Kabanata 9

2.3K 59 15
                                    

Vice's Point of View

Nagising ako sa sampal ni Vhong. Ang sakit ha?

"Brad, ano?! Okay ka lang ba? Binabangungot ka!" Naghi-hysterical nitong sabi. Kumakalabog ng malakas ang puso ko. Napahawak ako dito. Kulang na lang umalis siya sa pagkakakabit niya sa katawan ko eh. Nanaginip kasi ako na binalikan daw kami ni Calvin pagkatapos pinagbabaril daw niya kami pati si Ion. Mukhang demonyo ang mukha nito sa panaginip ko.

"Vhong, umalis na kayo. Papatayin kayo ni Calvin, papatayin niya tayo!" Sabay yugyog ng balikat niya. Tumutulo ang luha ko habang sinasabi ito sa kaniya. Hinawakan nito ang pisngi ko.

"Brad, makinig ka. Makinig ka! Walang pwedeng gumalaw sa iyo, sa atin! At mas lalong-lalo na hindi tayong pwedeng galawin nang Calvin na 'yon! Kaya tahan na, okay?!" Sambit nito pagkatapos ay niyakap ako. Nakita ko naman sina K at Anne. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at awa. Lumapit silang lahat at niyakap ako.

Isa-isa silang kumalas sa pagkakayakap. Pinahiran ko naman ang luha ko pagkatapos kong humagulgol sa mga bisig ni Vhong.

"Ah Guys, hali na daw tayo sa baba. Naghanda yung Mommy ni Vice ng pagkain." Yaya sa amin ni Jhong.

"Sige. Iwan niyo na lang dito ang mga bakla at bibihisan pa nila ako." Agad naman silang tumalima at iniwan na kami ng mga bakla dito sa kwarto.

Biglang lumapit si Buern sa akin at hinaplos-haplos ang buhok ko. "Anyare meme?" Tanong nito. Inabot niya sa akin ang damit ko. Naghubad na rin ako sa harapan nila. Sanay na sila sa akin 'no.

"Wala na kami ni Cal, Buern." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa kawalan.

"Ayan kasi, tinanong mo pa." Sagot ni Budi. Agad itong lumapit sa akin.

"Naku, hayaan mo na yun. T*ngina niya lang kasi." At natawa ang lahat sa kaniya.

"Hali na kayo mga bakla, gusto ko na ring kumain." Anyaya ko sa kanila. Napansin ko namang parang napaos ako.

Sa kakaiyak ko 'to.

Tumayo naman ang mga bakla at tska naunang lumabas. Sumabay ako kay Buern pababa. Sumalubong sa akin si Nanay at walang anu-ano'y yumakap ito sa akin.

"Anak, hayaan mo siya. Palayain mo na." Naramdaman ko namang tumulo na naman ang luha ko dahil sa sinabi ni Nanay. Hindi naman ako makasagot sa kaniya.

"Darating din ang araw na ang karma ay babalik sa kaniya dahil sa ginawa niyang panggagamit sa iyo. Huwag mong kakalimutan na marami kaming nagmamahal sa iyo ha? Chin up and smile, anak ko. You are my precious sunshine, Tutoy. You are my treasure. Kaya kung sino man ang nanakit sa'yo ay maibabalik din sa kaniya ang malas na ginawa niya sa'yo." Saka kinalas ni Nanay ang pagkakayakap niya sa akin. Pinahiran niya ang luha ko. Laking pasasalamat ko dahil marami pang tao ang nagmamahal sa akin at isa na roon ang nanay ko. I mouthed I love you to her. She responded on it. Nagyakap kaming muli at lumakad na papuntang lamesa.

"Yey, magtatrabaho na 'yan bukas." Pangunguna ni Teddy. Inalalayan ko namang makaupo si Nanay bago ako maupo.

"Tska siya naman dapat ang manglibre ng lunch bukas. Tska bunot 'to siya bukas." Dagdag pa ni Jhong. Nagsitawanan naman lahat kasali na ako. Narealize kong hindi ko pala kayang hindi maging masaya, lalo na kung yung mga nakapalibot sa akin ay masasayang tao. When I'm hurt, nasasaktan din sila. When I'm happy, masaya sila. Unti-unti nilang tinatanggal ang lungkot na kanina ay nakabara sa buo kong pagkatao.

Napuno ang tanghalian namin ng kwentuhan, tawanan at biruan. Nanguna naman ang mga bakla sa mga ito.

Nang matapos kaming kumain ay dumirecho kami sa labas ng bahay. Doon ay may malaking espasyo na pwede niyong pagbondingan. Pinakuha ko ang isa sa mga kasambahay ng tela para naman may maupuan  kami doon. Agad naman itong tumalima at kumuha na. Lumapit ako sa kanila.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon