Kabanata 21

3.2K 57 14
                                    

Vice's Point of View

"Will you be my girlfriend?"

Bumibilis ang kabog ng puso ko dahil doon. I don't know what to act and to say. Napalingon naman ako kay Nanay Zeny at Natalia. Nakita kong umiiyak silang dalawa. Binalik ko ang tingin kay Ion.

Hindi masamang bigyan ng chance ang isang tao para mahalin ka at arugain. Noong mga nakaraang araw ay napapansin ko na mas gusto kong nandito siya sa tabi ko. Parang ayaw ko ngang umalis siya minsan eh. Hindi ko maikakaila na, I finally fell in love with him na. Tska ayaw ko man, hindi ko rin maitatanggi na I like him very very much for me. Kahit sila Nanay at ang barkada, bet nila si Ion para sa akin.

"Time is running fast, Vice." Natinag ako dahil doon. Sumulyap naman ako sa barkada niya at ang tingin nila sa akin ay malagkit, parang handa nilang patayin kung saka-sakaling hindi ko sagutin si Ion.

Kung sasagutin ko siya, maaaring ito ang pinakatamang desisyon na magagawa ko sa buong buhay ko.

"Vi-" Pinutol ko na agad ang sasabihin nito.

"Yes Ion, I am now your GIRLFRIEND." Nakangiting sagot ko. Bigla naman itong tumayo at nagtatatalon.

"YES YES YES! YEEES!" Sigaw nito. Lumapit ito sa barkada at nakipag-apir.

"Pare sinagot na ako ng pinakamamahal koooo! Whooo!" Sigaw ulit nito. Bigla naman siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. Hindi na tuloy ako makahinga.

"I-ion, 'd-di a-ako ma-makahi-hinga." Utal-utal kong saad. Agad naman itong kumalas sa pagkakayakap niya. Naghahabol naman ako ng hininga dahil doon. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at iniharap ito sa kaniya. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Vice. Sobrang thankful ko dahil sinagot mo ako. Hindi man ako perpekto pero gagawin ko ang best ko para maging isang mabuting boyfriend sa iyo. Mahal na mahal kita." Naiiyak na saad nito. Pinahiran ko naman ng mga daliri ko ang luha niya.

"Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para sagutin ka. Ikaw yung desisyon na para sa akinay tama. I am falling in love with you every single day. I promise that I will be a good girlfriend to you. Mahal na mahal din kita, Ion." Naiiyak ring tugon ko. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap muli.

"Inuman naaaa!" Rinig kong sigaw ng barkada niya at natawa ang lahat.

"Anak, kukuha lang kami ng pulutan ninyo." Ani ni Nanay. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ni Ion sa akin.

"Balik lang ako." I mouthed to him. Muli niya akong ginawaran ng halik sa noo. Lumapit si Natalia at inangkla ang kaniyang braso sa braso ko.

"O my gosh, Ate!!! I can't believe it yieee! Sinagot mo si Kuya! I'm so happy for you, two." Saad ni Natalia. Nilingon ko ito at nginitian.

"Hay sana magtino na iyang si Ion. Salamat sa pagsagot sa anak ko, Vice." Sambit ni Nanay.

"Naku wala po 'yon. Tska tama nga siya, kung mahal mo, ba't mo patatagalin ang pagsagot diba? Tska alam ko po sa sarili ko na mahal ko na siya kaya ko siya sinagot." Nakangiting saad ko. Inabot naman sa akin ni Nanay Zeny ang pulutan nila.

"Pakihatid nga sa kanila, Anak." Tumango lang ako at naglakad pabalik sa labas. Nadatnan ko silang nag-iinuman.

"Oh ayan na pala si Girlfriend!" Sigaw noong lalaking may piercing sa ilong. Inilapag ko ang pulutan nila sa ibabae ng lamesa. Pagtalikod ko ay agad akong hinila ni Ion.

"Dito ka lang sa tabi ko." Malambing na saad nito.

"Okay po." Sagot ko dito. Inabutan ako ng upuan noong isa nilang barkada. Binitbit nito ang upuan at bahagyang lumayo sa barkada nito hawak ang aking kamay. Kinilig naman ako dahil doon.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon