Kabanata 45

2.5K 62 2
                                    

Vice's POV

After 9 Months...















"Love?" I heard Ion's voice from a far. I'm just lying here at out bed, waiting for him. Pagbukas ng pinto ay mukha niya agad ang bumungad sa akin. May dala-dalang tray ng pagkain.

"Here's your order, Madam Baby." Anito tska kumindat. Pagkita ko sa dala niyang tray, ay nagningning ang aking mga mata. It's my favoriteeee!

fries and sundae, wieeee!!!

"Thank you, Love!" Hinalikan ko siya sa lips at agad na nilantakan ang fries at sundae na nasa harap ko. Habang kumakain ako ay napapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Tiningnan ko ito at totoo nga, tinititigan niya lang ako.

"Huy, ba't ka nakatitig saken? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kaniya. Isinubo ko yung fries na hawak-hawak ko.

"Hmm, wala naman. Ganda mo paren kasi Love eh." Asus, mambobola.

"Che." Natatawang pagsusungit ko.

"Uhm Love, excuse, punta lang akong CR." Sabi ko sa kaniya at tumayo. I just really need to pee. Tamang-tama pagtayo ko ay biglang naihi ako at sumakit ang tiyan ko. Pagtingin ko sa baba ay sobrang daming tubig at hindi pa rin tumitigil. There's an explicit pain that I feel inside my womb.

"A-ah. L-love." Tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napatayo at inalalayan ako.

"Are you okay, Love?! Manganganak ka na ba?! Bueeeern! Tulong!" Sigaw ni Ion. I can't really handle the pain.

"Aaaaaaah. L-Love, m-masakit." Naiiyak kong sabi sa kaniya habang ang kamay ko ay nasa balakang ko. Agad ako nitong binuhat pababa, hindi ininda ang aking bigat.

"Buern! Budi! Nay! Manganganak na po si Vice, Tulong!" Patuloy na sigaw ni Ion. Wala akong maggawa kundi ang pakalmahin ang sarili ko sa gitna ng sakit pero kahit anong pagpapakalma ko ay sadiyang epal talaga siya, sobrang sakit talaga.

"L-love, please h-hurry. M-masakit talaga." I told Ion. Hinahawi nito ang buhok ko.

"Don't worry Love." Tska ako nito hinalikan bago pumasok ng van.

Pagpasok ng van ay pinaupo nila ako at pinapaypayan. Katabi ko sa kaliwa si Nanay at sa kanan naman ay si Ion.

"Whoo, whoo. Inhale, exhale anak." Turan ni Nanay habang pinapaypayan at pinapakalma ako. Hawak ni Ion ang isang kamay ko at hinihimas-himas.

"Stay calm, Love." Tska ako nito hinalikan sa noo.

Whoo, whoo. Kaya mo 'yan, Vice.

Pagdating namin sa hospital ay nilagay nila agad ako sa stretcher at pinaderecho sa delivery room. Si Ion lang ang pinapasok nila. Isinagawa na nga ng doktor ang dapat niyang gawin.

"Ms. Vice, iri!" Utos nito. Nasa tabi ko lamang si Ion at hinahawakan ang kamay ko.

"Hmmmmmmmm!!!" Pag-iri ko. Ilang iri pa bago sabihin ng doktor na malapit na.

"Ms. Vice, one last push at lalabas na talaga si Baby." Pakiusap ni Doc. Tagaktak na ang mga pawis namin, pagod na pagod na ang katawan ko. I can't take it anymore.

"D-doc, i-i can't-t." Sabi ko. Tumingin ako kay Ion, nanghihingi ng suporta. Hinahawi nito ang buhok ko at hinahawakan ang kamay ko.

"Love, isa nalang. Kaya mo 'yan, i love you." Anito tska hinalikan ang kamay ko at noo.

Okay Vice, one last push. Say hello, Anak.

"Get ready, Ms.Vice." Ani ng Doktor. Inipon ko na ang buo kong lakas at tska umire.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon