Kabanata 53

2K 64 12
                                    

Vice's Point of View

"ai!"

"Yehey!" Natutuwa kong sabi habang pumapalakpak. Tumingin si Reign sa akin at umastang naiiyak kaya naman kinuha ko agad ito sa pagkakarga ni Ion.

Pinapatahan ko ito dahil ayaw talaga nitong tumahan. Nang matapos na ang exposure ni Ion ay kukunin sana nito si Reign para sumama sa kaniya sa backstage pero ayaw ni Reign kaya hinayaan nalang ako nito na buhatin ang anak ko sa kalagitnaan ng show.

"Hindi ka ba nahihirapan, Brad?" Pabulong na sabi ni Vhong pero ang mata ay nasa camera.

"Hindi naman." Sagot ko sa kaniya. Nakaharap sa akin si Reign, pinaglalaruan ang buhok ko. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok nito.

"You like Mommy's hair?" Tanong ko sa kaniya. Tumango-tango ito.

"You'll have that one, soon." Turan ko dito at hinalikan sa noo.

Nang magcommercial break na ay pumunta kami sa likod. Nadatnan namin doon sina K, Tyang Amy, Jugs and Teddy at Ryan. Wala ang sisterette kong si Anne dahil nagbakasyon sa Australia.

"Wow naman! Twinning ha." Komento ni Karylle sa suot namin. Tumabi ako sa kaniya. Inabot naman sa akin ni Ion ang dede ni Reign. Isinalampak ko agad ang dede sa bunganga ng anak ko at inihele.

"You look cute together as a family, Vicey." Komento ni K. Napangiti lang ako ulit.

"Ba't kasi ang tagal niyo magkaanak ni Yael? Ayan tuloy, naunahan kita." Natatawang pambabara ko sa kaniya.

"Gusto naman namin, pero." Napapout ito. Tinawanan ko lang ito.

"Wala kaming time sa isa't-isa." Malungkot na sabi nito.

"Alam mo, yung mga ganiyang bagay, need niyo 'yan ng quality time. Maghoneymoon kaya ulit kayo? Oh tingnan mo yun si Ngangabu, di'ba? Hindi natin alam, juntis na pala. Dadating din 'yan, K." Payo ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Thank you Vicey ah. I'm really happy for you din kasi you have your HAPPINESS na." Turan nito sa akin.

"Salamat." Tanging nasambit ko na lang. Nilaro-laro pa namin si Reign habang dumedede ng biglang tinawag na kami ng staff.

"Excuse me po, ere na daw po sabi ni Direk!" Sigaw nung staff. Tumayo ako bitbit ang anak ko at lumapit kay Ion para sana ibigay siya dito ngunit ayaw nito.

"Nnoooo." Pagtanggi nito ng may pag-iling. Humarap siya sa akin.

"Baby, you need to go to Dada. Mommy will work." Pakiusap ko dito. Napapout ito. Kiniss ko ito sa noo bago binigay kay Ion. Hindi pa ako nakaalis pero rinig na rinig ko ang hiyaw nito. Dumirecho na lamang ako para hindi na ako matrigger na bumalik doon.







After Showtime...

Nandito kaming lahat sa office ni Direk Bobet. Katatapos lang ng Showtime kaya naman nagbonding muna kami. Magkatabi kami ni Ion habang ang iba ay pakalat-kalat. Si Reign ay hiniram muna ni Karylle, magkatabi sila ni Vhong na nilalaro ang anak namin. Lahat ng Showtime Hosts ay nakatutok kay Reign. Idinantay ko ang ulo ko sa pagkakaakbay sa akin ni Ion.

"Kapagod, pero namiss ko 'to." Saad ko sa kaniya. Hinahaplos-haplos nito ang buhok ko.

"Okay lang 'yan, Love. Babalik ka na din naman eh." Sagot ni Ion sa akin.

"Eh paano si Reign? Sinong magbabantay?" Nag-aalalang tanong ko. Hanggang ngayon, hindi pa kami nakakahanap ni Ion ng magbabantay kay Reign. Hindi pwede si Natalia dahil kapag siya ang nagbabantay kay Reign, eh halos mapuno na ng make-up ang mukha nito. Kawawa naman yung balat niya. Mas lalong hindi pwede ang mga kapatid ko dahil may kaniya-kaniya silang mga trabaho.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon