Kabanata 44

2.3K 50 0
                                    

Vice's Point of View

Past 2:30 na ng makarating kami sa Clinic ng OB-Gyne ko. Mabuti na nga lang at na-ibook ako ni Erna kaya naman nauna kami sa pila. Naistress din ako ng beri layt sa dami ng taong nagpapicture. Pagpasok namin sa loob ay nadatnann naming nakaupo si Doc.

"Hi Ms. Viceral and Mr. Perez. Btw, congratulations to the both of you." Bungad sa amin ni Doc. Pinaupo ako ni Ion at pagkatapos ay tumabi ito ng upo sa akin.

"Thank you, Doc." Tanging nasagot ko. Hinahawakan ni Ion ang kamay ko.

"So? Let's go? Dito tayo." Aya ni Doc doon sa parang cubicle. Agad akong pinahiga ni Doc sa kama. Nakasunod naman si Ion sa akin. Hindi niya talaga mabitawan ang kamay ko.

"Love?" Tawag ko sa kaniya. Pawis na pawis kasi ito habang nagcecellphone. Umalis kasi muna ng saglit si Doc.

"Y-yes?" Sagot nito sa akin. Halata ang kaba at takot sa mukha nito.

"Anong problema? Pawis na pawis ka ah?" Nag-aalalang tanong ko. Ngayon ko lang din kasi talaga napansin na sobrang nagpapawis siya.

"L-love, s-si Bela k-kasi..." Napatigil naman ako sa sinambit nito. Literal na tiningnan ko ito ng mariin.

'Di rin talaga paawat ang bwisit.

"Bakit, ansabe?" Tanong ko dito. Binigay naman niya sa akin ang kaniyang telepono.

Convo.

:Hi Ion, this is Bela. I heard that you and Vice are now engaged. Well, pinapaalala ko lang na hindi pa ako tapos sayo, sa inyo. Kaya't humanda ka. This is not the end yet.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos. Lintek na babae 'to, kelan niya pa ba kami titigilan?

"Walang mangyayaring masama, okay?" Pagpapalakas ko ng loob kay Ion. Alam kong kinakabahan ito dahil sa bwisit na text 'yan.

Pagkatapos akong i-ultrasound ay nagbigay na ng mga reseta si Doc para sa mga gamot na iinumin ko. Nagbayad na kami agad at lumabas na. Nag-drive si Ion patungong gym.

"'Di ka magbibihis, Love?" Tanong ko dito pagdating namin sa parking. Hindi naman ako nito kinibo. Tinampal ko ito ng marahan.

"Huy!" Agad itong humarap sa akin.

"Ah. Sorry Love." Tanging nasagot nito. Nag-aalala na ako dahil sa mga iniaasta nito.

"Love, huwag mo ng isipin yung tinext ni Bela sa'yo. Walang mangyayaring masama. Tska nahihibang lang 'yon. Ngayon ka pa ba kinakabahan? Malapit na tayong ikasal oh? 'Wag na kabahan okay?" Pagpapalakas ko ng loob nito. Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you for making me happy. You and our baby is my strength." Sambit nito at hinalikan ang kamay ko.

"Puro senti. Lika na, baba na tayo." Natatawang sabi ko. Bumaba ito at kinuha ang kaniyang bag sa passenger's seat pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan ko. Sabay kaming naglakad sa taas. Habang papaakyat kami ay may nakakasalubong kaming mga lalaki. Mga borta at pogeeeh!

"Hi miss." Ani ng lalaking maputi at nakasando sabay hawak ng legs ko. Nagulat ako doon at nasampal ko siya bigla.

"Ano ba!" Sigaw ko. Bigla namang napaharap si Ion.

"Come on, alam ko nam—-" Biglang natumba ang lalaking nasa harap ko. Pagtingin ko nakwelyuhan na ito ni Ion.

"Sa susunod na hahawakan at dadampi iyang mga kamay mo sa fiancé ko, 'di ako magdadalawang-isip na patayin ka!" Singhal at gigil na sabi ni Ion. Natuod na lamang ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba at takot.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon