Kabanata 8

2.4K 56 2
                                    

Vice's Point of View

Nagising ako nang may naramdaman akong nakayakap sa akin. Tiningnan ko ito kung sino, si Vhong lang naman pala. Gumalaw ito ng bahagya at maya-maya pa ay nagmulat na ito ng mata.

"Good morning brad. Ano? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Masakit pa rin dito Vhong eh." Sabay turo kung saan nakapwesto ang ating puso. Namuo ang luha ko ng sambitin ko iyon. Hinagod naman nito ang likod ko saka niyakap.

"Malalampasan mo din iyan, brad. Pero mabalik tayo, pwede mo bang ikwento lahat ng nangyare kagabi?" Nag-aalangang tanong ni Vhong. Siya kasi minsan ang nagcocomfort sa akin kapag nalulugmok na ako ng tuluyan eh.

Kwinento ko sa kaniya lahat ng nangyare. Bakas sa mukha nito ang pagtataka, pagkagulat, galit at kung ano-ano pang emosyon.

"Ikaw ang nakipaghiwalay sa kaniya? Aba eh, mabuti. Matagal na rin kaming nagtitimpi ni Jhong sa hinayupak na 'yan eh." Turan nito.

"Hayaan mo na lang. Tapos na at tinapos ko na kaya wala ka na dapat bang abalahin." Sagot ko sa kaniya. Hinaplos naman nito ang pisngi ko.

"Alam mo brad, inaalagaan ka namin, tini-treasure ka nga namin eh. Tina-trato ka naming prinsesa, pero siya? Ginawa kang parang basura, aba, 'di tama 'yon." Sambit ni Vhong. Bakas ang pagka-inis na mukha nito.

"Alam mo Vhong, masakit pa rin. Masakit pa rin kasi mahal ko siya at minahal ko siya. Siya kaya? Minahal niya rin ba ako? O ginamit lang? Am I not enough? Am I not good enough?" Garalgal na ang tinig kong nagtanong kay Vhong. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko at agad naman itong pinunasan ni Vhong ng kaniyang hintuturo.

"Linggo ngayon, brad. Anong gusto mo? Papuntahin ko ang tropa dito?" Pagcha-change topic nito. Good thing at iniba nito ang topic dahil wala akong balak na pag-usapan ang nangyari kagabi. Tumango lang ako sa kaniya. Ngiting aso ito pagkatapos kong tumawag.

"Diyan ka lang ha? Tatawagan ko lang sila. Dadalhan na lang rin kita ng pagkain." At pagkatapos nun ay lumabas na ito. Ako na lamang isa ang naiwan dito sa kwarto. Yakap ko ang mga tuhod ko ngayon. Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga nangyare kagabi.

Tama na siguro 'yun. Sa ngayon, ipapahinga ko muna 'tong puso ko. Ayoko munang umibig pa.

Namuo ang mga luha sa mata ko nang maalala ko ang ginawang pananakit at paninigaw sa akin ni Calvin. Ilang beses niya na ring inulit ito sa akin.

Flashback

Narito ako sa kwarto ngayon. Nakahiga. Hinihintay kong matapos si Calvin sa baba. Nagkayayaan kasi silang magbabarkada. Uminom sila. Maya-maya pa ay tumambad sa akin ang mukha ni Calvin. Hinawakan nito ang pisngi ko at tska siniil ako ng halik. Nagulat ako sa ginawa nito. Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin.

"Ano ba Calvin! Pwede ba, matulog ka na lang?! Nangmamanyak ka na naman!" Sigaw ko dito. Bigla naman ako nitong sinampal. Nagulat ako sa ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi ko na ngayon siguro ay pulang-pula na. Naiiyak na ako dahil sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal nito sa akin.

"Ah sumasagot ka?! Tandaan mo, girlfriend kita! At kahit ano pang gawin ko sa'yo, pumayag ka dahil girlfriend kita!" Sigaw nito sa akin. Napahagulgol naman ako ng iyak.

"Hubad. Ngayon na." Utos nito. Napatingin naman ako sa kaniya. Seryosong-seryoso ang tingin niya. Hindi ko alam kung susundin ko ba o hahayaan ko na lang ang pinag-uutos nito.

"Hubad sabi eh! Ah ayaw mo?" Lumapit ito sa akin at marahas na hinubad ang pang-itaas na damit ko. Sunod naman nitong binaba ang shorts ko. Tinabunan ko ng unan ang kabuuan ko.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon