Chapter 1 - The visitor

774 46 28
                                    


Parang ang bilis lang ng limang taon, hindi ko namamalayan na limang taon na pala ako dito naka tengga sa shop namin haha. Pero, sa kabila nang lahat, ang saya ng naging buhay namin ni Bea.

Hindi mo talaga ma iiwasan ang away pero nagkakabati naman kami agad. At syempre, sasabayan pa ng anak namin na sobrang kulit pero cute na si Areena.

Hindi ko alam kung saan galing tong ugali niya na mahilig makipag away sa school. Kahit ang mga lalake niyang classmates hindi niya inaatrasan. Kahit ako takot pag naka simangot na, kamukha talaga ni Bea pag na gagalit eh.

Pero daddy's girl itong si Areena. Kapag walang pasok, palaging sumasama sakin dito sa shop at nag papakwento sa mga antiques na naka display.

Ang hilig niyang makinig ng mga kwento ko tungkol sa mga karanasan namin ng mommy niya. Siguro ganito talaga pag daddy kana, kailangan mong e explain lahat sa anak mo kung ano man ang itatanong niya.

Si Bea naman ay regular na sa ospital na pinag tatrabahu-an niya. At nominado siya bilang Head nurse doon. Well, Bea will always be Bea. Bilang asawa at ina, ma alaga siya sa amin ni Areena.

Kahit pagod siya ay binibigyan niya parin kami ng oras lalo na sa anak namin. Siya parin ang nag papatulog kapag makakauwi siya ng maaga.

Sinasamahan niya kami manood ng cartoons sa sala. Pero syempre, minsan nakakatulog na siya habang naka upo sa sofa. Na aawa nga ako sa kaniya pero kahit daw ganun, masaya siya sa trabaho niya at ayaw niyang huminto.

At tungkol naman sa mga kapatud kong mga anghel, limang taon kona rin silang hindi nakakausap. Hindi ko alam baket bigla nalang nahinto ang koneksyon ko sa kanila. Hindi narin sila dumadalaw sa amin.

Kinakausap ko parin sila pag gabi. Na sana dumalaw naman sila dahil kahit paano, namimiss kona rin sila. Ang huling kausap ko ky Michael ay noong nakaraang taon pa.

Na ang sabi niya, wag daw mag kompyansa dahil ang kasamaan ay nandiyan parin at-

"Tito Arren!"

biglang naputol ang lahat nang tawagin ako ni Kathy. 11 years old na siya ngayon at palagi din siya dito sa shop kasama si Memphis.

"Oh kathy ano yun?!" sagot ko naman sa kaniya.

"Pinapatawag ka ni Papa sa loob. May tumawag daw sayo." sagot niya naman sa akin. Papa ang tawag niya ky Memphis, ayaw niya ng lolo hehe.

"Ah sige, ikaw muna mag bantay dito ha? Huwag kang lumabas ng kalsada!" saad ko sa kaniya.

"ok po tito."

Pagkatapos nun ay umalis na ako papunta sa opisina. Habang nag lalakad ako ay napapatingin nalang ako sa mga marble sculptures na pinagawa ni Memphis. Napapa ngiti ako dahil ang mga gawang iyon ay tungkol sa mga karanasan naming lahat.

"Arren, si Bea nasa telepono." biglang saad ni Memphis.

"Huh? Nasa duty yun ah? Baket kaya?"

"abay ewan ko, parang galit eh.."

"Nako po, ano nanaman kaya ito.. " sambit ko sabay dampot ng telepono.

"H-hello hon? N-napatawag k-"

"HON?!!" biglang taas boses ni Bea.

"Oh? Baket?"

"Yung anak mo....my kinagat nanaman sa school!"

Napa lunok ako sa sinabi ni Bea. Hindi nga ako nagkamali. Si Areena nanaman ito.

The Hybrid vol. II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon