Kabanata 36

2.6K 59 4
                                    

Vice's Point of View

Nagising ako dahil sa parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa CR. Pagdating ko sa sink ay 'di ko na talagang napigilan pa ang sarili ko at sumuka na talaga ako. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humahagod sa likuran ko. Pagtingin ko, si Ion pala. Inabutan niya ako ng tubig pagkatapos.

"Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin habang hinahagod pa rin ang likuran ko. Humarap ako sa kaniya.

"Okay naman na." Sagot ko dito. Inalalayan nito akong tumayo at lumakad kaming dalawa papalabas ng CR. Gulong-gulo pa ang buhok ko and noon ko lang rin na-realize na wala pala akong damit.

Luuuuh?!

"Love oh. Isuot mo muna iyang polo ko." Sambit ni Ion sabay tapon sa akin ng white long sleeves. Nagsuot muna ako ng udergarments at bra bago sinuot ang polo.

"Uhm, Love. I'm done." Saad ko. Nakita ko siyang nagcecellphone at parang may ka-text.

Sino kaya 'to?!

"Love! Doon na daw tayo sa cottage. Kakain na daw. Nagtext si Nanay." Turan nito. Mabuti na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at pitaka at naunang lumabas kesa kay Ion. Hihintayin ko na lang siya sa labas.

Maya-maya pa ay lumabas ito. Napatitig ako sa katawan niya. Tanging swimming trunks lang ang suot nito.

"Love, let's go?" Aya nito. Tumango lang ako at umangkla sa braso niya. Naglakad kami papuntang cottage ng walang imikan. Nasira ang katahimikan ng tinawag ako nito.

"Love." Humarap ako dito.

"Yes Love?" Sagot ko.

"Okay ka lang ba? Mukhang matamlay ka yata? Anything wrong?" Sunud-sunod na tanong niya. Nginitian ko lang siya.

"Okay lang ako. Ganito talaga siguro kapag buntis." Sagot ko sa kaniya.

"Alam mo Love, pinaghihinalaan ka na namin dati na baka buntis ka." Kwento nito. Grabe naman yung pinaghinalaan.

"Paano naman Love?" Tanong ko.

"Eh kasi diba, palagi kang wala sa mood, ta's hindi ka mapakali kapag wala ako sa paningin mo. Dagdagan mo pa nang palagi mong pagkain ng mangga." Kwento niya sa akin. Natawa na lang ako dahil sa naging reaksyon nito.

"Syempre, ayoko namang mawala sa paningin ko ang magiging DADA ng baby ko no." Malambing na sagot ko dito. Napa-inhale naman ito.

"Sarap naman marinig 'yan sa'yo." Saad nito tska tumawa. Parang timang 'to si Ion.

"Magiging isang pamilya na tayo, Love. Kulang na lang ang kasal." Parang malamya ang tinig kong sambit. Hinaplos nito ang pisngi ko.

"Don't worry, Love. Pananagutan at pakakasalan kita." Naniniguradong sagot nito. Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis. Mamaya pa ay nakarating na kami sa Cottage kung saan kami kakain.

"Oh nandito na pala ang soon to be parents!" Bungad ni Jhong pagdating namin sa cottage.

"Naku, tigil-tigilan mo nga ako, Hilario. Wala ako sa hulog ngayon para makita iyang pagmumukha mo." Mataray na sagot ko sa kaniya. Umupo ako sa tabi ni Anne at K.

"Kamusta ang gising?" Nasisiyahang tanong ni Anne. Nilagay ko ang cellphone at pitaka ko sa mesa.

"Ayun. Pagkagising ko parang hinahalukay na naman ulit ang tiyan ko." Sagot ko kay Anne. Pagkatapos kong sagutin ang tanong niya ay hinead to foot ako ng tingin nito.

"Wait, bakit ka nga pala naka-polo? Why are you not wearing swim suit?" Nagtatakang tanong nito. Napababa naman ako ng tingin.

Eh kasiiii! We make love kagabi ni Ion, chOur HAHAHAHA!

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon