasabay na lang ako sa kaniya." Sagot ko dito. Napakibit-balikat na lamang siya bago naupo sa monoblock chair sa tabi ni Kuya Jhong.

"Ikaw bahala." Huling sagot nito. Pinagmasdan ko ang mukha ni Love. Pagkatapos kong pagmasdan ang buog mukha niya ay napapikit ako at nag-alay ng kaunting dasal.

Diyos ko, kung ano man pong kinakaharap na suliranin ni Vice,
Sana po ay maging okay na.
'Wag na 'wag niyo po siyang pabayaan.

Amen.

Pagkatapos nun ay dumilat na ako. Pagtingin ko sa gawi nila Kuya Jhong ay natawa ako. Nakatulog na silang lahat dahil sa kakaantay kung anong resulta ng doktor plus! Galing pa sila sa biyahe. Napailing-iling na lamang ako. Sa kakatitig ko sa mukha ni Love ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

































































"Love." Nagising ako dahil sa tinig na aking naririnig at sa kamay na tumatapik sa balikat ko. Agad naman akong napabangon at nakita ko si Love.

"Love, okay ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Tarantang tanong ko habang inaayos ang nalukot kong damit. Napatigil lang ako ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ko.

"Okay lang ako." Sambit nito sabay haplos ng aking mukha. Napangiti naman ako dahil doon.

Kahit kelan talaga.

Napabalik ako sa pag-upo sa tabi niya.

"Teka lang Love, ba't nandito 'tong mga 'to?" Tanong niya sabay turo kanila Kuya Jhong na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog.

"Sinamahan nila akong bantayan ka, Love." Sagot ko. Napatayo naman ako at isa-isang nilapitan sila Kuya Vhong.

"Kuya." Tawag ko sa kaniya sabay tapik ng balikat niya. Agad naman itong nagising.

"Kuya, gising na po si Vice." Natutuwang saad ko. Tumayo rin ito at ginising sila Kuya Jhong. Nang magising na silang lahat ay isa-isa na silang lumapit kay Love.

"Vicey, what happened to you?" Tanong ni Ate K.

"Ewan ko ba, nahilo na lang akong bigla eh." Sagot ni Love. Maya-maya pa ay natinag kaming lahat ng dumating ang doktor.

"Uhm excuse me." Pangunang sambit ng doktor. May dala-dala itong papel, baka results yata.

"Uhm dok, kamusta na po kaibigan namin?" Tanong ni Kuya Jhong sa in-charge na doktor na nandito ngayon. Nandito ako sa tabi ni Love at hinahawakan ng mahigpit ang kamay niya. Napatingin ako sa kaniya at nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Nginitian ko lang rin siya bilang ganti.

"Uhm dok, ano na po?" Tanong ko sa doktor. Isa-isa niya kaming tiningnan at nagseryoso ulit.

"We conducted some tests to her and so far, okay naman ang results." Sagot ng doktor habang binabasa ang hawak-hawak nitong dokumento.

"Eh kung okay naman po pala lahat, bakit po nahimatay yung girlfriend ko?" Nagtatakang tanong ko sa doktor.  Tumingin ito sa akin at inayos ang eyeglass nito.

"Hindi naman po kasi sakit ang pagbubuntis." Pagbu- wait what?!

"A-ano p-po yun, d-dok?" Utal-utal na sagot ni Love.

"Congratulations, Ms. Viceral. As of now, you are 1 month pregnant to your first child."

Itutuloy...
———————————————

HI GUYS! Bitin ryt😂? Don'tya worry, bawi ulit ako sa next update. Sorry for the typos and grammars! Ily alllll❤️!

Love,
miss_kaexe💖

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon