Kabanata 49

1.9K 56 5
                                    

Vice's Point of View

"T-terrence." Mahinang sambit ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero dala na rin ng hiya, ako na ang unang umiwas.

"It's been a long time, how are you?" Tanong nito na parang wala lang nangyari.

"Uhm, I'm okay." Naiilang kong sagot.

"Thanks for—-"

"Hi Love, sorry nataga—" Agad akong napatingin kay Ion na may dala-dalang tray. Nilapag nito ang tray sa lamesa at tumabi ito sa akin. Dahan-dahan nitong niyapos ang aking kamay.

"Uhm, T-terr, Si Ion, fiancé ko." Pagpapakilala ko kay Ion. Lumapit si Terr kay Ion para sana makipagshake hands.

"Terrence Romeo, Tol." Pagpapakilala nito. Nakita ko namang tinanggap ito ni Ion.

"Ion Perez, Vice's Fiancé." Buong tapang na pagpapakilala nito. Nagkatitigan lamang ang dalawa. Kitang-kita ang seryoso at mainit na tensyon sa pagitan ng kanilang mga titig.

"Eh-ehem." Basag ko sa kanila. Agad namang napabitaw ang dalawa.

"Uhm, thank you again Vice for saving JB. Nice meeting you again. Say bye to Tita Vice, JB."

"Bye po." Simpleng tugon ng anak nito. Nagpaalam na silang mag-ama at umalis na. Pagkatapos nun ay tumingin ako kay Ion na sa kasalukuyan ay nakatingin din pala sa akin.

"Let's eat para makauwi na tayo." Malamig na aya nito. Nagulat naman ako sa pagiging cold niya.

hindi niya talaga nagawang maging cold sa akin simula pa noon.

Kumain kami ng tahimik. Nang matapos kami ay kaniya-kaniya kaming bitbit ng gamit papunta sa parking. Pagkatapos naming maikarga lahat ay pinaharurot na ni Ion ang kotse pauwi ng bahay.

@Bahay

Nang makarating kami sa bahay ay hindi pa rin niya ako kinikibo. Nakailang 'Love' na ako sa kaniya pero wala paren. Nang makapasok kami sa kwarto ay agad itong naligo at nagbihis, sumunod naman ako dito. Pagkatapos kong magbihis ay nadatnan ko itong nagcecellphone. Chineck ko muna si Reign sa crib nito bago ako tumabi sa kaniya sa kama.

"Love." Malambing ang tinig kong tumawag sa kaniya.

"Hmm." Sagot nito pero ang atensyon ay nasa cellphone. Binackhug ko ito.

"Ano ba, Love. Mainit." Pagsuway nito pero hindi ko tinanggal ang kamay ko sa bewang niya.

"Sorry na. Hindi ko naman alam na nandon pala siya at hindi ko rin alam na anak niya 'yon. Pinatahan ko lang naman 'yon dahil nakita kong naliligaw siya at kung iniisip mo na nagbalik na siya at magugustuhan ko ulit siya, no Love. Kahit magbalik pa siya, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Pahayag ko sa kaniya. Narinig kong napabuntong-hininga lang siya. Humarap siya sa akin.

"Natatakot lang ako, Love. Natatakot dahil nagbalik na siya. Natatakot dahil baka kunin ka niya sa akin. Alam mong alam ko ang nakaraan ninyo, at sa totoo lang, mas mahaba ang pinagsamahan niyo kesa sa akin. Natatakot akong gawin niya iyong sandata para makuha ka niya sa akin." Naluluhang sagot nito. I wiped his tears by my fingers and cupped his face.

"Huwag ka matakot. Kahit magbalik pa siya, I will never look at him the same way I look at you. Wala akong pake sa haba at tinagal ng relasyon namin dati. Basta ang mahalaga sa akin ngayon, ikaw at si Reign. Kompleto na ako. I will never ask for more."

"Hindi na batayan sa akin ang haba at tagal ng oras na pinagsamahan namin noon, alam kong masaya na ako kung nasaan man ako ngayon. And that happiness is coming from you and Reign. At kahit kunin niya pa ako ulit, ito lang ang tatandaan mo. Paglayuin man tayo ng tadhana, babalik at babalik ako sa mga bisig mo, asking for your love and sincerity. Do not doubt, I do not leave you. I'll stay here with you." Sinserong sabi ko sa kaniya. Bigla nalang ako nitong niyakap.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon