Kabanata 47

2.2K 64 3
                                    

Ion's Point of View

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. It is indeed a very good morning kasi katabi ko ang aking sunshine. She's sleeping peacefully, dala na rin siguro ng pagod simula pa noong isang araw. Hinawi ko ang buhok nito na nakatakip sa buong pagmumukha niya. Nakanganga pa siya habang natutulog.

"Good Morning Ma. I love youuuu!" Mahinang sambit ko at hinalikan ang noo niya. Mamaya pa ay gumalaw ito ng bahagya. Akala ko magigising na yun pala ay tatalikod at matutulog muli. Napatawa lang ako.

kahit kelan talaga, napakaantukin.

Bumangon ako ng dahan-dahan at inilipat ang ulo niya sa may unan. Kinumutan ko ito bago ako pumuntang CR. Naligo nalang din ako pagkatapos kong magtoothbrush. Pagbalik ko, nakaiba na ito ng pwesto st mahimbing pa rin ang tulog.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para sana kumain. Naabutan ko doon sa baba ang pamilya naming dalawa na nilalaro si Reign.

"Oh Noi, bakit ikaw lang? Nasaan si Vice?" Tanong ni Nanay. Nagmano ako sa kanila. Binigay naman sa akin ni Nanay si Reign.

"Natutulog pa po eh." Sagot ko. Unti-unti ko namang inesway ang kamay ko.

"Oh siya Noi, maghahanda lang kami ng agahan ah. Doon kayong dalawa ng anak mo sa bakuran. Painitan mo doon." Utos ni Nanay. Tumango lang ako bago ko nilisan ang sala.

Nasa harap kami ni Reign ng swimming pool ngayon, nagpapalamig dahil kababago ko lang siya idinaan sa init. Natatakot ako baka magkasakit. Kinikwentuhan ko ito about sa mga bagay-bagay. Alam kong di pa nito masyado naririnig ang mga sinasabi ko.

"Alam mo 'nak, si Mommy mo, napakamaalaga. Mahal na mahal ako nun at mahal na mahal ko din siya." Kwento ko dito.

"Love?" Napatingin ako sa likod ko. Nakita ko doon si Love na naka-bathrobe na naglalakad papunta sa amin.

"We're here, Love." Sagot ko. Niyakap ako nito sa likod.

"Iniwan mo naman ako sa taas eh." Maktol nito. Tinawanan ko lang siya.

"Asus, nagtampo ang Mommy. 'Wag na tampo, Love. Gumala lang naman kami ni Reign sa bahay eh." Sagot ko dito. Nakapout lang ito.

"'Wag na tampo. Love youuu." Panglalambing ko dito tska hinalikan ko sa lips. Inirapan lang ako nito.

"Kinikilig ka." Pang-aasar ko dahil kitang-kita naman sa kaniya na kinikilig siya. Hinampas lang ako nito.

"Oo na. Dinaan mo pa ako sa paganyan-ganyan, alam mo namang mahina ako diyan." Natatawang sabi nito. Kumalas ito sa pagbabackhug niya sa akin at tumabi sa amin ni Reign na maupo. Hinalikan muna nito ang noo ni Reign bago nagsalita.

"Kumain ka na?" Tanong nito sa akin.

"Not yet." Sagot ko. Hawak-hawak ko pa rin si Reign, nilalaro ko ito.

"'Wag mo na nga guluhin iyang anak mo. Natutulog nang mahimbing eh." Saway nito sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"Oo na, Commander." Patuloy kong pang-aasar sa kaniya. Binelatan lang ako nito.

"Lika na nga. Kumain na tayo." Anito sabay tayo. Tumayo nalang din ako. Sabay kaming naglakad papunta sa dining area.

Pagdating namin doon ay masayang kumakain ang kaniya-kaniya naming mga pamilya.

"Oh here comes the family." Saad ni Ate Emma. Nauna ko siyang pinaupo. Nagtaka naman ito kung bakit hindi ako umupo.

"'Di ka kakain?" Tanong nito. Nakatayo lang ako sa gilid niya, sinasayaw-sayaw ang anak namin.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon