Kabanata 23

3K 49 5
                                    

Ion's Point of View

Kasalukuyan akong nagd-drive pauwi sa bahay niya. Iuuwi ko muna siya. Alam kong napagod 'to kagabi pati kanina. Hehe, sarap kasi niya eh.  Nakatulog siya ngayon kaya hinayaan ko lang. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya hanggang sa makatulog ito.

Nang marating ko ang bahay niya ay agad akong pinapasok ng maid sa garahe. Doon na lang daw ako magpark. Pagbalik ko ay mahimbing pa rin ang tulog nito kaya naman dinahan-dahan ko itong ginising.

"Darling." Tawag ko dito. Gumalaw naman siya ng bahagya at umungol ito.

"Darling, nandito na tayo." Gising ko ulit sa kaniya. Maya-maya pa ay nagmulat na siya ng mata. Hayyy, ang ganda naman ng future misis ko.

"Good Evening na Darling, nandito na tayo sa bahay mo." Nakangiting saad ko. Inayos naman niya ang buhok at ang lahat-lahat  sa kaniya

"Ang bilis naman." Anito. Inayos niya ang mga gamit sa loob ng bag niya. Habang nag-aayos ito, naisipan ko na namang nakawan siya ng halik.

Nakayuko siya ngayon. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa pisngi niya.

"Love." Tawag ko sa kaniya in a husky voice. Pagkaharap nito ay...

Naglapat ang aming mga labi. Hinawakan ko ang pisngi nito at siniil aiya ng halik. Napapikit naman ako dahil sa ginawa ko. Maya-maya pa ay una niyang pinutol ang aming halikan. Mahahalata mo talagang naghalikan kami dahil nagkalat ang mga lipstick sa labi niya.

"Love naman eh." Natatawang maktol nito. Kumuha ako ng wipes at trinapuhan ang mukha nito.

"Ayan na, maganda ka na ulit. 'Wag ka na maglipstick, masisira lang 'yan ulit sa akin." Natatawang saad ko. Inirapan ako nito tska napa-pout. Eeeeh, ang cute lang.

Luminga-linga ito at mukhang may hinanahanap.

"Yes Darling?" Tanong ko.

"Yung mga gamit ba, naipasok mo na?" Tanong nito. Tango lang ang isinagot ko. Inalalayan ko siyang tumayo sa kinauupan niya kanina. Ang kaniyang braso ngayon ay naka-angkla sa bisig ko tska ang ulo naman niya ay nakahilig sa balikat ko. Naglakad kami papasok ng mansion niya.

Sweet naman ng jowa ko, naks.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agaran kaming binati ng mga kasambahay. Naupo naman kami sa sofa.

"Hay kapagod!" Sigaw nito habang tinatanggal ang sapatos niya. Mukha namang nahihirapan siya kaya naman to the rescue ako sa kaniya.

"Ako na diyan, Love." Pagpiprisinta ko. Hinayaan na lang ako niyang magtanggal ng sapatos at medyas niya. Minasahe ko pa ang paa niya.

"Naks, sweet mo Love ah." Komento nito. Napataas ako ng tingin sa kaniya at nginitian ito bago ibalik ang atensyon ko sa pagmamasahe sa paa nito.

"Syempre naman. Hahayaan ko bang masaktan ang reyna ko?" Nakangiting sambit ko.

"Aww, so sweet of you, My Love." Sabay kurot niya sa ilong nito. Maya-maya pa ay tinapos ko na ang pagmasahe sa paa niya at tumabi ako ng pagkakaupo sa kaniya.

"Darling, 'di pa ba tayo kakain?" Tanong ko. Hindi kasi ako kumain buong biyahe eh. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Later, Love." Sambit nito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Inayos ko ang lap niya at doon nahiga. Nilaro-laro niya ang buhok ko samantalang ang mga kamay namin ay magkahawak.

"Maam Vice, kakain na po." Hay salamat! Pinatayo ako nito at inayos niya ang damit ko.

"Ayan na Love, gwapo ka na ulit." Natatawang saad nito habang inaayos ang kwelyo ko.

Ikaw at Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon