Kabanata 37

2.5K 54 13
                                    

Vice's Point of View

Pagkatapos nung tagpong iyon ay bumalik kami sa cottage para kumain. Pagdating namin doon ay patapos na pala silang kumain.

"Ba't ngayon lang kayong dalawa ha?" Tanong ni Vhong. Inirapan ko ito bago sumagot.

"Pake mo?" Pamimilosopo ko kay Vhong. Pinaupo ako ni Love.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Love habang nagsasandok ng kanin.

I want sundae and fries ryt noooow!

"Sundae and Fries!" Nagniningning ang mata ko ng sabihin ko iyon.

"Ha? Eh malayo tayo sa town, Love?" Nag-aalinlangang sagot nito. Nainis naman ako dahil sa sagot niya.

"Eh yun nga gusto kong kainin eh!" Singhal ko sa kaniya.

"Eh, malayo nga tayo sa town, Love. Kumain ka na lang muna, bibilhan kita mamaya." Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sagot niya. Kainis!

"Kung ayaw mo akong bilihan, edi 'wag!" Singhal ko sa kaniya bago nagwalk-out.



















































Ion's Point of View

"Love!" Tawag ko sa kaniya. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa inis. Winalk-outan ako. Nakita kong tinawanan ako ng mga tao na nandito sa loob ng cottage. Napapikit na lang ako dahil sa inis.

"Habulin mo." Utos ni Kuya Jhong. Kainis naman kasi 'to si Love. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Nilapitan naman ako ni Nanay at tinapik ang balikat ko.

"Ganiyan talaga ang buhay, Noi. Habaan mo na lang ang pasensya mo. Para kay Vice at sa magiging anak niyo." Natatawang payo ni Nanay. Nilapitan naman ako ni Natalia.

"Oo nga Kuya. Intindihin mo na lang si Ate." Natatawang utos din ni Natalia. Tiningnan ko sila ng masama.

"Sige na nga! Habulin ko muna si Love!" Paalam ko sa kanila tska umalis na.





























Vice's Point of View

Nagwalk-out ako sa cottage. Napag-isipan kong bumalik at magkulong nalang muna sa kwarto. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Maya-maya pa ay naramdaman kong may nabangga ako.

"Ay sorry!" Paghingi ko ng patawad doon sa babaeng nabangga ko. Pag-angat nito ng tingin ay agad akong nagulat dahil namukhaan ko kung sino ang nabangga ko.

"Bela." Nasambit ko ang pangalan niya.

"Oh hi Vice! See you around." Nakangising anito sabay talikod at umalis na.

What is she doing here? Sinusundan niya ba kami?

Binalewala ko na lang 'yon.

Baka naman, nagchichill lang?

Pagkatapos ng tagpong iyon ay nakaabot na nga ako sa kwarto. Hindi ako nagbihis. Pina-andar ko lang ang aircon at nagcellphone. Bahala siya diyan kung susundan niya ako o hindi. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Ion at hingal na hingal ito. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Thanks God! Nandito ka lang pala!" Anito habang hawak ang pisngi ko. Hinawi ko ang kamay nito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Tumalikod ako dahil ayokong makita ang pagmumukha niya.

Ayaw mo akong bilhan, ta's ngayon nandito ka?! Balakajan.

"Jusko Love! Alam mo bang halos mamatay na ako kakahanap sa'yo? Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko! Kinakabahan ako kasi baka kahit saan-saan ka na pumupunta, tapos ngayon manunumbat ka ng ganiyan?!" Napasigaw na rin ito dahil sa inis. Napaupo naman ako at napapout.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon